"Ako lang ang pwede. Babae ka"

"Ano?"

"Ah basta makinig ka."

"Alam mo susunod nako kay Eric. Wala naman akong ginagawa dito tsaka nagugutom nako. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakabuntot sayo" totoo yun. Hindi naman kami magkaibigan. Hindi ko sya bff. Hindi rin boyfriend. Nakakapagtaka kasi na walang gustong makipagkaibigan sa akin. Sya lang yung matyagang malapit sa akin kaya naman pinagtyatyagaan ko na rin sya.

"Subukan mong sumunod bukas nasa hospital na yun"

"Eh nagugutom na nga ako" reklamo ko.

Tumayo sya sabay hila ng kamay ko kaya napatayo na rin ako. Lumabas kami. Naabutan namin yung ibang mga classmates namin sa corridor. Ngingitian ko sana sila nung napatingin sila pero itong salbahe sa tabi ko sinamaan sila ng tingin.

Tumigil kami ng paglalakad sa tapat ng tambayan ng tropa nya.

"May pagkain ba jan?"

Walang sumagot sa kanya kasi lahat busy sa cellphone.

"Tsss" sabi nanaman nya. Favorite nya ata ang word na yan.

Ang astig ng tambayan nila may kitchen. Nagkalkal sya sa ref habang hawak pa rin ang kamay ko. Nagpapawis na nga eh. Sinubukan kung hilahin kanina pero pati ako sinamaan nya ng tingin. Ang labo talag nito.

Walang lutong pagkain pero may mga stock naman.

"Bitawan mo nga ang kamay ko" utos ko sa kanya.

"Ayaw" sagot nya hanang nakatutuk pa rin ang mga mata sa loob ng ref.

"Magluluto na lang ako at baka ikaw pa ang makain ko" sabay palag sa kanya.

Ako na ang mga kumuha ng mga gagamitin ko.

"Hoy bakit di ka gumagalaw jan. Tumulong ka naman. Kakain ka rin di ba?"

Nang hindi sya sumagot ay tumingin ako sa mukha nya. Nagsalubung ang kilay ko. Bakit nakangising aso to.

"Hoy baliw ka ba?"

Naglakad sya palapit sa akin habang di pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nya. Kinabahan ako. Wala sa loob na napaatras.

"Teka nga. Hold it. Jan ka lang" sabay signal ng X gamit ang mga braso ko.

"Sabi mo kakainin mo ko?"

"Oo kaya pabayaan moko magluto"

"Ayoko. Ako na lang abg kaiinin mo. Magkainan tayo" nagstop sya ng halos 1 inch na lang ang distansya namin. Napahawak tuloy ako sa dibdib nya.

"A-ano bang sinasabi ko jan?" Nauutal na tanong ko habang nakakatitig sa kanya.

"Your so naive kaya ayaw kong napapaligaran ka ng iba eh." The he kissed my forehead. Medyo natouched ako dun.

"Ha?" Tanging sagot ko. Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa bewang ko.

"Sakin ka lang didikit ok? Di ka pwedeng makipagkaibigan sa iba?"

"Hala bakit?"

"Basta"

"Kahit sa babae?" Grabe naman to.

"Hmmm pwede sa babae. Pero hindi sa mga lalake kaya yan si Eric pag dumikit uli yan sayo sasaktan ko yun."

"Teka nga. Ikaw ba ang totoo kung tatay?" Literal kong tanong yun. Kasi ulila naman ako. Sa lola ko lang ako lumaki. Ni hindi ko alam ang mukha ng mga magulang ko at alam nya yun.

"Silly" sabay pitik sa noo ko.

"Aray. Nagtatanong lang eh. Dami mo kasing pinagbabawal jan"

"Natural, boyfriend moko" nanlaki ang mga mata ko. Kumawala ako sa yakap nya.

"Teka lang, kailan pa?"

"Matagal na" balewalang sagot nya sabay hila ulit sa akin.

"Sumagot ka naman ng matino" at hinampas ko ang dibdib nya kasi ayaw nya akong pakawalan uli.

"Simula nung lumipat kayo sa tapat ng bahay namin. Simula ng nakita kita at nginitian moko. Akin ka na nung mga panahon na yun"

"Ang labo mo pa rin. Kung boyfriend na pala kita noon pa. Anong monthsary natin?" Tatanggi pa bako eh ang gwapo nitong nakayakap sakin.

"May 15. Yan yung date nung lumipat kayo. Yan yung date na sabi ko akin ka at walang pwedeng manligaw sayong iba."

"Sabagay ang gwapo mo nung unang kita ko sayo" napangiti sya ng malawak.

"Pero nagugutom pa rin ako at gusto ko ng pagkain hindi ikaw kaya bitaw na"

"Ok."

Buti na lang at di na sya nangulit. Isang oras din ang ginugul ko sa pagluluto.

"Ano masarap" tanong ko pagkatapos nya tikman. Nakapokerface lang sya kaya kinabahan naman ako.

"Hindi naman ata masarap. Itatalon ko na lang to. Magpadeliver na lang tayo" sabay kuha sa mangkok pero pinigilan nya ako.

"Let's get married"

"Ha? Anong pinagsasabi mo jan uy. Di pa tayo graduate"

"Sarap kasi ng luto mo. Pwede ka ng mag-asawa pero dapat ako lang." Natawa ako. Ganito pala mainlove ang antuking to.




05152016









Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now