Wizard's Tale 3: Chapter 8

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ko ang kamay ni Kaleel sa likod ko. Sinusubukan niya akong patahanin pero hindi niya kayang pagaanin ang loob ko. Kung alam niya lang kung gaano ko kamahal si Brylle. Kung gaano ako kasaya na makita siya at umaasa na sana siya nga si Brylle.

"What did you do to her?!" Nagbago bigla ang atmosphere dahil sa galit na boses na narinig namin. Nang lingunin namin kung sino 'yun, nakita namin si Rouel na papasugod na.

Bigla na lang nitong sinuntok si Kaleel at saka siya kinwelyuhan. "You! Why are you here anyway? Why are you making my Princess cry?"

"Rouel! Wala siyang ginagawang masama! Bitawan mo siya!"

Halata namang nagpipigil lang si Kaleel. Gusto niyang gumanti, pero nang tumingin siya sa akin, nakita ko ang pagkalma sa mga mata niya. "Wala akong ginawa kay Yana."

'Yung pagtawag niya ng Yana saakin, sinadya niya 'yun. Sinadya niyang sabihin sa harap mismo ni Rouel.

"Bastos ka!" At lalo itong ikinagalit ni Rouel. "Sino ka para tawagin lang sa pangalan niya ang aming Prinsesa! She's the Lux Princess!" At muli niyang sinuntok si Kaleel.

Ngunit dahil doon, hindi na rin nakapagtimpi pa si Kaleel at itinulak na niya ang Prinsipe. "Bakit ba galit na galit ka? Sino ka rin ba sa inaakala mo?"

Naisip ko nang pumagitna bago pa lumala ang sitwasyon. Si Rouel ang hinila ko palayo kay Kaleel dahil siya naman ang nagsimula ng gulo.

Kinaladkad ko ang Prinsipe para kausapin siya. Hindi naman kasi siya ganito eh. Hindi siya padalos-dalos sa mga ikinikilos niya. Baka may nakain lang siya na candy na kabaliktaran ng Eismint. Bigla-bigla na lang nagwawala!


* * *


"What is wrong with you?!" Nailabas ko rin sa wakas ang inis ko ngayong dalawa na lang kami ni Rouel. "Bisita ko si Kaleel! Bakit mo 'yun ginawa?"

"He's ill-mannered, bigheaded, annoying stranger—"

"Annoying? Wala siyang ginagawa na dapat mong ikaasar!"

"Ill-mannered and bigheaded stranger then."

Tiningnan ko siya ng masama. "You know what, there's nothing wrong with Kaleel. Ikaw ang may problema! Ano bang problema mo?"

"You!" Natigilan ako nang sigawan niya ako. First time 'to. Parang galit na galit talaga siya sa akin—pero hindi talaga sa akin. "Why did you let that stranger call you by your name? WHY?"

"Dahil 'yun ang sabi ko! Ang lahat, pwede akong tawagin lang sa pangalan ko! Hindi kasalanan ni Brylle—" Shet naman! Nadulas pa ang dila ko. "Hindi kasalanan ni Kaleel 'yun."

"Lumabas din ang totoo! Naniniwala kang siya 'yun?" Biglang nagbago ang reaksyon ni Rouel. Pati ang boses niya, parang nanginginig na. "Hanggang ngayon umaasa ka pa rin kay Brylle!"

At nang isigaw niya 'yun, napakapit na siya sa balikat ko. Parang nahihirapan siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. He's becoming unstable. Then all of a sudden, he bursted into tears.

"Rouel... anong ba kasing nangyayari sayo?"

"Hindi ko alam! Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sayo..." Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa boses niya. Nakakaawa. Nakakahawa. Nakakaiyak na rin. "When? When will you acknowledge my existence?" At habang nagsasalita siya, 'yung simpleng pagkapit niya sa balikat ko ay nauwi na sa isang mahigpit na yakap.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Where stories live. Discover now