3 : New friend

10.5K 273 42
                                    

Hara's POV

Friday ngayon at PE time namin. 

Wala namang pakeelam ang PE teacher namin, hinayaan nalang kami kaya malaya kaming nakakalibot sa academy. Karamihan naman ng mga guro dito ehh mga walang kwenta. Mga bayaran! Para saan pa at nag-aral sila kung ganito nila kami tratuhin?

Kung sabagay, lahat naman makikinabang.

Makakapasok kami sa ranking, magkakapera sila.

May mga sariling mundo ang lahat. At masasabi kong mag-isa lang ako sa mundo ko. Wala akong kaibigan. Si Sean na lang ang meron ako. Ang mga magulang ko hindi ko na alam kung buhay pa ba sila o hindi. Pero umaasa ako...

Naiiyak na naman ako. Kada maiisip ko na nawawala ang mga magulang ko, gusto ko ng humagulgol sa iyak. Tumakbo nalang ako at nagkulong sa cr at doon tumulo ang mga luha ko.

Kung na-kidnapped sila, bakit hindi naman tumatawag ang mga kidnappers para sa ransom?

Kahit anong halaga... ibibigay namin. Pero wala eh, mukhang di nila habol ang pera namin.

Binuksan ko na ang gripo at hinilamusan ko ang mukha ko. Napatigil naman ako saglit ng maramdamang may nagmamasid sa akin.

Wala namang tao, pero nakasarado ang dalawang cubicle sa bandang dulo.

Posible kayang may tao doon?

Dahan dahan akong lumalapit. Sigurado akong may nagmamasid sa akin. Nararamdaman ko ang presensya niya.

Binuksan ko ang pinto ngunit wala namang tao doon sa loob. Patagal ng patagal mas kinakabahan ako. Doon naman sa pinaka-dulong cubicle. Nakapikit pa ako habang binubuksan ang pintuang iyon kaso wala ulit akong nakita.

Nakakapagtaka...

"Omo!" napatalon ako sa gulat ng makita si Elisha na nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko. Hindi ko maikalma ang sarili ko. Tinignan niya lang ako saglit at pinagpatuloy na ang pag-aayos sa buhok niya.

"P-paano ka nakapasok?" di ko mapigilang magtanong. Kinakabahan kasi ako.

"Wag kang mag-alala, kakarating ko lang. Ikaw lang ang tao dito kanina" at ngumisi siya sakin habang nakatingin sa salamin at lumabas na ng cr.

Kung ganun, imahinasyon ko na naman ba iyon?

Nag-hugas nalang ulit ako ng kamay at inayos ang uniporme ko. Tumayo ng tuwid sabay buntong hininga.

Ang pangit ko na. Kailangan kong ngumiti... kahit pilit lang.

10270171127DWhere stories live. Discover now