CHAPTER 68 (Miles Away)

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaylangan ko na talagang makabawi kay Danica. Alam ko, sobrang sama ng loob niya sakin.

Kahit na walang nagbago sa pakikitungo sakin ni Danica, alam ko sa loob niya na sasaktan siya at ayaw nya lang ipakita sakin iyon. Kahit na madalas siyang ngumiti at tumawa alam kong nasasaktan siya. Mula pagkabata magkakilala na kami ni Danica. Sisimulan ko na ngayon ang pagbawi sa kanya. Pero ang inaalala ko lang, baka lumala lang lalo ang nararamdaman niya sakin. Syet ang hirap. Bahala na si Juan dela Cruz.

(Alex's POV)

I want to see her happy..

Kaya kaylangan ko na sigurong kumilos. Ayokong patagalin pa ang lungkot na nararamdaman niya. Kahit hindi niya ipakita nakikita ko iyon sa mga mata niya. Lalo na kapag tinitingnan niya si Ian.

Hanggat kaylangan ako ni Micha nandito lang ako sa tabi niya. Pero gusto ko na syang maging masaya. At alam kong hindi ako yung taong magpapasaya sa kanya.

Si Ian.

This coming sunday kakausapin ko si Micha. Sa araw na iyon, palalayain ko na siya sa puso ko. Kahit na mahirapan ako, ayos lang. Kahit na masaktan ako, kakayanin ko.

Matagal na akong sumuko. Dahil kahit ano namang pilit ko hindi ko na mababalik yung dati nyang nararamdaman sakin. Kaibigan na lang niya ako ngayon. Pero masaya na ako doon. Basta nawala na yung galit na nararamdaman niya sakin noon.

Idagdag pa yung nangyari last week. Mas napatunayan ko na mas kaylangan niya si Ian kesa sakin. Masakit man, kinaya kong tanggapin.

May kinukwento sakin ngayon si Micha pero lipad naman ang isip ko. Ayokong mapansin niya yun. Baka mabugnot siya sakin e.

"Okay ka lang ba, Alex?"

Hayan, napansin na nga niya.

"Oo." lumapit ako ng konti sa kanya. "Micha.."

"Bakit? Ang weird mo ngayon. May problema ka ba?"

"Wala. May gagawin ka ba sa Sunday?" bigla syang ngumiti.

"Tamang-tama! Yayayain sana kitang lumabas sa Sunday e."

"Ganun ba. Sige. Sunday ha. May mahalaga kasi akong sasabihin sayo." ngumiti ako para hindi naman siya ma tense.

"Oh? Nakakaintriga naman yan. Bakit hindi pa ngayon?"

"Basta." kinurot ko ang pisngi niya. Namula iyon. Ang cute.

Kaso may isang taong nakatingin samin.

Ian Jenares. Sa Monday, magiging sayo na si Micha.

(Danica's POV)

Masaya ako kasi nararamdaman kong bumabawi sakin si Ian. Natutuwa ako kasi hindi nagbago yung friendship namin kahit nai-confess ko na sa kanya ang nararamdaman ko.

Ngayong araw, niyaya akong magdate ni Ian. At sa buong date namin, pinilit niyang hindi ma-involve si Mikay.

Hinahayaan na pati ni Ian na yumakap ako sa braso niya. Ibig sabihin ba nito e..

Grabe, ang saya-saya ko ngayong araw na ito. Para bang nangyayari na yung mga gusto kong mangyari. Si Ian, na nararamdaman kong napakalayo sakin, ngayon ang lapit-lapit na niya.

Sana.. Tumagal ito. Sana hindi na matapos ang sayang nararamdaman ko. Sana hindi na ako masasaktan..

Yung dapat na mangyari noong birthday ko, ngayong araw nangyari. Ang saya-saya.

Nagpapahinga na ako ngayon sa kwarto ko at inaayos yung mga binili sakin ni Ian ngayon. Hinahanap daw ni Ian yung malaking teddy bear sa Blue Magic kaso may nakabili na daw. Hindi ko na lang sinabi na nabili iyon ni Alex noong birthday ko as a gift.

Biglang nag ring yung cellphone ko. Tumatawag si Tita. Yung mama ni Ian. Bakit kaya? Medyo kinakabahan ako ah. Sinagot ko na yung tawag.

Binaba ko na yung tawag at nakatulala pa rin ako sa gulat.

Hindi ako makapaniwala. Totoo ba yung narinig ko mula kay Tita? 

Halo-halong emotion ang nararamdaman ko. Pero nangingibabaw ang saya at kaba.

Sa wakas.. 

Yung hinihintay ko, dumating na..

Kinuha ko ulit yung cellphone ko para tawagan si Mikay. Ang saya-saya ko. Gusto kong si Mikay ang unang makaalam tungkol dito.

Mga ilang sandali lang, sinagot na niya yung tawag ko. At sinabi sa kanya ang pinaka magandang balita na natanggap ko ngayong araw na ito.

(Michaela's POV)

Nanunuod lang ako ng horror movie ngayong araw na ito. Tapos ko na naman gawin yung assignments ko.

The Conjuring. Okay. Hindi naman masyadong nakakatakot. Siguro dahil sanay na akong manuod ng mga horror movies.

Napatingin ako sa bintana ko na nakasarado. Matagal-tagal na rin na hindi ko to nabubuksan. Tumayo ako para buksan yung bintana. Kaylan ko kaya ulit makikitang nakabukas ang bintana ng kwarto ni Ian?

Mga ilang sandali lang sa pagtitig ko sa bintana ni Ian tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Danica? Bakit kaya?

Sinagot ko na yung tawag.

Nanginig ang buo kong katawan. Napatulala ako at sa hindi ko alam, kusang naglaglagan ang mga luha ko.

Nabitawan ko pa yung cellphone ko nang marinig ko ang ibinalita sakin ni Danica.

Pero agad ko iyong dinampot para hindi niya mahalata na nabigla ako.

"C-congratulations s-sa i-inyo.." siniglahan ko pa yung boses ko para hindi niya mahalatang apektado ako. Kahit ang totoo, sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Pagkatapos namin mag usap umiyak na ako ng umiyak.

Wala na.. Tapos na. Tuluyan nang malalayo sakin si Ian. Hindi na kami babalik sa dati. Siguro hanggang dito na lang talaga kami..

"Nag approve na si Ian sa arrange marraige. Sa Sunday gaganapin ang simple party ng mga parents namin. At last bff, nangyari na rin yung pangarap ko. Sobrang saya ko, bff! At gusto ko, ikaw ang unang makaalam dahil ikaw ang bestfriend ko."

Wala na naman akong magagawa e. Hanggang dito na lang talaga kami. Talagang hindi kami para sa isa't-isa ni Ian. Ako lang yung umasa e.

Talagang para sa isa't-isa si Ian at Danica. Mas bagay sila.

Ian, ang layo-layo mo na..

Cherry blossoms..makikita ko pa ba kayo..?

I Love That Weird Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon