"Alam mo angge, tumatagal lang tayo e, aminin mo na kasi na mahal mo parin ako" sabi niya, oo aminado ako na mahal ko pa siya pero kasi hindi pa ako ready sa gusto niya e..

Hindi ako nakasagot sa tanung niya, lumapit naman siya sakin at hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Sorry, sorry sa lahat ng ginawa ko, sorry kung sumuko ako, sorry kung nagmadali ako, sorry... sorry talaga" tas niyakap niya ako.

"And i will take your in my arms, and hold you right were you belong, till the day my life is true.... this i promise you..." kanta niya

"I'll promise you, that i'm not ever give up w/ you again, and i keep my patience to our relationship and i will always understands you all the time, and one thing that i wanted to promise is i'm willing to wait for you, kung kelan ka ready, hindi na ako ulet magmamadali, promise..." dugtong niya, medyo natuwa naman yung puso ko sa mga narinig ko.

"Totoo ba?" tanung ko, kumalas siya ng konti pero nakayakap parin yung dalawa niyang kamay sa bewang ko.

"Alam mo kasi marerealize mo lang na mahal na mahal mo ang isang tao, pag wala na ito sayo, kaya habang may pagkakataon pa na magkaroon ng kayo, wag mo ng hayaan nawala pa ulet sayo, kasi kahit na maghanap ka ng iba, kung yung hinahanap ng puso mo e, nandoon sa taong iniwan mo, hindi mo naman talaga makikita yun. mahabang paliwanag niya..

Natawa naman ako sa sinabi niya.. tama naman kasi yung sinabi niya...

"At yun ang narealize ko ng iniwan kita, kahit marami pa akong idate na kung sino- sino, ikaw parin hinahanap hanap ng puso ko" eee... ang sabi....

"Kainis ka... ang weetie mo... haha..." kinikilig na sabi ko, kasi nemen eee....

"Ahh.. weetie pala hah" pagbabanta niya.

"Ai...haha..erikkk....hhah.." pano ba naman kasi bigla ba naman ako kiniliti, kaya ng makakalas ako sa kanya ay tumakbo ako palayo, hinabol niya naman ako.. kaya ayun naghabulan na kami doon sa kwarto na yun.

End of flashback

Diba ang sweet... Kaya doon nagsimula na nanligaw siya ulet sakin at after 1 year sinagot ko naman siya, oo mas mature na kami ngayon at iniintindi na namin ang bawat isa...

Tinupad niya naman yung mga promise niya nayun, tatagal ba kami ng 3 years kung hindi diba haha...

Nawala ang pag iisip ko ng may nagkakagat sa kumot, pagtingin ko si angerik pala.. binuhat ko siya...

Hai meet our baby si angerik, isa syang cute na cute na dog, parehas kasi kami mahilig sa aso kaya binili namin ito, angerik pinangalan namin dahil sa mga fans namin...

"Arf.. arf.."

"Bakit wala pa si daddy mo, sige paliguan nalang muna kita" kausap ko sa kanya at tumayo na ako, tinignan ko muna yung phone ko bago kami pumuntang banyo.

Himala ata hindi pa nagttext si pogs, baka mamaya yun, natapos ko ng mapaliguan si baby angerik pero wala paring text yun..

Bumaba nalang ako, ipagluluto ko nalang si mama bob.

"Ma anu gusto niyo, lutuin ko?" tanung ko sa kanya, nasa sala kasi siya ngayon...

"Kahit ano" sagot niya, kaya magluluto nalang ako ng kahit ano...

Malapit ko na matapos yung niluluto ko ng magvibrate yung phone ko, akala ko siya hindi pala...

"Hellow po" bati ko, si teacher annie.

"Angge may rehearsal tayo ngayon, sa asap studio" sabi niya

"Ok po, anung oras?" tanung ko

"Ngayon na, hintayin ka namin" sagot niya,

"As in ngayon na po, sige po 30 minutes nandyan na po ako" then binigay ko na kay ate yung niluluto ko, at nag ayos na ko...

Pagpasok ko doon wala namang tao, kaya chinat ko na lahat ng kasama ko, tinext ko narin si teacher annie, pero niisa sakanila walang nagreply, wow ang saya lang...

Inikot ko na yung buong studio, pero kahit isang anino nila wala ako makita, kaya naupo nalang ako sa gilid ng stage...

Darating pa ba sila... Ai kainis naman itong mga ito...

Nagulat ako ng may biglang tumugtog na kanta.

(Destiny - by erik santos)

Pagtingin ko sa likod ko, pinapalabas yung mga picture namin together ni erik, tas may tumapat na spotlight sakin...

May isa pang spotlight at tumapat naman sa gawing gilid ko pero malapit lang saakin.

Pagtingin ko sa taong nakatayo doon ay ang taong pinakamamahal kong gwapong gwapo.

Lumapit siya saakin, at hinawakan yung dalawang kamay ko.

"Ano na namang kalokohan to pogs?" nakangiting tanung ko, nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko.

"Marami na tayong pinagdaanan, marami ng masasaya at malulungkot tayong pinagsamahan, mga achievement na narating together, sinubok narin tayo ng work natin dahil sa time and others... gusto ko sana ngayon na makasama ka pa sa lahat ng mga mangyayari pa saatin in the future" sabi niya, naluluha narin ako sa sinasabi niya... e kasi naman totoo naman yun.. may kiniha siya sa bulsa niya...

SINGSING!!

"Angeline Ticman Quinto will you be my forever and spend my life time w/ me?" tanung niya, hindi ko alam yung mararamdaman ko, ang alam ko lang masaya ako.

Siguro panahon na para pagbigyan ko naman yung sarili ko...

Tumango ako na ikinangiti niya...

"Yes i spend my lifetime w/ you ang your forever" sabi ko, nanginginig na sinuot niya sa daliri ko yung singsing..

Tumayo siya at pinunasan yung luha ko, pinunasan ko rin yung luha niya... tumawa naman siya kaya natawa narin ako..

"Para naman tayong baliw dito, tumatawa habang umiiyak" sabi niya.

"Ikaw lang" sabi ko naman..

"I love you" sabi niya.

"I love you too" sagot ko, tas niyakap niya ko...

"Arf... Arf..." kumalas ako sa kanya ng marinig ko yun...

"Angerikkk..." sigaw ko, lumapit siya at niyakap ko siya...

Binuhat naman siya ni erik, at tumayo na rin ako para yakapin siya...

"Big happy family" narinig kong sabi, paglingon ko nakita ko, yung family niya, family ko at yung ibang mga friends namin..

Niyakap nila ako isa-isa at kita naman sa mukha nila na masaya sila para saamin.

Ako na ang lumapit kay mama bob at niyakap ko siya, nilapitan narin kami ni pogs at niyakap si mama..

"Thank you po tita" sabi niya.

********************************

Naramdaman ko na may nagbackhug sakin, nandito kasi kami ngayon sa bahay nila, dito na kami kumain, kuripot po kasi... hahah...

"Thank you" sabi ko.

"No thank you, kasi pumayag ka.. sayang effort no" natawa ko sa sinabi niya, ito talaga.

"I love you" sabi ko, naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo.

"I love you too" sagot niya, tas mas lalo pahinigpitan yung pagkakayakap niya sakin...

Pinanood nalang namin yung mga importanteng tao samin na masayang nagkwewentuhan....

Angerik: Love StoryWhere stories live. Discover now