Wizard's Tale 3: Chapter 8

Start from the beginning
                                    

Ito na. Sasabihin na yata niya. Sasabihin na yata niya 'yung matagal ko nang iniiwasang mangyari. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin. Ayokong mangyari ito dahil ayokong masaktan siya.

"Bakit hindi mo ako matutunang mahalin?" tanong niya.

Matagal ko naman na kasing alam. Hindi ako manhid. Nagbubulag-bulagan lang. Patay-malisya dahil hindi ko alam kung paano ko ito haharapin. "A—anong pinagsasabi mo, Rouel?"

"Wag kang magkunwaring hindi mo alam! Na hindi mo pa nararamdaman! Mahal kita, Prinsesa." He reached out his hand to me. "Mahal kita, Yana." Pero umatras ako.

"I can offer you nothing but friendship. Patawarin mo ako pero si Brylle pa rin ang mahal ko." My words aren't enough to express how sorry I am for him. Masakit sa akin na masaktan ko siya sa ganitong paraan. "Alam mo naman 'yun, 'di ba? Nanatiling si Brylle ang mahal ko at hindi na magbabago 'yun."

"For two years, ako ang kasama mo! Ako ang palaging nariyan para sayo! Mas mahabang panahon na tayong magkasama kaysa sa pinagsamahan niyo ng Wizard na 'yun!"

Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam na aabot sa ganito 'yung nararamdaman niya para saakin. Hindi ko sinasadya na masaktan siya ng ganito.

"You're right. What we have now is special." Mas matagal na nga ang pinagsamahan namin ni Rouel at wala nang kwestyon 'yun. "Still, it is not enough compared to what seems to be a lifetime with Brylle Zaffiro. I'm sorry."

I looked at him for one last time but didn't dare to say anything more. Ayoko nang dagdagan pa kung ano mang sakit ang pwede kong magawa o maibigay sa kanya.

My true heart's desire will always be Brylle. Nothing can change that. Not him, not even time.


* * *


Muli ko nang binalikan si Kaleel. Naroon pa rin siya sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Sinalubong niya ako nang makita niya akong papalapit sa kanya, "Ano pong nangyari sa inyo? Anong ginawa sa inyo ng Prinsipeng 'yun?"

"Wala... sinusumpong lang 'yun." Pinilit kong ngumiti pero nasasaktan pa rin ako. Nasasaktan ako sa ginawa ko kay Rouel.

Pero ayokong problemahin siya ngayon. Mas mahalagang matapos na muna 'yung huling plano namin. Siguradong hinihintay na rin kami nina Vander, Kerria at Lala mula pa kanina.

"Siya nga pala, may kailangan akong puntahan sa lower ground. Masasamahan mo ba ako?"

"Oo naman, Prinsesa."

Para makarating sa lower ground, sumakay ako kay Milka habang sakay naman ng isang Peryton si Kaleel. Nagtungo kami dun sa waterfalls—yung lugar na pinagdalhan din saakin noon ni Rouel. Medyo nakaka-guilty pero wala na kasi akong ibang maisip na perpektong lugar para isagawa ang plano namin.

Tamang-tama lang ang pagdating namin sa harap ng waterfalls dahil nasisinagan na ito ng liwanag ng buwan. Para bang napapalamutian na ito ng mga nagkikislapang bituin. Sobrang romantic ng dating...

"Anong masasabi mo, Kaleel? Ang ganda, 'di ba?"

"Yeah... I guess?"

"Si Rouel ang nagdala saakin sa lugar na 'to." Sinadya kong sabihin sa kanya para tingnan kung may senyales ba ng selos sa mukha niya—pero bigo ako. Daig pa kasi ni Kaleel ang isang robot kung makapagtago ng emosyon.

Naghintay pa ako ng kaunting sandali bago ako muling nagsalita, "Ang sarap maligo, 'noh?"

