Chapter 07:

634 17 1
                                    


Angge P0V

Mas lalo ako naging comportable kasama si pogs at close ko na din family nila, sobrang ang babait din kasi nila parang siya lang..

Nga pala nandito ako ngayon sa dressing room ko, sunday ngayon kaya asap day.

Tingin... Ibaba... Tingin... Ibaba...

Yan ang ginagawa ko sa phone ko ngayon, ewan ko ba.

"May hinihintay ka ba?" tanung sakin ng hairstylist ko.

"Wala naman" sagot ko

"Kulang nalang kasi bhe, mabasag na yang phone mo, kawawa naman" sabi niya, napatingin ako sa phone ko.

Nakakainis naman kasi yung lalaki na yun, mag iisang buwqn niya na ko hindi tinitext mag kikita lang kami rehearsal,tapos sa mga guesting after nun wala na.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas yung pinto...

Speaking of the... kayo na bahala magtuloy niyan haha...

Kunwari hindi ko siya nakita kaya humarap nalang ulet ako sa salamin at nag phone nalang.

May nilapag siya sa harap ko, pero hindi ko parin pinapansin.

"Coffee" sabi niya, kaya napatingin ako sa...

coffee... akala niyo sa kanya no.

Napangiti ako ng lihim dito, kasi favorite ko pa talaga yung coffee na dinala niya.

"Bati na tayo hah" sabi niya,

"Ano ito hah" tanung ko

"Basta bati na tayo" sabi niya ulet, kulet talaga nito, tas tumabi pa siya sakin.

"Patambay muna dito hah" sabi niya ulet.

"May magagawa pa daw ba sila, nakaupo ka na" sabi ko, natawa naman siya.

Kinuha ko nalang yung lyrics na kakantahin ko,actually hindi ko siya kaduet dito pero kasama ko siya sa prod.

"Ilan prod mo?" tanung niya

"Mga tatlo lang naman ikaw?" tanung ko din.

"Dalawa lang" sagot niya,nagkwentuhan pa kami saglit bago siya umalis sa DR namin.

********************************

Simula ng pinuntahan niya ako sa dressing room ko, parang ok na ulet kami, pumupunta na ulet siya sa bahay, lumalabas labas minsan..

Tapos nanuod pa kami ng concert nila ate regs at ni sir martin nung valentine.

Masaya naman, kasi first time ko magkaroon ng date nung valentine at si erik pa yun...

Sa ngayon medyo naging busy kami, kaya madalang na kami magkasama sa asap lang, at guesting kay ate kris..

Pero mag iisang buwan na ata siya hindi nagttxt sakin, at alam ko naman kung bakit , kasi dahil dun sa isa.

May isa pa kasing nanliligaw sakin, pumupunta siya sa bahay, tas lagi may dalang food.

Effort din kasi yung tao na yun, kahit wala pa ko sa bahay, nandun lang siya naghihintay...

Nagvibrate yung phone ko, pagtingin ko akala ko siya na pero hindi pala.

Matext nga si yenggay... pero... tawagan ko nalang...

Tinawagan ko si yenggay nasa kabilang dressing room lang naman ito.

("Hello angge") masayang bati nito

"Hello...." masayang bati ko.

("Bakit napatawag ka?") tanung niya

"Kasi si erik" reklamo ko

("Hindi ka pa ring niya tinetext o tinatawagan, baka naman kasi meron ka pa kasing iniintertain na iba, at baka ayaw niya yun") sabi nito, napaisip ako sa sinabi niya.

("Alam mo kasi angge, kung nararamdaman niyang wala na siyang pag asa sayo, wag ka ng aasa din na magttext pa sayo yun, isa pa kung nakikita ka naman niyang nag eenjoy ka doon") dugtong niya, pero kung mahal niya ang isang tao, kahit na sino pa ang humadlang paglalaban at paglalaban mo yun diba?

("Oh sige na angge may prod pa ako, hindi ka na nakapagsalita dyan, basta piliin mo kong ano sinasabi ng puso mo at kong sino ang mas magpapasaya sayo, bye... goodluck...") magsasalita pa sana ko ng binaba niya na.

Tama naman siya pero still naman na friends kami e, nag uusap naman kami pagnagkikita kami, ganun parin naman...

Pero tama nga rin siguro siya, na kaylangan ko rin pumili...

"Get ready, let's go" sabi ng isang staff dito kaya tumayo na ko at inayos ko na sarili ko.

********************************

Erik P0V

"Bro lalim niyan hah" bati ng ka dressing room ko. (N/A- hindi ko po kasi alam kong sino)

"Bro wala ito" sabi ko nalang

"Namimiss mo siya?" tanung niya sakin, parang may alam naman ito sa iniisip ko.

"Ano sinasabi mo, wala ako namimiss no" pagkakaila ko

"Haha..pare lalaki din ako no alam ko yang mga ganyang kilosan, may namimiss yan ayaw lang aminin" sabi niya sakin.

"May ibang iniintertain pre kaya tumigil na ko" sabi ko.

"So Sumuko ka pre, alam mo kung mahal mo ang isang tao, kaya mo siyang ipaglaban kahit sino pa yan" sabi niya.

"Pare pag mahal mo, hindi dapat sinusukuan" sabi niya at tinap yung balikat ko bago umalis.

Tama siya hindi ko siya dapat sukuan, ipaglalaban ko siya, tumayo na ko at lumabas ng dressing room.

********************************

Angge P0V

Katatapos lang ng prod namin, pabalik na kami sa DR namin.

"Wala na bang kulang?" tanung ng nasa likod, ewan ko kung sino sa kanila.

"Wala na yung puso ko nalang" banat naman nung isa.

"Kulang ako kung wala ka" biglang singit ko.

"Ui may namimiss" asar nila.

"Sino? yung kulang?" tas tumawa ako, natawa narin sila.

"Anggee.. Anggee.." narinig kong may tumatawag sakin kaya napalingon ako, paglingon ko may tumatakbo papalapit saamin na kulang... este pogi pala...

"Bakit?" nakangiting tanung ko, niyakap niya naman ako, teka bakit bigla nalang nanyayakap ito.

Reklamo ka pa angge niyakap mo rin naman haha...

Paki mo bang isip ka... gusto mo kaw nalang...

"May lakad ka ba mamaya?" tanung niya ng kumalas na siya.

"Oo after asap may show pa ko, bakit?" sagot ko sa kanya.

"Ahh.. wala, ano oras tapos niyan, sunduin nalang kita.. sabi niya.

"Hindi saan ba, punta nalang ako" sabi naman.

"Ok sa dati, hintayin kita doon hah" sabi niya ulet, niyakap niya ako ulet bago naglakad palayo, pero bago makalayo ng tuluyan ay sumigaw pa.

"Hintayin kita hah" tumango nalang ako, pagtingin ko sa mga kasama ko, nakatingin lang sila sakin habang nakangiti.

"Wala ng kulang" sabi ng handler ko, tumango naman yung iba...

Tama alam ko na ang desecion ko.... I choose him over other...

Angerik: Love StoryWhere stories live. Discover now