26 : The last stand wins

Začít od začátku
                                    

Siguro nga wala na ang Hara Cereza noon. Ang kinaiinggitan ng lahat. Ang babaeng nasa kanya ang lahat. Ang babaeng masaya. Ang babaeng perpekto. Ang ako noon.

Di ko akalaing aabot ako sa ganito. Lahat ng nasa akin biglang nawala. Ang masaya kong buhay, naging miserable na ngayon. May pag-asa pa bang bumalik ang nakaraan? Kung ako ang pipiliin... sana oo. Sana kasama ko pa sila Keilah at ang mga magulang ko.

Muling kumulo ang dugo ko ng maalala ang dahilan ng lahat ng ito. Si Sean. Ang lalaking akala ko'y mahal ko.

Oo lahat kami ay may sala. Napakalaki ng kasalanang nagawa ng mga pamilya namin sa kanya pero bakit kailangan niyang idamay ang lahat? Ano bang ginawa nilang mali? Anong ginawa kong mali sa kanya?

Sa pagkakaalala ko, wala na akong ibang ginawa kung hindi mahalin at ipaglaban lamang siya. Nagsisisi ako. Nagsisisi akong nakita ko pa siya't pinagkatiwalaan. Pinagsisiaihan ko lahat.

Sean Servano... ang totoong Brian dela Cruz Hereza. Ang sakit sapusong malaman na parehas kami ng apelyido.

Ang dami kong nagawang kasalanan sa Diyos. Nawa'y mapatawad sana ako.

Muli akong tumingin sa paligid. Ganun parin. Madilim at magulo ang paligid. Ang tanging pagbabago lang ay umaalingasaw na ang bangkay ni Elisha. Nakakasulasok. Ang hirap langhapin ng mga hangin sa loob ng kwartong ito. Gusto ko ng makalabas.

Sunod akong napatingin sa orasang nakadikit sa pader na saktong nasa harapan ko. Unting sandali na lang matatapos na...

Matatapos na ang pakikipaglaro ko sa kamatayan. Matatapos na ang laro ni Sean.

Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan ng makitang gumalaw ang second hand sa 12. Sumakto ang oras sa 10:27.

Isang oras na lamang.

Ramdam ko na. Ramdam na ramdam ko na ang kamatayang papalapit sa akin. Ngunit natatakot parin ako. Siguro'y hindi pa talaga ako handa. Kung pwede lang maghangad ng mas matagal pang panahon upang mabuhay....

Napayuko na lamang ako at tulad ng palagi kong ginagawa. Umiyak na lamang ako. Umiyak ng umiyak dahil ito na lamang ang kaya kong gawin.

Ang hirap tanggapin. Habang umiiyak ay napatingin ako sa tiyan ko. Hindi ko alam kung buhay pa ba ang nasa sinasapupunan ko. Natatakot akong mawala siya. Tulad ng nasabi ni manang Sena noon ay kahit anong mangyari, ang atang ito ay biyaya pa rin ng Diyos. Pero may parte parin saaking sarili na nagsasabing, sana nga mamatay na itong batang ito. Siya rin ang kawawa kung mabubuhay siya. Magiging miserable lang ang buhay niya dahil ang mga magulang niya ay magkapatid.

Pero ewan ko. Nakokonsensya ako sa mga pinag-iisip ko. Hindi ko na alam kung ano ang tama. Naguguluhan ako sa sarili ko.

Agad akong napatigil sa pag-iyak ng may narinig akong nakikisabay sa mga ginagawa kong hikbi.

10270171127DKde žijí příběhy. Začni objevovat