"Po? Gabi na po at mahamog na. Baka magkasakit kayo kapag—"

Hindi ko na siya pinatapos pa na magsalita. Naghubad ako ng sapatos at saka sumuong sa tubig. Sobrang lamig, pero tiniis ko. "Tara, Kaleel! Maligo tayo!"

"Pero Prinsesa..."

Ang hirap niyang pilitin kaya wala na akong choice. Wala nang atrasan 'to.

Pumunta ako dun sa pinakamalalim na parte ng waterfalls. Marunong man akong lumangoy, hindi naman ako ganun kagaling.

"Talaga bang ayaw mong maligo?" Huling tanong ko kay Kaleel ngunit nagmatigas ito at mukhang wala talagang balak na samahan ako. "Fine." Ibinulong ko sa sarili ko.

Huminga muna ako ng malalim at saka nag-dive. Habang ginagawa ko 'yun ay nagbibilang rin ako sa isip.

1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10...

Medyo suicide 'to pero ito na lang kasi ang tanging paraan ko para mapasuong siya rito sa tubig.

11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20...

"Pondus Zliche, Supera Gewicht!" Gumamit pa ako ng spell para bumigat ang katawan ko. Sa pagkakataong ito, mas mahirap nang lumangoy pabalik sa taas.

21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30...

Dumadagdag pa ang pwersa ng tubig na humihila sa akin pailalim. Naging sobrang lamig at dilim na. Halos wala na akong makita.

31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40...

Pero bakit parang hindi ko pa rin naririnig ang pagsunod ni Kaleel dito sa tubig? Wala ba siyang balak na iligtas ako kahit nalulunod na ako? Wala ba siyang pakialam kahit mamatay ako?

41, 42, 43, 44, 45, 46, 47, 48, 49, 50...

Syet! 51, 52, 53... Nauubusan na ako ng naipon kong hangin! 54, 55, 56... 57...

I lost count. Napatakip na ako sa bibig ko dahil nagsisimula na akong makainom ng tubig.

Huli na kung susubukan ko pang lumangoy dahil hindi na kaya ng katawan ko. Huli na kung susubukan ko pang gumamit ng spell dahil hindi na rin kaya ng utak ko.

Napapikit na lamang ako at pinabayaan ang sarili na lamunin ng tubig at kadiliman. Ngunit kahit pa nag-iisa at tila ba naghihintay ng kamatayan, hindi ako nakaramdam ng takot dahil alam kong darating siya. Ililigtas niya ako. Hindi ako mamamatay rito.

"Hindi ka pwedeng mamatay, Yana!"

Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Brylle na sumisigaw sa isip ko. Narito pa rin ako sa ilalim ng tubig at patuloy pa ring nalulunod. Parang kaunti na lang talaga at magkikita na uli kami ni Kamatayan.

"Just wait... I'll be there..."

Hindi ko sure kung imagination ko lang, but I saw hope—love. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko, nakita ko si Kaleel na lumalangoy na palapit sa akin. Ilang sandali pa, nakayakap na siya sa akin at lumalangoy na para umangat kami.

Nakakuha rin ako ng pagkakataon na matitigan ng maayos ang buong mukha niya dahil hinahawi na ng tubig ang buhok niya. Hinding-hindi talaga maipagkakaila na magkamukha sila! Ngunit bukod roon, napansin kong transparent na ang suot niyang damit dito sa ilalim ng tubig. Bigla kong naalala ang dapat kong gawin.

With my last remaining strength, nagpumiglas ako para makita ang likod niya. He have this weird swirly markings on his back but other than that, I saw it. OMW! There it is! The smiley birthmark—smiling at me!

I knew he's alive! I knew it was him! At kahit pa alam kong nasa ilalim pa rin kami ng tubig, hindi na ako nakapaghintay pa na gawin 'yung matagal ko nang nami-miss gawin.

I kissed Brylle for the first time in a long time.


Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now