Chapter 5: Polto's Forest

Start from the beginning
                                    

Habang kumukuha ako ng mga spinach herb ay nakarinig ako ng ungol sa isang gilid ng gubat. Para itong ungol ng isang hayop.

"Bea! Red! Narinig n'yo ba 'yon?" sigaw ko sa kanila na nasa hindi kalayuan dahil kumukuha sila ng blue petals ng asul na bulaklak.

"Alin ba? Wala naman kaming naririnig, Jasmin!" sigaw pabalik sa akin ni Bea.

Tumakbo ako patungo sa kanila. "Oh ayan, nakumpleto na natin ang mga gagamitin natin. Bumalik na tayo—"

Naputol ang aking sasabihin nang muli kong marinig ang ungol. Sa pagkakataong ito ay mas malakas na ito at parang malapit na ito sa amin. "Ano 'yon?" pagtatanong ni Bea at napakapit sa laylayan ng damit ko.

Nagtago kami sa likod ni Red at maigi niya kaming binabantayan.

Napasigaw ako noong mapansin kong may isang hayop ang tumatakbo patungo sa amin. Para siyang isang lobo ngunit nakakalakad ito gamit ang kanyang mga paa. Mahaba ang dila nito at mas matatalim ang pangil nito. Matalas din ang kuko ng mga daliri sa kamay nito.

Huminto ang lobo sa harap namin at tiningnan kami na parang isa kaming masarap na pagkain na nakahain sa kanya.

"'W-wag kang lalapit!" matapang na sabi ni Red pero bakas sa boses niya na kinakabahan at natatakot din siya.

Tumakbo ang lobo tungo sa direksyon naming. Napapikit ako at malakas na napasigaw. Hinintay kong dumampi sa balat ko ang matalim na pangil ng lobo ngunit ilang segundo ang lumipas at walang pangil na dumikit sa akin.

Pagkadilat ko ay nasa harapan namin ang isang lalaking nakasuot ng uniform na katulad sa amin.

Humawak ang lalaki. Umilaw ang kanyang kamay at may mga ugat ng puno ang biglang pumalibot sa katawan ng lobo. Ikinuyom niya ang kanyang palad at mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa lobo ng mga ugat.

Nakatingin lamang ako sa kanya at manghang-mangha ako sa kanyang ginagawa. May ibinulong ang lalaki sa hangin at biglang nagkaroong ng matutulis na tinik ang ugat at bumaon sa katawan ng lobo.

Malakas na ungol ang pinakakawalan ng lobo habang tumutulo ang kulay itim na dugo sa katawan nito. Ilang segundo ang tumagal at hindi na gumalaw ang lobo at tumigil na rin sa paggamit ng spell ang lalaking nasa harap namin.

"Anong ginagawa ng freshmen na kagaya n'yo sa gubat?" pagtatanong niya sa amin. "Delikadong gumala ang mga freshmen na gaya n'yo sa labas ng Altheria Academy."

"Salamat po sa pagliligtas n'yo sa buhay namin... Paano n'yo nalamang freshmen pa lang kami?" pagtatanong ni Bea.

"Sa kulay ng ribbon at necktie n'yo. Kulay green kapag freshmen, pula kapag junior, samantalang asul naman para sa senior." Napatingin ako sa ribbon na nasa aking blouse. Kulay pula ang necktie ng lalaking ito. Ibig sabihin lamang na junior siya. "So, bakit kayo gumagala sa Polto's Forest?"

"Kumuha lang kami ng gagamitin para sa assignment namin," pagpapaliwanag ni Red. Lagi talagang may halong angas ang boses niya. Hindi man lang niya nagawang pasalamatan ang lalaking nasa harap namin dahil sa pagliligtas sa mga buhay namin. He's a man full of pride.

"Tara na, ihahatid ko na kayo. By the way, I'm Carlo. Nasa Wanester Division na ako and I'm a Psychic student," pagmamalaki niya sa amin.

"So kaya mong magbasa ng mga iniisip namin?" pagtatanong ni Bea habang naglalakad kami pabalik.

"Maybe soon. Marami pa rin kasi akong bagay na hindi kayang gawin. Ang kaya ko pa lang ay ang magkontrol at magpagalaw ng mga bagay. Mahaba-haba pang pag-aaral ang gagawin ko. Haha!"

"Pero Kuya Carlo, ang astig mo kanina!" nakangiti kong sabi.

"Talaga?" natawa nang bahagya si Kuya Carlo. "Ang gusto ko nga sana eh ipitin ang lobo ng ugat tapos mapipisak siya hanggang magpira-piraso. Mas astig 'yon! Kaso hindi pa kaya ng kapangyarihan ko. Nahihirapan din akong magkontrol ng magi sa katawan ko."

Napatingin ako kay Red at tahimik lang siyang nakikinig sa pinag-uusapan namin. Ayaw na ayaw talaga niyang makihalubilo sa ibang tao. "Paano mo nalaman na Psychic ang special ability mo, Kuya Carlo?" pagtatanong ni Bea.

Inilabas ni Kuya Carlo ang kuwintas na kanyang suot. Katulad ito ng mga kuwintas naming. Ang kaibahan nga lang ay may kulay asul sa loob ng kuwintas ni Kuya Carlo. "Kapag nagkaroon na ng kulay ang kuwintas n'yo. Ibig sabihin lamang nito ay nalaman n'yo na ang specialty n'yo."

Marami pang ikinuwento sa amin si Kuya Carlo tungkol sa mga misyon na nagawa niya at sobrang nakamamangha kasi ang dami niya nang lugar na napuntahan sa labas ng Altheria Academy.

"By the way, may family na ba kayong sinalihan?" pagtatanong ni Kuya Carlo. "Paniguradong hindi n'yo pa alam ang family. Ang family ay grupo ng mga estudyante na nagtutulung-tulong sa mga misyon o kaya naman sa mga assignment na dapat gawin."

"Ahh! Wala pa kaming family. Hindi pa kami nao-orient d'yan."

"Sali kayo sa family ko, White Soldier Family. Hihintayin ko kayo!" nakangiting sabi ni Kuya Carlo.

Nakarating na kami sa may gate ng Altheria at kinabahan na ako. Ano kayang palusot ang aming gagawin dahil sa aming paglabas sa academy.

"Oh Carlo, ikaw pala—teka, ba't may mga freshmen na nasa labas ng Altheria!" sigaw n'ong guard at hinila kami papasok ng academy. Napayuko na lamang ako at napakagat sa ibabang labi dahil sa kaba. "Anong ginagawa n'yo sa labas!?"

"Kuya Ronnel, 'wag mo silang pagalitan. Ako ang nagsama sa kanila. Hindi naman sila napahamak kaya 'wag ka nang magalit. Hindi na 'to mauulit." Kumindat sa amin si Kuya Carlo at napangiti ako dahil muli niya na naman kaming tinulungan.

Kinausap ni Kuya Carlo ang guard at sinabi niyang maglakad na kami paalis. "Tara na, gagawin pa natin 'tong healing potion," sabi ni Red.

Napatingin ako sa wristwatch ko at pasado alas otso na pala ng gabi. Kailangan na naming gawin ang potion dahil bukas na ang pasahan nito.

Altheria: School of AlchemyWhere stories live. Discover now