Chapter 25

2.7K 79 6
                                    

Chapter 25

"Oh, someone posted on her facebook account that she really hates school." Sabi ni professor Antonette.

"Another one posted that school is senseless." Sabi ng isang professor.

"Teacher's are teaching things that won't help us to prolong our lives, another girl said." Sabi ni sir Arthur. Lahat ng professor ay may hawak na cellphone sa mga kamay niya at nagbabasa sa isang website ng kung ano.  

Nakaupo kaming lahat sa lupa at sama samang nakikinig sa mga binabasa ng mga professor sa unahan. I don't know what are they doing, I don't have any idea. Ano namang pakielam namin sa mga taong nagsasabi ng hinanakit nila sa mga social networking sites? 

"Do you hate school?" Seryosong tanong ni professor Antonette. Tinignan ko siya ng seryoso pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa kabilang klase.

"No ma'am." Tinignan ko kaagad ang grupo ng babae na sumagot nun. Sinungaling.

"Dwight?" Binaling ni prof Antonette kay Dwight ang tingin niya. Napatingin ako kay Dwight at nakita ko siyang nakatingin sa akin na para bang hindi narinig ang sinabi ni prof Antonette. Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagkailang, marami na din ang nakatingin sa akin dahil nakita nila na sa akin nakatuon ang atensyon ni Dwight. What's up with him?

"Athena?" Tumingin sa akin si prof Antonette na para bang kailangan kong magpaliwanag sa kaniya. Tumayo ako dahil gusto ko talagang sagutin ang tanong niya.

"Yes, I do." Napasinghap ang kabilang klase sa sinagot ko. They don't know me, no one does. Siguro sanay na ang mga kaklase ko sa akin kaya naman nakatingin lang sila sa akin at naghihintay ng senseful kong sagot. Samantalang ang kabilang klase na ngayon ko lang nakita ay nagbubulungan at nakatingin sa akin ng nagtataka. I know, no one dares to answer what's on their minds. Everyone is hiding and pretending.

Ganyan ang mga tao. Hindi nila sinasabi ang mga bagay na gusto talaga nilang sabihin, yung mga bagay na nasa utak nila. Ayaw nilang sabihin ito at nagsisinungaling sila para lamang magustuhan sila ng ibang tao. They are all pretending to be someone for them to be noticed. They are hiding themselves for them to be appreciated. Poor people.

"Why do hate school, Clarke?" Seryosong tanong ng isang professor. Bakit niya ba ako tinatawag sa apilyido na hindi ko naman talaga pagmamay ari?

"Tingin niyo ba maganda lang lagi ang tinuturo niyo?" Pagbabalik tanong ko sa kanila. Nginitian nila ako ng isang peke at pilit na ngiti. Why don't they just frown at me and shout at me? Bakit kailangan pa nila akong bigyan ng isang peke na ngiti? Woeful people.

"Of course, we do." Sagot ng adviser ng kabilang klase.

"You're wrong. Your rules are awful, your systems are dreadful." Sabi ko sa kanila. Napasinghap muli ang ibang klase.

"School is responsible enough for those crimes and deaths." Seryoso kong sabi sa kanila. Sino sila para sabihin na lahat ng tinuturo nila ay maganda.

"Sa mga klase niyo, pilit niyong sinasabi na we are all equal and the same. The whole humanity is fair in everything. But look at your system humans, bakit kayo naglalagay ng star section? Lowest section? In that kind of system, nakikita na agad na magkaiba ang mga tao. Ano ang batayan niyo? Knowledge. Ayan ang tinitignan niyo, yung kapasidad ng utak ng isang tao. Now tell me, bakit niyo iyon ginagawa?" Nawawalan na naman ako ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Ano bang nangyayari sa akin?

Napatingin lang sa akin ang lahat ng tao at ayoko ng ginagawa niya. I hate attentions. I hate them and I will always do.

"Ginagawa namin yun kasi the intelligent people deserve to be at the top." Sagot ng isang professor na hindi marunong mag isip.

Antithetic's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon