Chapter 26.2: Confused

Magsimula sa umpisa
                                    

"Geh! Ingat ka Master, we'll call you nalang if sumakit na naman ulo ng kambal ko" and Shine chuckles. Tumango nalang ako nung lalabas na sana ako ay bumalik ulit ako dun sa inupuan ko.

"Cas? If you don't mind akin nalang tong sketch mo" ngumiti ako, she nodded at tuluyan na talaga akong umuwi.

Pagdating ko sa bahay ay pinark ko na ang kotse ko at kinuha lahat ng gamit ko sa back seat, kasama na dun ang briefcase, arrow at yung sketches.

Pumasok na ako sa bahay, yung mga maid at yung Butler ko ay naka-abang pala sa 'kin. Sabay sabay nila akong binati, nginitian ko lang sila at pumasok na ako sa kwarto sabay lapag ng mga gamit ko. I went to the bathroom para makapag shower na dahil medyo ang lagkit ko na dahil siguro sa init.

Pagkatapos kong mag-shower ay nagbihis na ako at nahiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko dahil gusto kong umidlip muna dahil pakiramdam ko ay natuyo ang utak ko dahil sa nangyari. Sa dami ng nalaman ko eh, napagod ako bigla.

I close my eyes and I let silence ate me and drift me to sleep.

Third Person's POV:

Pinagmamasdan ng isang babae o mas kilala bilang si RD ang isang bahay kung saan natutulog ang babaeng inutos ng kanyang amo para bantayan niya.

"She's tough! She survived the poison that I used last time" sabi niya sa isip niya habang naka-upo sa puno malapit sa kwarto ng babae.

Ibinigay ulit sa kanya ang assignment na to dahil sa hindi malamang dahilan, alam ng amo niya na pumalpak siya sa unang utos nito nung nakaraan buwan, dun sa Sports Fest. Hindi niya lang mahagilap ang rason kung bakit pinagpipilitan sa kanya na sundan ang babaeng toh, to think that she might fail the second time around.

"Well, siguro she's in luck last time, di naman talaga palpak yun eh! Sadyang hindi ko lang siya pinatay dahil ayoko lang madaliin" sa isip na naman niya, "And besides, this time, my task is easier dahil babantayan ko lang naman siya"

Pinagmasdan niya lang ito sa bintana nung may biglang nagtutok sa kanya ng kutsilyo sa leeg niya mula sa likuran. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya, anytime pwede silang mahulog sa isang maling galaw lang.

"Who are you?" Napangisi siya, yung ngising demonyo, ngising uhaw sa dugo. Hinangin ang buhok niya kaya naman palipad lipad ito, sa lahat ng misyon niya ay ngayon lang niya naisipang hindi magtakip ng mukha dahil akala niya walang makakakita sa kanya.

Liningon niya ito and she saw a man, siguro gwardya ito ng may-ari ng bahay, madali lang naman kasing pasukin ang bahay lalo na't tatanga-tanga yung mga bantay.

Nginitian niya ito, ang lalake naman ay parang gulat na gulat sa nakita niya, hindi siya makapaniwala na ang akala nilang patay na ay buhay pa pala.

Magsasalita sana yung lalake nung nagsalita ang babae, "Nice knife you got here" and she trace her finger to the tip of the knife, hindi man lang namalayan ng lalake na hawak hawak na pala ni RD ang kamay niya na may hawak ng kutsilyo.

Literal na nanuyo ang lalamunan ng lalake sa tuwing tititigan niya ang mata ng babaeng kaharap niya. At mas lalong nanuyo ang lalamunan niya nung nagsalita ulit ito. "You know what, I hate people who sees my face" kalma lang ang boses ng babae habang sinasabi sa kanya yun. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa kanila?" ngumiti ito ng pagkatapos tamis, "Alam mo ba?" tanong ulit ni RD sa kanya dahilan para mapailing siya, narinig niyang tumawa ito kaya napatingin siya dito.

Lumapit ito sa kanya at bumulong sa tenga niya, "I killed them, I always kill them" malamig ang boses nito at seryoso ito sa bawat salitang binibitawan. At ang sunod na nangyari, bumagsak ang katawan ng lalake sa lupa pagkatapos gilitan ni RD ang leeg niya.

The Girl Named "Red"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon