♀Epilogue♀

2.2K 78 13
                                    

Point of View: Ashley

Nabato ko ang phone ko sa kama ko matapos kong mabasa ang chat ni Gio.

So iiwan niya talaga ako? Ganon nalang yon? Wala manlang siyang ginawang paraan para magkaayos kami o magkalinawan man lang sa nararamdaman namin?

Sure naman akong nabasa niya yung chat ko na ayoko siyang umalis? Pero bakit iiwan padin niya ako?

Hindi ko na napigilan pa at tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang paiyakin ako "I-iiwan na talaga niya ako. S-sinaktan na naman niya ako pero bakit ganon? B-bakit gusto ko pading makita ang mukha niya kahit sa huling pagkakataon?"

Naalala ko pa noong una ko siyang nakita parang tumugil ang oras at parang may nagpaparty mga paru-paro sa tiyan ko. First time kong nakaramdam ng ganon at ng malaman kong tropa siya ng ugok kong Kuya lalong nadiwang ang kaluluwa ko sa saya. Umpisa palang alam kong gusto ko na siya pero hindi ko aakalaing aabot ako sa puntong mamahalin ko siya ng sobra.

Napatigil ako sa pagdadrama ng may kumatok sa pinto. "Ashley hindi kaba sasama sa paghatid kay Gio? Ayaw mo bang magpaalam sakanya?" sabi ni Kuya bumukas naman ang pinto at pumasok siya at umupo sa aking tabi.

Sasama ba ako? Ano namang sasabihin ko sakanya 'Bye ingat ka. Sana maging masaya ka sa taiwan' ganon? Hindi naman ako masyadong tanga para lalo pang saktan ang sarili ko. Alam ko kapag sumama ako maghatid sakanya at kapag nakita ko ang mukha niya baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lumuhod sakanya at pigilan siyang umalis. 

Ayokong magmukhang kawawa sa harap niya.

"K-kuya hindi ako sasama. Ingat nalang kayo sa paghatid sakanya mabangga sana kayo. Joke!" pabiro kong sabi upang hindi mahalata ni Kuya ang lungkot na nararamdaman ko

"Okay ka lang?" alala niyang tanong. 

Bakit naiiyak na naman ako? Bakit napakaiyakin ko na? Kasalanan niyang lahat to! Kainis siya.

"Kuya wag muna tayong maggaguhan dito. Kung ikaw ba iiwan ng taomg mahal mo magiging okay ka? Kuya utak nasaan nasa pwet ba?" irita kong sabi kay Kuya

Napirap naman siya. #MedyoGaysiKuyaDrie "Alam kong matapang kang babae Ash. Kaya mo yan hindi lang si Gio ang lalaki sa earth" nakangiting sabi ni Kuya

Lumapit naman ako sakanya at niyakap siya "Buti nalang nandito ka Kuya. Alam kong kayo lang ni Daddy ang lalaking hindi ako iiwan. Kahit gago ka at kahit kadiri ka minsan, kahit pinupunasan mo ako ng kulangot at madalas mong pinapaamoy saakin ang mabantot mong paa alam kong mahal na mahal mo ako kuya" sabi ko at ayon na tuluyan ng bumagsak ang dakila kong luha. Kailan kaba mauubos?

Humiwalay naman sa pagkakayakap si Kuya at pinunasan ang pisngi ko "Alam mong ayokong nakikita kang umiiyak diba? Alam mo kung bakit?" tanong niya

"Bakit?" nakapout kong tanong

"Dahil lalo akong natatae Ash. Makita ko pa nga lang ang mukha mo natatae na ako ano pa kaya kapag naiyak pa? Doble ang feeling Ash" natatawa niyang sabi kaya hinampas ko siya "ARAY NAMAN!" 

"Ang kapal ng mukha mo kokey ka! Kung ako mukhang inidoro ikaw naman mukha kang tae! Bwisit ka!" irita kong sabi sakanya

Magsasalita pa sana siya kaso may mga kupal na pumasok sa kwarto ko. Sinong nagsabi sa kanilang welcome ang hayop dito? "Excuse me lang ha. Pero hindi naman Zoo tong kwarto ko para dito kayo magtipon tipon" taas kilay kong sabi sakanila

Sumimangot naman si Greg "Grabe ka naman babe" 

"Ew! Pwede ba? Kadiri ka!" inis kong sabi 

Napatingin naman ako sa katabi niya. Si Lance "Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Kuya sa kanila

"Susunduin ka dude. Pupunta pa tayo sa bahay ni Gio." sagot ni Jack

Napatingin naman si Kuya sa suot niya relo "Oo nga pala" sabi ni Kuya
Napatingin naman saakin si Kuya "Sigurado ka bang ayaw mong sumama?" tanong naman ni Kuya

"Kapag sumama ba ako mapipigilan ko ba siya sa pagalis niya? Kapag ba sumama ako mawawala yung sakit na nararamdaman ko? Hindi naman diba? Kaya bakit pa ako sasama?" nakatungo kong sabi

Ginulo naman ni Kuya ang buhok ko "Uuwian kita ng pizza" nakangiting sabi niya, ngumiti nalang din ako ng pilit sakanya kahit pizza hindi maalis ang sakit na nararamdaman ko. "Bihis lang ako mga etits" sabi ni Kuya at lumabas na ng kwarto ko

"Makikikain muna kami sa kusina niyo ah" sabi ng makapal na mukhang si Ken

Hindi ko nalang sila pinansin kaya naman umalis na sila sa kwarto ko "Ash kapag iniwan ka niya pangako babawiin kita" napatingin naman ako sa lalaking nagsalita. Nandito pa pala siya? Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa noo "Gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang siya. Pangako yan Ash" matapos niyang sabihin yon ay umalis na siya.

Sana nga ikaw nalang yung minahal ko. Napatingin naman ako sa phone ko.

3:46 pm.

Gio: Hindi kaba manlang ba magpapaalam saakin?

Gio: Aalis na ako Ash.

Gio: pero gusto kong makita ka muna bago ako umalis.

Gio: At hindi ko alam kung makakabalik pa ako.

Gio: I LOVE YOU ASH.

Ashley: ayoko ng makita kapa kahit kailan Gio.

Ashley: Wag ka ng bumalik. Wag ka ng babalik pa sa buhay ko Gio.

Ashley: PAKYU! WALA KANG KWENTA GIO ASHTON TUAN! BYE!

Ashley: AYOKO NA SAYONG GOOD BOY KA! MAMATAY KANA PLES!

END

◇◇◇
A/N: Sa totoo lang guys hindi ko alam ang gagawin sa epilogue. Kaya ayan ang kinalabasan sobrang boring. Kingina! Baka kapag nakaisip ako o umayos yung takbo ng utak ko ieedite ko siya. Sa ngayon pagtyagaan muna natin ang boring kong Epilogue.

Gaya ng sinabi ko meron tong book two. Bad Boy ang title niya baka bukas ko pa siya ipublished.

Good Boy | CompletedWhere stories live. Discover now