Chapter 21: The Erguiza Family.

Start from the beginning
                                    

Na-shock siguro sya sa sinabi ko pero nagsmile naman sya, at nagsmile din ako sa kanya, medyo awkward haha

"Aaah ang sweet naman pala ng lovestory nyo, you know what Jane, lahat ng sinabi mo totoo, ewan ko ba sa mga tao dyan porket gwapo akala nilababaero na" sabi ni Tita haha medyo natawa naman ako dun

"Well kanino paba magmamana kundi sakin" sabi ni tito, infairness totoo din naman gwapo si tito tsaka mukhang di babaero

Uso pa pala yun, I mean may mga lalaki pa palang matitino haha,

Pero si Mark talaga hanggang ngayun hindi nagsasalita, tahimik lang sya, kaya kinulbit ko sya

Tumingin naman sakin tapos kinuha ko cellphone ko nagtype ako

'Bakit ang tahimik mo' tapos pinakita ko sa kanya

Kinuha nya yung cellphone at sya naman ang nagtype, tapos pinakita sakin

'Wala, btw buti naman matalino ka!'

So ano akal nya sakin bobo? Di ko kayang gumawa ng magandang story? Suus oh ngayun nakita nya may nagagawa din akong maganda haha

'Suus kinilig ka naman sa sinabi ko'

'HA-HA-HA bakit ako kikiligin eh totoo naman lahat ng sinabi mo, gawa gawa mo lang ba yun o totoo na? Ikaw ha nafall kana pala sakin di kapa nagsasabi'

'Hoy ang kapal mo! Sinabi ko lang yun kasi kelangan, eh lahat nga ng sinabi ko kabaliktaran mo eh'

'Wag masyadong defensive napaghahalata ka hahaha'

'Ewan ko sayo! Gusto mo bawiin ko lahat ng sinabi ko at sabihin kong nagpapanggap lang tayo?"

'Haha kaya gusto kitang iniinis eh pikon ka kasi'

At bigla kong inapakan ng malakas ang paa nya

"Araaaay" napasigaw sya sa sakit haha

Nakarating na kami ng restaurant, nakita namin si Thea nakaupo na

"Hi Mommy and Daddy" at nagkiss sya dito"

"Hi bunso!" Sabi ni kuya Simon sabay kiss sa ulo neto
Pp
"Hi kuya!" Sabi naman ni Thea "Hi ate Jane finally nakita na ulit kita" sabi nya sabay tayo at beso sakin

"Oo nga eh lalo kang gumaganda" sabi ko sa kanya

"Mga kuya narinig nyo sinabi niate Jane? Dapat kayo din lagi nyo ako sinasabihan"

"Bunso di kana namin kelangan sabihin dahil talaga naman maganda ka" sabi ni Mark sabay kiss sa piski ni Thea

"Yiieeh kilig ako"

"Hoy wag nyo na yang bolahin pa yang kapatid nyo baka maniwala" sabi ng papa ni Mark

"Papa naman eh" sabay tingin samin "by the way Happy Monthsary sa inyo, you're so bagay talaga" sabi nya sabay yakap samin

"Thank you" sabi ko sa kanya at sabay umupo na,

Sinerve na din agad yung pagkain namin, tutal sa kanila naman to kaya bago pa kami makarating dito alam na nila ang dapat lutuin at dapat iserve,

Masarap kausap ang pamilya ni Mark, hindi sila yung mayaman na puro yabang lang ang alam, para lang silang simpleng pamilya, masaya, nagmamahalan, sobrang iba ang bonding nila, kahit matatanda na sila, nagkakaoras parin sila para magkabonding

Sobrang ganda ng samahan nila sa isa't isa, kaya naman gumaan na din nh sobra ang pakiramdam ko sa kanila, hindi nila hinahayaan maop ako, sa lahat ng topic sinasali nila ako, nagtatanung din sila sakin about sa family ko, at sobrang naexcite sila makilala sina mama at papa,

Alam mo yung feeling na parang kanang may isa pang magulang, at dahil isa lang ako anak nina mama at papa, feeling ko tuloy nagkamerun ako ng kuya at little sister, oh diba bongga!

Anu hahanapin mo, tapos may boyfriend kapang gwapo, hot, sweet, minsan masungit pero may kabaitang tinatago, haaay sana lang tunay na to, kasi kung totoo to, Lord pasensya na alam ko bawal ang selfish pero kasi Lord bihira na to eh! Hehe

Pero alam ko naman may hanggan ang lahat, kung sakali man lumalim ang samahan namin ng pamilya ni Mark, grabe mamimiss ko lahat ng magagandang na mangyayare kasama sila,

Anu ba yan Jane, kakakilala mo palang sa kanila yung ending na agad ang iniisip mo,

Ok sige enjoyin ko nalang tong gabi to! Tapos bahala na hehe

"So Mark san mo dadalhin si Jane mamaya after dito?" Tanung ng mama ni Mark

"I don't know pa Mama, baka magpalipas oras muna ako kung saan"

"Ok basta make sure na maiiuwi mo si Jane ng safe, pati ikaw!"

"Yes ma, don't worry, Jane is in good hands" sabay sipa sa paa ko, hudyat na kelanagn kong ngumiti kahit nakakasuka yung banat nya

"Good! So Jane nice meeting you again, sobrang akong masaya na nakasama ka namin ngayun, I hope this is not the last time"

"Opo hindi po ito ang huli tita" at ngumiti ako

Nauna na unalis sina tita at tito kasama si Thea kaya kami nalang natira sa table ni Mark at kuya Simon

Pero bigla na din nagaya agad si Mark "una na kami" sabay tayo nya, kaya tumayo na din ako

"Aren't you going to the birthday celebration of Ashley?" Tanung ni kuya nya,

"Ah ngayon ba? Andyan ka naman ikaw nalang magsabi Happy Birthday" at tumalikod na at naglakad

"Kuya Simon una na kami" sabi ko

"Ok nice meeting you Jane, I hope you're enjoying Mark's company"

"Thank you kuya!" At nagsmile na ako at umalis na din

Hinabol ko si Mark masyadong mabilis maglakad eh,

Kahit ang saya nilang tignan kanina, may nasesense ako awkwardness sa pagitan ni Mark at Kuya Simon,

May something ba sa kanila? And sino kaya si Ashley?

Napansin ko medyo nabad mood si Mark nung narinig ang name na Ashley, grabe dami ko gusto itanung pero I think this it not the right time to ask him, baka masigawan pa ako

"Mark?" Sabi ko kanya, naglalakad kami papunta sa kotse nila

"Bakit?"

"Are you okay?"

"Oo naman bakit mo natanung?"

"Wala lang" at nagsmile ako, nagsmile din sya

At nung nakita namin kotse nya sumakay na kami

"San pala tayo pupunta?" Sabi ko

"Bahala na!"

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

FOLLOW NYO NA DIN AKO HAHA

SALAMAT ^_^

Be my Girlfriend for 100 DaysWhere stories live. Discover now