Chapter 41

2.3K 65 27
                                    


Chapter 41

"Hoy, Athena." Napataas ang kilay ko bago ko sila tingnan.

"Oh, bakit?" Lumapit ako sa kanila at tiningnan kung maayos ba ang pagkakagawa nila.

"Nakapag-design na kami, magsagot ka na. Hehe." Sabi ni Daldalita. Napairap ako. Nagkamali ako sa pagpili sa kanila bilang ka-grupo ko.

"Akin na." Sabi ko at hinila sa kanila ang project.

"Yehey! Ikaw na ang magdrawing at maglabel ah. Pati pala pakisagutan na din." Sabi ni Manok. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi ko nga, kami na mag-le-label." Sabi niya sabay takbo papunta sa sala ng bahay nila Daldalita.

Tiningnan ko ang papel na ginawa nila. It's neat and nice, ayos na ito.

Tiningnan ko ang libro na pag-ko-kopyahan ng project namin kay Professor Antonette. Bakit kapag galing sa kaniya ang isang bagay, parang may kung ano na nakatago dito?

Binuklat ko ang ibang pahina. Mukha namang ordinary pero mukha ding hindi.

Tinitigan kong mabuti ang nasa ika-labing-walong pahina ng libro. It's suspicious. Napataas ang kilay ko nang mabasa ko ang Activity title.

Activity 5: Find Your Book Now!

Title lamang ng activity ang naroon. Ni wala na ang activity na dapat gawin.

Kasunod na nito ay ang isang maikling story na nasa loob ng isang kahon.

Maybe... You are seeking for something which is actually just in front of you. However, you are looking from afar, not realizing that maybe... It's on your friend's hands. Or maybe... On your own pocket.

Napatingin ako kila Daldalita at Manok. I don't know if this words are just coincidentally here. I don't know if it is meant for me. But maybe no... It's not for me. And if yes... Then, I'm sure that what I'm searching for is not on my friend's hands nor on my own hands. Imposibleng tra-traydor-in nila ako. I love them at sana... Hindi nga.

"Thena, mag-meryenda ka daw muna." Sabi sa akin ni Daldalita habang ngumunguya ng kung ano. Napairap ako.

Tumayo ako at nagtangkang lumapit sa lamesa. Ngunit nakakalimang hakbang pa lamang ako ay biglang nangatog ang mga binti ko.

Anong nangyayari?

"Athena..." Isang mahinang bulong na naman ang narinig ko.

Nagpalinga linga ako ngunit wala akong makita. Ang dilim! Anong nangyayari?!

"Athena..."

"Oh? Athena, anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ni Daldalita nang mapalingon sila sa dako ko. Tumayo sila nang makitang nakasalampak ako sa sahig at nangingitim ang mukha.

Napatakbo sila papalapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Hoy, tumingin ka sa amin. Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong nila sa akin.

Bumalot sa mukha nila ang takot nang mag-angat ako ng tingin. Nakangiting ko silang tiningnan.

"Tara... Kumain na tayo." Sabi ko at tumayo na parang walang nangyari.

"Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito ah." Sabi ko sabay kuha ng isang stick ng bananaque.

"Huh? Eh puro dahon nga lang ang kinakain mo sa school eh." Sabi ni Lian habang tumatawa.

"Kumakain naman ako nito." Sabi ko sabay ngiti sa kanila.

"Creepy mo, Dude." Natatawa nilang sabi. Nginitian ko lamang sila.

Antithetic's TaleDove le storie prendono vita. Scoprilo ora