Chapter 27: Metamorphosis

Start from the beginning
                                    

Ilang sandali lamang at umalis na rin ang lalaki. Biglang umupo si Daniel sa tabi nya at hindi ito nakangiti.

“Ginulat mo naman ako.”

“Sorry. May itsura yun ha.”

“Sino?”

“Yung kausap mo kanina.”

“Ah yun. Nagtatanong lang kung anong oras na.”

“Sa isang taong obvious na obvious na walang relo?”

“Baka di nya napansin.”

“O baka ang gusto nya ay yung oras mo.”

Napatitig si Kathryn kay Daniel.

“Nagseselos ka ba Mr. Daniel Padilla?”

“Siguro.”

Yun ang unang beses nyang nakitang ganoon si Daniel. Hindi nya akalaing possessive pala ito.

“Hindi ka naman dapat magselos. Di ko nga alam pangalan nya. Besides di naman ako type nun.”

“Pano mo naman nalaman?”

“Hindi naman ako chicks noh.”

Napakunot ang noo ni Daniel sa sinabi nya.

“Kath, ano ka ba. Malaki na kaya ang pinagbago mo. Bukod sa hindi ka na mahiyain ngayon eh gumaganda ka na rin.”

“Wag mo na ko bolahin, DJ. Kahit medyo nagbago na ko alam ko na I'm just like a caterpillar that just got into its cocoon... a work in progress.”

---END OF FLASHBACK---

*Hindi umalis si DJ*

Yun ang unang naisip ni Kathryn nang maalala ang lahat.

Tatakbo sana sya palabas para hanapin ito nang magulat sya kung sino ang nakatayo sa pintuan ng dressing room.

Si Daniel.

“Hindi ka nahirapan ifigure out?” Nakangiti ito sa kanya.

“Ifigure out ang alin?”

“Kung kanino galing yung flowers. Lalabas ka sana para hanapin ako noh?”

Huli ka.

“Hindi ah. Isasara ko sana yung pintuan.”

“Mmmm.” Nakangiti lamang nang nangaasar si Daniel.

Huling huli.

“Akala ko umalis ka na?”

“Kaya ba ganun mukha mo kanina?”

Kanina pa ba sya nito pinapanood?

“Hindi. Pagod lang ako.”

“Mmmm.” Muling pagngiti ni Daniel.

Tiningnan lamang sya ng masama ni Kathryn.

“Tigilan mo nga yan. Nagtatanong ka dyan tapos hindi ka maniniwala sa sinasabi ko!”

“Wala kong sinabing hindi ako naniniwala. Sabi ko lang ‘mmmm’”

Binato nya ito ng card na hawak.

“Ano bang ginagawa mo dito? San ka nakakuha ng backstage pass?”

Weird na tinatanong nya ito kay Daniel dahil hindi ba kanina lamang ay excited sya na makita ito, at ngayon ay tinatanong naman nya bakit ito naroroon? Kakaiba talaga ang epekto ni Daniel sa kanya. It brings out paradoxical emotions in her.

“I pulled some strings.”

“Manipulation ang tawag dun. O kaya abuse of power. Teka, diba may meeting ka with Henry Sy?”

“Pina-reschedule ko.”

Nagulat si Kathryn sa narinig at nanlaki ang mata nito.

“Alam ko. It doesn’t sound right coming from me. Weird, isn’t it?” Natatawang sabi ni Daniel.

Napansin siguro nito ang pagkabigla ni Kathryn.

“Yeah. Pinilit ka ba ng barkada? Nithreaten ka na susunugin bahay mo or something?”

“Hindi . Hindi naman nila kailangang gawin yun.”

All this time akala ni Kathryn ay balewala lang sya kay Daniel para isantabi nito ang mga importanteng bahay gaya ng trabaho. Naalala pa nya kung paano nagagalit si Daniel nung mga nakaraang linggo kapag napipilitan itong umalis sa opisina para sa mga “plot executions” nila. Pero parang nagbago na talaga ito sa kanya.

Biglang napansin ni Kathryn na nakatingin si Daniel sa may pintuan at biglang tumango at ngumiti.

Sinundan nya ang tinitingnan nito at nakita ang isang modelo na bumati kay Daniel.

“Naeenjoy mo ba ang view?” Sarcastic na tanong ni Kathryn.

Tinitigan syang muli mula ulo hanggang paa ni Daniel bago ito sumagot.

“Oo naman…”

Nagulat si Kathryn sa ginawa ni Daniel.

Tumikhim bigla si Daniel nang marealize ang ginawa nya.

“I mean, maganda talaga tingnan yung mga designs mo. For the first time, I think naappreciate ko ang fashion.” Paliwanag nito habang nakakatitig pa rin sa mukha ni Kathryn.

“Talaga lang designs ko ha?”

“Oo naman.”

“Mmmm.” Nakangiting sagot ni Kathryn.

Natawa si Daniel. Karma does exist.  

__________
Author's Note: Happy weekend! ♡

After AllWhere stories live. Discover now