2013, May
"Nice to meet you! Ako nga-"
Hindi natuloy ang sasabihin ng bata dahil lumakad na agad palayo si Chanyeol, hindi man lang pinatapos ang bata. Wala siyang oras para sa mga bata ngayon, at kung sino man 'to, paniguradong nawala lang 'to.
"Alam ba ng mga magulang mo na nawawala ka?" Sinabi ito ni Chanyeol habang paaupo siya sa kanyang study table. Napansin nung "bata" na sobrang kalat ng table na yun, at nung narealize nito na tinawag siyang bata, napakunot ang mga kilay niya.
"Excuse me? BATA? Ha! Sorry ho pero ako ho ang bago niyong roommate." Napa-iling si Baekhyun. "Parang tanga ka rin pala eh, paano ko papasukin dito sa mga dorm kung bata ako."
Nag-glare si Chanyeol sa bago niyang roomate at inirapan ng mga mata. "Well then, kuya mo parin ako. Kaya mag respeto ka naman."
[ oo, huhu spoiled si Chanyeol dito. RK kasi eh, hindi sanay ng hindi nirerespeto. ]
Narinig ni Chanyeol na mag-scoff ang bago niyang roomate at narinig rin niya ang: "Sorry to break it to you, pero magkasing idad lang tayo."
"Imposible,"
"20 na ko. Graduating this year,"
"So? Ano naman kung 20 ka na?"
"Mag-respeto ka sa mga makakatanda sayo."
"Iba ka rin eh no? Paano mo nasabi na mas matanda ka?"
"Kasi nag-21 na ko nung May 6." Sabay ngiti at lumakad papunta dun sa side niya ng bedroom.
Ano?! Itong pandak na to, 21 na?
"So?"
"Ano nanaman?"
"Wala man lang, 'ano pangalan mo'?"
"Wala akong balak kausapin ka, at mas lalo wala akong balak na makilala ka."
"Well, sasabihin ko lang sayo tong Yodang Higante ka," sabi ni Baekhyun, "Ikaw ang muntik na makabangga saakin kanina, diba? At sinigawan mo pa nga ko, diba? So, paano kaya kapag banggain rin kita? NO? GAGO KA PALA EH!"
Nag PPMS ba to? Grabe.
Teka. Siya yun?!
Nagmamadali na si Chanyeol, kaya halos mabangga niya na ang mga tumatawid. Wala siyang magagawa, ma-due-due na yung paper niya wala pa siyang nasisimulan. Noong nakapasok na ang kotse sa entrance ng University nila, mas lalo niyang binilisan para mapark na ang kanyang kotse.
Pero biglang may maliit na lalake na tumawid at nabigla rin ang preno ni Chanyeol. Nakita nung matangkad ang takot sa mata nung maliit nang ibaba niya ang bintana.
"Gago! Tabi!"
Ay. Shet.
"Ugh. Park Chanyeol,"
Napangiti ng malapad ang pandak at sinabi,
"Byun Baekhyun!"
Teka, ano daw? Byun Baekhyun?
Napatahimik si Chanyeol at tinuloy nalang ang kanyang 25 page essay, pero sumusulyap sulyap sa bago niyang roommate at tinitigan niya ang kanyang mukha.
Byun Baekhyun...
● ● ●
Author's Note:
dedicated kay seluicidal dahil sa magandang cover na ginawa niya~ ♡
ESTÁS LEYENDO
The Boyfriend Deal | Chanbaek
FanfictionAng isang deal ang magiging tulay para sa dalawang daan, na sapilitang pinaghiwalay, ay magsalubong muli. Ngunit, paano kung isa sakanila ay walang alaala sa nakaraan? Sa buhay na may diskriminasyon at matataas ang espektasyon, malalagpasan kaya ng...
