CHAPTER 2

3.1K 83 0
                                    

Nasa opisina na ako at madami na namang papel ang nasa table ko.

Parang kahapon lang, paubos na ito eh. Narinig kong may kumatok sa pintuan ng opisina ko, at iniluwa nun si Ash, ang secretary ko.

"Ms.Carlsberge, andyan po sa labas si Mr.Tim"

Honestly ayaw ko ng apelido ng asawa ko, Carlsberge? Tsk... alak na alak lang ang dating.

"Ashley, di ba sabi ko wag mo kong matawag tawag na Carlsberge? Sige, papasukin mo na siya" masungit na sabi ko.

Nakayukong lumabas naman ito. At maya maya pumasok si Mr.Tim.

"Anong kailangan mo? Ang aga aga andito ka?" masungit na tanong ko.

Natawa naman ito sakin.

"Ano ka ba naman, ang aga pa pero masungit ka na, problema?" natatawa pa ring sabi nito.

Tinignan ko lang siya.

"Kung andito ka para bwisitin yung araw ko, mawalang galang na lumayas ka sa harap ko" sabi ko saka muling tinignan yung papel na hawak ko.

"Woah, easy ok? Andito lang naman ako, para sabihing pupunta sila Mommy sa bahay niyo, gusto kasing makita si Scarlet" nakangiting sabi nito.

Binitawan ko naman yung papel, saka siya hinarap.

Si Tim Carlsberge, ang kapatid ng namayapa kong asawa. At siya din ang naging close ko sa apat na kapatid nito.

"Tell me, Shan wala pa rin bang kapalit si Kuya?" seryosong tanong nito.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya, wala rin naman akong magandang sasabihin eh.

Napailing na lang ito sakin.

"It's been a long five years since ng mawala si Kuya Clark, pero until now your a single," sabi pa nito.

Napataas lang ang kilay ko.

"What are you really tryin' to say?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa ba nakaka move on? C'mon lumalaki na si Scarlet, hindi ba siya naghahanap ng kapatid? O kahit si kuya hindi niya ba hinahanap?" tanong pa rin nito.

Pinag cross ko yung mga braso ko sa may dibdib ko saka, siya tinignan ng seryoso.

"Wala akong time sa mga ganyan, see those papers? I'm bz with my life, tingin mo may panahon pa ako para sa mga walang kwentang bagay?" tanong ko.

Napailing na lang ito, maya maya nakarinig sila ng may kumakatok saka pumasok si Ashley.

"Ma'am, sorry po sa storbo may mga bisita po kasi kayo" nakayukong sabi nito.

Hindi ko pa naman naitatanong kung sino nagsipasukan na ang tatlong mga bestfriend ko.

"Kyaaaa.... Shantel Carlsberge Amissu" tumitiling sabi ni Briella.

Saka nakipag beso beso sakin, napatayo tuloy ako ng wala sa oras. Nakakagulat naman kasi itong babaeng toh eh.

"Yah, Shan miss ka na namin kaya eto hinila ako ng dalawang lukaret na ito sa office mo" sabi naman ni Hailley.

Nakipag beso din ito sakin.

"Maka lukaret ka naman hell," sabi ni Lavi.

At bumeso rin ito sakin.

Samantalang natahimik na rin si Tim, ng dumating yung tatlong lukaret. Sabay sabay silang napatingin kay Tim ng mapansin nila ito.

"Woah, kayo na ni Tim?" tanong ni Briella.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon