"Yeah, obviously." -___-

"Yeah, obviously." I mirrored his tone. "Seriously, meron nga? Gusto ko bumisita doon sa club nila Gabriel eh."

"Well, I said we have an activity. Nasa iyo kung gusto mong umabsent sa first activity natin."

"Pero papayagan mo ako?" ^^

"It's up to you, bahala ka."

"Edi pwede nga?"

"Do what you want, I don't care." Nagulat ako nang bigla niyang isara yung libro niya ng malakas at lumingon sa akin. Nagkatitigan ata kami ng ilang segundo bago siya umiwas.

Ok, what was that? Nanglamig ako dun ah. >___>

---

"Hindi ka pa ba pupunta sa club room niyo, Gee?" Inabot sa akin ni Gabriel yung bag ko at ngumiti.

Tinitigan ko lang ito at ngumiti ng kaunti. One hour late na din ako doon kaya hindi nalang din ako pupunta. Dapat ata dito nalang ako sumali, ang saya pala rito.

Hindi ako magaling sa instruments pero habang tumutugtog sila, nararamdaman ko yung saya nila sa pagtugtog.

"Late na rin naman ako, hindi nalang din ako pupunta."

"Mas lalong magagalit sa'yo niyan si Naths. Tara, ihatid kita sa club room niyo."

Tug.dug.tug.dug.

Akala niyo puso ko 'no? Ingay yan ng lakad namin ni Gabriel. Kinakabahan kasi ako. Baka galit yung kumag.

"Una na ako ha. Ingat," Kumindat siya at hinawi ang buhok ko.

"Bye," bulong ko.




Pag-pasok ko sa club room, nadatnan kong wala tao. Tapos na agad yung activity? Naglakad pa ako papasok at doon ko narinig ang matinis na tawa ng isang babae.


Sino naman 'yun?


"Nathie! 6 pm na pala! Hindi ko namalayan yung oras. Can you take me home? Hindi na kasi ako nagpasundo kay daddy eh,"



Nanglaki ang mata ko at nakaramdam ako ng inis, at...at, ano? Ay ewan! Lalabas nalang ako, may activity siya eh! Halata nga. Halatang busy sa activity niya.



"Is it really fine? I just need to---Oh, may tao.  I thought it's empty?" Sakto namang lumabas si Kath dun sa stock room ng clubroom.

"Yeah, I cancelled the---Glydel? Anong ginagawa mo dito?" Kakalabas lang niya ng stockroom at tumigil siya sa pag-lock nito ng pintuan.

"Uhm, akala ko andito pa yung ibang members and gumagawa pa kayo ng activity na sinasabi mo." I forced a smile.

"I let them go home early. Dumating na rin kasi Kath kanina. Umuwi ka na rin, wala ng gagawin dito. Lets go, Kath." Hinila niya palabas si puti at naiwan aokong mag-isa doon.






Pakshet, kung kanina naiinis ako ngayon, nagagalit ako. And I don't know why! Siguro dahil nag-effort pa akong pumunta rito tapos wala rin naman palang gagawin.


Psh, magsama sila. -____-

Campus LoveteamΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα