26 : The last stand wins

Start from the beginning
                                    

Sa likuran kami ni Keilah habang nagkekwentuhan habang si Sean naman ang nagmamaneho.

Oo ang bata ko pa. Second year highschool kami ni Keilah samantalang first year college naman si Sean. Alam kong napakabata ko pa para magkaroon ng relasyon ngunit tanggap naman nila papa si Sean. Kilala naman kasi nila ang mga magulang niya atsaka alam naman namin ni Sean kung hanggang saan lamang tutungo ang aming relasyon.

Habang nagkekwento ako kay Keilah ay napasimgangot na lamang ako. Hindi naman ata siya nakikinig sa mga pinagsasabi ko.

Sinundan ko kung saan siya nakatingin at doon iyon sa salamin ng sasakyan. Tumingin din ako doon at medyo nagulat ng mapansin ang mga mata ni Sean na nakatingin din sa salamin. Wag mong sabihing nagtitinginan sila?

Agad akong umiwas ng tingin at baka mahuli pa nila ako.

Hindi ko mapigilang mapaisip tungkol sa nakita ko. Ang mgatingin nila sa isa't-isa... para bang nagkakaintindihan sila kahit gamit lamang ang mga mata.

"Hara!" napalingon ako kay Keilah.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito. Ngumiti ako bago sumagot.

"Wala ano ka ba."

"Tulala ka kasi. Tara na, andito na tayo ohh" pagkasabi niyanun ay agad akong napatinfin sa labas. Di ko namalayan, nakarating na pala kami sa Cresent Academy.

Ngumiti akong muli at tumingin kay Keilah. "Tara"

Bumaba kaming tatlo sa kotse at sabay na naglakad papasok ng school. Ako ang nasa gitna nilang dalawa.

Maya maya, naramdaman ko na lamang ang kamay ni Sean na humawak sa kamay ko at ilang minuto pa'y sinundan iyon ni Keilah. Humawak din siya sa kamay ko.

Napangiti ako sa naramdamang kasiyahan. Baliw talaga ako. Wala lang yung nakita ko kanina, walang tinatagomh sikreto sakin ang boufriend at bestfriend ko. Wala akong dapat ipaghinala...

Patuloy kami sa paglalakad habang di maalis sa labi ko ang mga ngiti. Napakasaya ko lang.

Maganda't pristerhiyosong paaralan.

Mapagmahal na mga magulang.

Mabuting kaibigan.

At masaganang buhay pag-ibig.

Tama. Perpekto nga siguro talaga ako.

Ang saya maging perpekto....
**

Minulat ko ang mga mata ko. Nilibot ang aking mga paningin saka tumingala sa taas. Napabuntong hininga ako. Isang panaginip. Sana di na lang ako nagising....

10270171127DWhere stories live. Discover now