Wattpad Original
Mayroong 26 pang mga libreng parte

Prologue

830K 19.6K 2.9K
                                    

MAGICAL creatures, powers, elements, alchemy. Ilan lamang iyan sa mga bagay na parating ikinukuwento sa akin ng aking lolo noong ako'y bata pa. Mga kuwento niyang hindi ko kinasasawaang pakinggan dahil pakiramdam ko ay napakalapit ng loob ko sa mga bagay na iyon.

"Basta parati mong tatandaan, Jasmin, na ang mabuting puso mo ang magdadala sa 'yo sa pinakamagandang mahika na iyong matatamasa," muling paalala sa akin ni lolo at napangiti naman ako sa kanyang turan.

Ang parating paalala sa akin ng lolo ko ay maging mabait sa lahat ng pagkakataon. Kahit gaano pa kalaki ang nagawang kasalanan sa iyo ng isang tao ay huwag kang magsawang paulit-ulit na magpatawad.

"Opo, lolo! Parati ko pong isasapuso ang inyong mga sinasabi sa akin," masigla kong sabi at ngumiti kahit kulang-kulang ang ngipin ko sa harap dahil sa murang edad.

"Huwag mo lang isapuso, apo, ito rin ay iyong isabuhay."

Parati kaming naiiwang dalawa ni lolo rito sa bahay dahil maagang umaalis ang aking papa dahil sa kanyang trabaho. Ang mama ko naman ay namatay na noong ako'y kanyang isilang.

"Lolo! Gusto ko rin maging katulad ng iyong kinukuwento! Isang magiting na alchemist! Gusto kong maging isang ganoon!" masaya kong sabi.

Nagbuntonghininga si lolo at ngumiti sa akin. "Mukhang ito na ang tamang panahon upang ipasa sa iyo, apo, ang aking kakayahan."

Napakunot ang aking mata dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ni lolo. Bagkus na ituloy ni lolo ang kanyang sinasabi ay itinapat niya ang kanyang palad sa aking dibdib—sa kanang dibdib.

Nagliwanag ang kamay ni lolo at may kung ano akong naramdaman na para bang ipinapasok sa aking puso. Makirot. Masakit.

"Sa oras na tumuntong ka sa wastong gulang at dumating ang araw na kakailanganin mo ang tulong nito... kusang gigising ang magi na iyan upang ika'y tulungan."

Nawala ang liwanag sa kamay ni lolo at naghabol ako ng hininga dahil parang may isang malakas na puwersa na nilagay si lolo sa aking dibdib.

Mas ikinabigla ko ang biglaang pagyuko ng ulo ni lolo, pagbagsak ng kanyang kamay, at pagpikit ng kanyang mata.

"Lolo?" Mahina ko pang tinapik-tapik ang kanyang braso.

"Lolo! Huwag po muna kayong matulog, maaga pa po! Maglaro pa po tayo!" Muli ko siyang tinapik ngunit wala na akong tugong nakuha.

Umiiyak kong dinampot ang telepono ng aming bahay at tinawagan si papa. Pagdating ni papa ay roon niya kinumpirmang wala na ang lolo ko. Ang lolo ko na matiyagang nag-alaga sa akin at nagkuwento patungkol sa magagandang bagay.

Taon ang lumipas mula noong mamatay si lolo. Noong una ay hindi ko pa iniintindi ang bagay na kumislap habang nagliliwanag ang kanyang kamay... ngunit pagtuntong ko sa ikawalong taong gulang ko, doon na nagbago ang takbo ng aking buhay.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon