CHAPTER 1

5.4K 81 0
                                    

Kagagaling ko pa lang ng opisina, ng mapansin ko ang walong taong gulang kong anak na busy sa panonood ng tv mag isa.

"Scarlet, I'm home" tawag pansin ko sa kanya.

Napalingon siya sakin, saka tumakbo palapit sakin, at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi.

"Mommy, how's your work po?"

Napangiti ako. Siya lang kasi ang nakakatanggal ng stress sa maghapon ko.

"Sobrang nakakapagod baby" nakangiting sabi ko.

Sabay kaming umupo sa may sofa.

"Mommy, look!" sabay turo nito sa t.v kasalukuyang pinapalabas yung Manay po.

Napakunot yung noo ko. Bakit nanonood ng ganito ang anak ko.

"Kristine!" tawag ko.

Humahangos na lumapit naman ang yaya nito.

"Ay, ate Shantal, andyan na po pala kayo?" tarantang sabi niya.

Tinignan ko lang siya.

"Bakit ganyan ang pinapanood ng anak ko?" tanong ko sa kanya.

Napatingin naman ito sa tv at nanlaki ang mata nito. Agad din nitong pinatay yung tv.

"Sorry ate, kanina kasi iniwan ko lang naman siya dyang nanonood ng cartoons eh tinulungan ko kasi si Nanay sa kusina" nakayuko pang sabi nito.

Napabuntong hininga ako.

"Sige, hayaan muna paki hatid na si Scarlet sa kwarto niya" sabi ko.

Napailing na lang ako. Saka ako nagtuloy sa library na office ko rin dito sa bahay namin.

Sa dami ng trabaho ko as C.E.O sa mga kumpanya ko, minsan wala na talaga akong pahinga at wala na rin akong time sa anak ko.

Napabuntong hininga ako, pagbukas ko ng laptop ko.

Dati, isa kaming masayang pamilya, isang pamilyang akala ko, wala ng iwanan. Pero dumating ang isang trahedya sa pamilya namin at nasawi ang asawa ko sa isang airplane crash.

Mahigit limang taon na rin ng mangyari iyon. Sabagay naka move on na ako. Kaya lang lumalaki na si Scarlet at mahilig na siyang magtanong sakin.

Lalo na ng mga napapanood niya sa tv.

Naalala ko ng makita kong nakikinood din siya kay Kristine

"Mommy, bakit po nag kikiss ang boy at girl na iyon?" sabay turo nito sa tv.

Agad ko namang naitakip sa mata niya ang kamay ko.

Gosh, ayaw ko pang ma corrupt yung utak ng anak ko sa mga ganyan.

"Baby kaya sila nag ki-kiss kasi love nila ang isa't isa" sabi ko.

Nanlaki naman ang mata nito.

"Bakit baby?" tanong ko sa kaniya.

"That's mean love din ako ni Carshell?"

Napakunot yung noo ko sa narinig ko.

"Who's that carshell?" tanong ko.

"Ay, Ate may crush yun kay Scarlet" biglang singit ni Kristine.

At nasabi ko kay Kristine na bantayan lagi si Scarlet mahirap na.

Napatingin ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Nanay Strellia.

"Hija, kadarating mo lang dito pero nagta trabaho ka na naman?" puna nito.

Napangiti na lang ako. Parang nanay ko na rin kasi kung ituring siya at si Tatay Rudy na driver ko parang tatay ko na at si Kristine parang kapatid ko na. Kaya hindi na iba sakin ang pamilya nila.

OPERATION: Wanted BaBy Maker?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon