CHAPTER 8

2.2K 50 0
                                    

Welcome to the Philippines... namiss ko rin dito. 9mos. din akong nagtago sa france ayan tuloy, mag ta-transfer na si Scarlet dito sa Pinas.

Ayoko din naman siyang iwan sa France noh.

Nakita agad namin sina Tim at ang tatlong bestfriend ko.

"Mabuti at nasundo niyo kami" sabi ko sa kanila.

"Aba! siyempre namiss kaya namin sina baby Sky at Ate Scarlet" sagot ni Briella.

"Sila lang talaga ang namiss niyo?" tanong ko -_-

"Oo, naman alangan pati si Lowelle mamiss namin??? Hahaha pwede rin" natatawang sabi ni Lavi.

Tsk...

"Ok lang naman ma miss niyo siya eh, gusto niyo sa inyo na" sabi ko saka ako nauna sa sasakyan habang kalong ko si Sky.

"Ang pikon mo pa din eh noh? Hahaha" sabi ni Hailley sakin.

Di ko na lang siya pinansin.

"Teka, asan pala si Lowell?" tanong ni Tim sakin.

"Pwede ba? Pagod ako may jetlag pa ako, tapos hahanapin mo sakin yung monster na iyon??? Bakit kailangan ko bang bantayan ang mga kilos niya?" inis na sabi ko.

"Grabe kang babae ka, ang init pa din ng dugo mo sa kaniya?" sabi naman ni Briella.

Nang may maalala ako, oo nga pala bakit natunton kami nung monster na Lowell na iyon.

"Teka nga, sino pala sa inyo ang nagturo sa monster na iyon kung asan kami?" tanong ko sa kanila.

Bigla na lang umiwas tumingin sina Briella at Lavi. Ang mga bruha nag tulog tulugan pa -_- tinignan ko si Hailley.

Naging bz ito sa pagbubukas ng disc. At si Tim, hindi rin tumitingin sakin.

Tsk... geh lang... -_-

Pag ibig ko sa'yo totoo
Ni walang halong biro

"Ilipat mo nga yung tugtog tsk ang korni ha?" masungit na sabi ko.

Dahil ba sa kanya kaya ako'y nilimot mo na...
Init ba ng yakap at halik niya.

"Anu ba yan? Bakit ganyan wala ka bang cd?" tanong ko.

"Ano ba kasing gusto mo?" tanong naman ni Tim.

"Di yung favorite ko na BSB"  (BackStreetBoys) sabi ko.

Show me the meaning of being lonely....

Show many word for the broken hearts its hard to see in a crimson love so hard to breathe walk with me and maybe...

Napangiti naman ako... isa kasi yan sa favorite ko hehehe saka ko pinikit yung mata ko.

Night of lights so soon become wild and free I could feel the sun Your every wish will be done they tell me

"Show me the meaning of being lonely... is this the feeling I need to walk with tell me why I can't be there where you are there's something missing in my life" ayan napasabay na tuloy ako hehehe...

"Yung missing sa life mo? Baka si Lowell yun, ayaw mo lang kasi siya papasukin eh" sabi ni Hailley.

Natahimik na lang ako bigla. Mabuti tulog na sina Scarlet at Sky.

"Tingin niyo, ano ang mabuti niyang maidudulot saming mag iina?" tanong ko sa kanila.

"Magkakaroon ng Daddy si Scarlet, magiging masaya na kayo at magkakaroon ka na ng katabi sa pagtulog" nakangising sabi ni Briella.

"Grabe, di ko kailangan ng katabi noh tsk" masungit na sabi ko.

Hindi ko na namalayang nakarating na kami sa bahay.

Agad namang lumabas ng bahay sina Kristine, Nanay Strellia at Tatay Rudy para salubungin kami.

"Ang gwapo naman ng bunso niyo Ate Shan" nakangiting sabi ni Kristine.

"Ate Tine, ayaw mo na po sakin?" tanong ni Scarlet.

Gising na pala ito.

"Hindi ah, kaw pa ba baby? Siyempre kaw ang unang baby ko eh" nakangiting sabi nito saka niyakap si Scarlet.

Pumasok na kami sa loob at saka ako dumiretso sa kwarto kasama ko sina Scarlet at Sky.

Ewan q ba simula ng makapanganak ako, mas gusto kong nasa tabi ko lang itong dalawang toh.

Hiniga ko si Sky sa gitna at tumabi naman si Scarlet dito.

"Listen baby Sky I'll sing a lullaby for you" nakangiting sabi ni Scarlet.

Twinkle Twinkle little star
How I wonder what you are?
Up above the world so high
Like a Diamond in the sky
Twinkle Twinkle little star
How I wonder what you are?

Nakita kong tulog na si Sky. At napansin ko din si Scarlet na nakatulog na. Naiiling na kinumutan ko na lang sila.

Masaya ako, dahil nagkaroon muli ako ng anak maybe, mas kailangan ko ng magsipag.

Naalala kong bukas papasok na si Scarlet sa school.

Narinig kong may kumakatok sa pinto. Kaya nilapitan ko iyon at binuksan.

Tuloy-tuloy lang na pumasok si Tim saka umupo sa tabi ng kama at hinaplos ang dalawang bata.

"Bukas papasok na si Scarlet, ok na ba ang lahat?" tanong ko kay Tim.

"Wala pa yung gamit niya, bukas mo na rin makukuha yung mga uniform niya. By the way, kailan ka mamimili ng gamit ni Sky?" tanong nito.

Oo nga pala, wala pang gamit ang mga anak ko dito hay.

"Baka bukas na lang din ako mamili at isa pa, gusto ko ng bumalik sa trabaho" sabi ko pa.

Tinignan lang ako ni Tim.

"Hindi pwede, baka mabinat ka pa" sabi nito.

Napakunot yung noo ko.

"Anu gusto mo? Matengga ako dito sa bahay at ma bored?" mataray na tanong ko.

"Kailangan mong magpahinga wag matigas ang ulo mo, don't worry hindi naman porket ako ang nagpapatakbo ng negosyo ninyo ni Kuya aagawin ko na ito sa inyo, saka hindi ka pa maghihirap Shan kaya mag rest ka muna at ilaan ang oras mo para sa mga anak mo" nakangiting sabi nito.

"Tell me Tim, umaasa ka pa rin ba sakin?" seryosong tanong ko.

"Hahaha kapal mo Shan, di porket umamin ako sa'yo eh magpapaka martyr ako sayo noh? Saka ayaw ko ng lumaban kung alam ko namang wala na kong laban" nakangiting sabi nito.

Lumapit naman ako sa kama at umupo din. Saka ko siya tinapik sa balikat.

"Alam kong wala akong puso at manhid, sorry talaga Tim" seryosong sabi ko.

Umiling ito saka hinawakan ang kamay ko na nasa balikat nito.

"Hindi sa manhid ka o walang puso, maybe di mo pa kayang tumanggap ng ibang mamahalin bukod kay Kuya, kaya I'm sure mahihirapan si Lowell sa'yo hehehe" sabi pa nito.

Napailing na lang ako.

"Sabihin mo, paano ko siya lalayuan?" tanong ko.

"Bakit kailangan mo pa siyang layuan?" takang tanong nito.

"Dahil gusto ko akin lang ang mga anak ko" sabi ko saka tumayo ako.

Napailing na lang si Tim sakin. At tumayo na rin ito.

"Your Selfish Shantal, hindi na kita kilala" sabi nito bago umalis.

Natigilan naman ako. At naiwan akong naiinis kay Tim.

Whatever he said... I'm not Interested.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Walang inspiration kaya sabaw lagi ehehehe

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon