20 : Secrets will reveal

6.7K 190 78
                                    

Hara's POV

 

Bigla kong nabitiwan ang cellphone at napatulala.

Ano kamo?

N-nahuli na ang killer?

Agad kong pinulot ang cellphone at idinikit muli sa tenga ko atsaka nagsalita.

"P-pupunta na po kami diyan. S-slamat po" atsaka ko ibinaba ang tawag. Nanginginig akong napakapit sa pader at umupo sa upuan sa may study table ko. Napahawak ako sa dibdib ko, kinakabahan ako.

Muli kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Sean.

[Hello Hara? Napatawag ka?]

"S-sean... samahan mo ako" nanginginig kong sabi habang may nangingilid ng luha sa mga mata ko.

[Teka, may problema ba?]

"Hindi ko kayang harapin siya mag-isa... s-samahan mo ako please" at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Masaya akong nahuli na ang killer pero bakit ganito... iba ang takot na nararamdaman ko.

[Sino ba yang tinutukoy mo?]

"Nahanap na nila ang killer"

[Talaga? Teka, pupuntahan kita diyan hintayin mo ako] atsaka niya binaba ang tawag.

Naligo ako saglit at ilang sandali lamang ay nandito na si Sean.

 Kasama namin si manang Sena pagpuntang prisinto. Habang nasa sasakyan, mahigpit na hawakan ni Sean ang kamay ko. Nahalata niya sigurong nanginginig ang mga daliri ko.

Napatingin na lamang ako sa labas, kaya ko ba siyang harapin?

Pagkarating namin sa prisinto, inilalayan ako nila Sean at manang sa loob. Palapit ng palapit, pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko. Eto na... ang pinakahihintay kong mangyari, makikilala ko na din kung sino ang killer,.

"Magandang araw po chief" bati ni manang bago kami umupo sa harap ng isang mahabang mesang puti. Nanatili akong nakayuko at pinaglaruan ang mga daliri kong kanina pa nanginginig.

"Oh, ilabas niyo na yang babaeng yan" sabi nung chief police na nasa harap namin at naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi niya.

Biglang tumigil ang mundo ko. Ang kaninang nanginginig kong kamay ay biglang tumigas ng makita ko ang kanyang kamay na ipinatong niya sa table. B-babae?

 

"Siya na po ba?" narinig kong tanong ni Sean at kahit na nakayuko ako ay naramdaman ko ang pag-tango ng pulis. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.... iisang tao lang ang pumasok sa isip ko. Dahan dahan akong tumingala at tumambad sa tapat ko ang isang babaeng naka-sombrero habang nakayuko.

10270171127DWhere stories live. Discover now