CHAPTER 20: THE PLAN

1.5K 60 0
                                    

CHAPTER 20: THE PLAN

Alexa's POV

"Anong plano niyo sa sembreak?" tanong ni Princess habang naglalaro sila ng pares pares. Nakaugalian na namin na tumabay dito sa tinatawag nilang MAZE kapag free time. Okay na rin na nandito kami para mas makakapaglaro si Andrea. Kapag kasi sa clinic kasi bawal siya maglikot.

"Wala pa. Bakit?" - Zyrille

"Swimming tayo." - Princess

"Swimming? Saan naman?" - Shyne

"Wala pa akong maisip. Basta kahit saan." - Princess

"Magyaya ka tapos hindi pa alam kung saan." - Prince

"Nagsuggest lang ako. Saka kaya ko nga ito sinasabi para matanong ko sila kung saan nila gusto." - Princess

"Doon lang tayo Pangasinan. Sa vacation house namin." - Zyrene

"Sige sige. Stay tayo doon ng one week." excited na sabi ni Princess.

"Diba birthday mo sa Nov 1? Hindi ka ba magcecelebrate kasama ng parents mo?" tanong ni Ellaine kay Zyrene.

"No. May business trip sila sa Singapore." sagot sa kanya ni Zyrene.

"Tamang tama! Birthday ni Ate sa 31. Sabay na lang natin icelebrate birthday niyo. Okay lang ba sayo ate?" sabi bigla ni Princess. Napatingin sila sa akin.

"Walang problema sa akin yun." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Araw ng mga patay yun. Hindi mo ba dadalawin si Kuya Mike?" tanong sa akin ni Ria.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon