Chapter 72 Engagement (PlayBoy Prince)

47 1 0
                                    

Seth POV
"You Belong with me~~~ Can't you see that I'm the one who understand you, been here all along so Why can't you see. You belong with me. You belong... Standing by and waiting at your backdoor all this time how could you not know baby... You belong with me.~~~" pagsabay ko sa kanta sa cellphone ko.

Ahhh, favorite kaya ni Snow si Taylor Swift kaya simula ngayon favorite ko narin sya. Bumaba na ako ng kwarto ko at nadatnan ko naman si Papa at Mama. "Seth? Anak? Mukhang masaya ka ah? Kagabi ka pa ganyan." Sabi naman sa akin ni Mama at binigyan ako ng gatas.

"Anak. May girlfriend ka na noh?" Kantyaw naman sa akin ni Papa kaya muntik ko nang maidura sa kanya ang gatas na Iniinom ko. "Simon! Hindi mo ba nakikitang Umiinom si Sethie ko ng gatas tapos magtatanong ka kung may GF na sya. Hay nako!" Sabat naman ni Mama. "Naku! Amanda. Kundi lang kita laging kinukulit eh baka tumanda ka ng dalaga." Kantyaw naman ni Papa.

"Ewan ko sa'yo! Sethie? Baby? May GF na ba ang Baby Damulag ko?" Pagpapapout ni Mama. Grabe para silang mga Bata. "Ano! Si Seth may GF na! Samantalang ako nanliligaw palang!" Sigaw naman ng Kuya ko. "Sebastian Arnold Briones! Hahaha talo ka pa ng kapatid mo anak." Okay ngayon ako ang topic nila.

"Seth!!??? May Girlfriend ka na????" Tanong ni Kuya sabay upo nya sa tabi ko. "Okay, wala pa akong GF. Nililigawan meron." Napanganga naman silang tatlo. "Ay sir mam. Bakit ho kayo nakanganga?" Tanong naman ng Maid namin.

Kaya naman nabalik sa realidad yung tatlo at inuubos ko nalang ang gatas ko. "Sino sya nak? Pakilala mo sya sa amin ah?" Ngumiti naman ako kaya sinabimko sa kanila kung sino yun.

"Ma, Pa, Kuya. Si Snow. As in Snow Mae Scott." Nanlaki naman ang mga mata nilang tatlo at biglang nagtatatawa. Napakasupportive nilang parents. "Pfffttt... Hahahaha. Nak? Ganda ng Joke mo! Ndi nga!.?" Nang-iinsulto ba sila?!

"Nak, hindi kasi kami makapaniwala ng Mommy mo. Eh so Ano naman ang lagaw ng panliligaw mo?" Pagtatanong sa akin ni Papa. "Eto Pa maayos naman. Tsaka nga boto sa akin yung pamilya nya eh." Tumango naman sina Mom at Dad sa sinabi ko.

"Eh Musta ka naman Kay Hugh?" Taas babang kilay na may nakakalokong ngiti ang binigay sa akin ni Kuya. Tae! Pina-alala nya pa si Bayaw Hugh. "Kuya Lintek ka! Pinaalala mo pa sa akin si Bayaw Hugh!!!" Sabi ko kay kuya at kiniliti sya.

"Hahahaha!" Puro tawanan lang ang maririnig mo sa kusina pwera lang sa Maid na kumakanta kasi may nakasalpak na earphone sa tenga nya.

"Mam, Sir. Ay handa na ho ang iyo-ong agahan. Hala na't mag-ayos na at nang makakin na kayuhh." Sabi naman ng Maid namin kaya naman naghanda na kami sa almusalan.

Hinanda na ang mga pagkain at pagkaserve nun agad na akong kumain. "So, Sethie. San ka nga pala nung malapit ng maggabi?" Pagtatanong sa akin ni Mama. "Ma. Nanligaw nga po. Tsaka kung itatanong nyo ren po kung bakit hindi ako kumain is Pinakain nila ako ng dinner sa kanila." Ang tigas namna ng Ulo ni Mom.

"Honey naman kasi! Sinabi na nga yan ni seth hindi ka pa rin naniniwala sa kanya." Pagpapaliwanag naman ni Papa. "Aish. Di bale na. Atleast sa akin nagmana si Seth. At sa'yo nagmana si Seb." Sabi naman ni Mama kaya nagkatinginan kami ni Kuya.

"Wag ka nga Amanda. Sa akin kaya nagmana pareho yang mga anak natin. Sa gwapo kong toh, aba. Ang dami ngang nanliligaw sa akin na babae eh." Pagkasabi nun ni papa parwhas kaming na-ubo ni Kuya. Pati ba naman yon kailangan pang sabihin!?

"Sethie? Sebby? Anong nangyari sa Inyo!?" Takang tanong ni Mama. "Pa!? Playboy kayo nung bata pa kayo!?" Sabay naming tanonh ni Kuya. "Aba naman! Kaya lang tong Mama nyo hindi tinatablan ng powers ko. Pakipot pa nga eh." So pinagmanahan ko pala ng ka-abnormalang kaguwapuhan at pagiging playboy ay kay Papa.

"Teka. Sebby? Sethie? Don't tell Mama na Playboy ren kayo?" Nagkatinginan naman kami ni Kuya at tumango nalang, yup. You read it. Parehas kaming PlayBoy ni Kuya. Pero grabe amg chix ni Kuya, mas marami pa kesa sa akin.

Love Is Just A Scientific Matter! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon