2 : Letter

11.6K 326 51
                                    

Hara's POV

Nagpatuloy ang klase. Usap-usapan parin ang nakita namin kanina. Buhay parin kaya siya?

"Good bye students" sabi ng aming adviser.

"Good bye Mr. Rowen" sagot namin at nagkanya-kanyang labas sa kwarto.

Pumunta muna ako sa aking locker para kuhain ang iba kong gamit.

"Nalaman ko ang pangalan ng biktima!" may isang sumigaw kaya nahinto ang mga tao dito sa hallway at tumingin sa nag-salita.

"Ano?" tanong ng isa sa mga kamag-aral ko na kapwa nasa tapat din ng kanyang locker.

"Gelou Arson" sagot niya. Naalala ko, siya din ang nagsabi kanina sa cafeteria na nursing student ang biktima. Paano niya nalaman ang mga bagay na to kung mahigpit kaming pinapalapit sa crime scene?

Hindi kaya may kinalaman siya dito? Pero ayokong mang-husga agad ng kapwa.

Nakakapag-taka lang kasi na ang dami niyang nalalaman.

Ibinaling ko na lang ulit ang sarili ko sa pag-aayos ng locker ko. Hindi parin naman nasasagot ang katanungang kanina ko pa iniisip.

Kung sino ang killer.

Sa pag-sara ko na ang aking locker, napa-atras ako sa gulat na may taong bumungad sa likod ng pintuan ng aking locker.

Si Enzo....

Naririnig ko parin ang usap-usapan nila. Katulad nila, gusto ko rin malaman kung ano talaga ang nangyari.

Nagtaasan na naman ang mga balahibo ko ng mapansin kong may maliit na ngisi ang naka-ukit sa kanyang mga labi habang inaayos niya din ang kanyang locker.

Kinakabahan ako sa kanya.

"Enzo..." tawag ko. Biglang bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba ng tumingin siya sa akin. Napakatalim ng mga tingin niya na para bang gusto niya akong patayin.

"K-kakilala mo ba ang b-biktima?" pautal-utal kong tanong dahil sa totoo lang, nag-aalinlangan na ako sa ginagawa ko. 

"Bakit?" at nakita ko na naman ang mala-demonyo niyang ngiti.

"Napansin ko kasing... ah wala wala! Kalimutan mo nalang yun" at tumalikod na ako sa kanya. Kinakabahan kasi ako eh. Parang inilalagay ko sa panganib ang aking buhay. Dapat na lang akong tumahimik at hayaan ang mga pulis mag-imbistiga.

"Si Gelou ba?" napatigil ako sa paglalakad ng mag-salita siya. 

"Haha. Sa tingin ko bagay lang sa kanya ang mamatay" mapanukso ang tono ng pananalita niya. Muli ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatanong na ekspresyon sa mukha.

10270171127DWhere stories live. Discover now