Chapter 23: Aspirins and Amnesties

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumingin si Daniel sa kanya at binigyan sya ng isang strikingly cold and harsh stare. 

“Sure ka ba yan lang ang ipinunta mo dito? O baka gusto mo ding alamin kung gano kagrabe ang epekto sa kin ng ginawa mo?” 

“DJ… kasi…” “

Tumawag ako kay Mark at sinabi nya sa kin ang tungkol sa mekanikong hindi ko pinadala. Kaya kung aarte ka na parang wala kang alam, wag mo na lang sayangin ang oras ko. Wala ako sa mood para makipaglokohan sayo ngayon.” 

Kathryn knew that she deserved that. 

“Gusto ko lang sana mag-sorry.” 

Daniel laughed mockingly. 

“Narinig ko na yan. Bakit? Nauubusan ka na ba ng ideas for pranks?” 

Tinanggap lang ni Kathryn lahat ng sinabi ni Daniel dahil alam nyang tama naman ito and she really deserved ang ganoong klase ng treatment. 

“Hindi ko naman idedeny yung ginawa ko. Pinalitan ko yung battery mo ng empty batt tapos nagpadala ko ng tao para sirain ang makina ng kotse mo. Ginawa ko yun kasi galit na galit ako sa yo for threatening to jeopardize my fashion show.” 

Naramdaman ni Daniel ang truthfulness ni Kathryn at naimpress sya sa lakas ng loob nito na akuin ang kasalanan kaya’t hindi na lamang sya nagsalita.

Naupo sya sa kama at nakatingin pa din kay Kathryn. Alam ni Kathryn na handa na syang pakinggan ni Daniel. 

“Alam kong tinanggihan mo ang invitation ni Zharm.” Mahinang sabi ni Kathryn. 

“Paano mo nalaman?” 

“Tumawag sya kanina. Galit na galit sayo.” 

“Hindi ko naman talaga sasakyan ang kalokohan nya. Oo, aaminin ko na ilang beses na kong naiinis sayo pero…” 

*Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang Glitz* Gusto sanang sabihin ni Daniel. 

“…Mas maraming bagay na mas importante sa kin kesa sa fashion shows na yan.” 

Narealize ni Kathryn na para sa isang kasing high profile na tao na gaya ni Daniel, mas maraming bagay ang mas importante dito kesa sa fashion shows. At ngayon lang din nya napagtanto na wala naman talagang ginagawa si Daniel na matindi para gantihan sya.

Feeling nya isa syang baliw dahil tinake nya seriously ang panloloko ni Daniel. 

“Kaya nga gusto ko magsorry.” Tiningnan nya ito diretso sa mata. “I’m really sorry, DJ.” 

Natahimik muli ang paligid. 

“Can I expect this to be the last prank from you?” 

“Siguro.” 

“Siguro?” 

“Okay.” 

“Can I take your word for it?” 

“Ganito na lang, pag ginawa ko ulit, bibigyan na kita ng permission para idemanda ako.” Seryosong sabi ni Kathryn. 

“Para san naman at idedemanda kita?”

“Di ko alam. Provocation of psychological imbalance or slaughter of insanity?” 

Natawa si Daniel sa sagot nito. 

“Yeah, pwede ko nga sigurong gawin yun.” 

Natuwa naman si Kathryn sa reaction nya. Alam nyang konti na lang at tuluyan na sya nitong papatawarin. 

“Pero wag ka pa ring magexpect na pupunta ko sa show mo.” 

Sapat na para kay Kathryn na tinanggihan ni Daniel ang invitation ni Zharm, mas mabuti kung aattend sya sa Glitz fashion show pero alam nyang Malabo iyon knowing Daniel. 

“Alam ko. So, napatawad mo na ba ko?” 

Kinabahan si Kathryn sa hindi pagsagot ni Daniel.

Nabalot muli ng katahimikan ang paligid at nakatitig lamang sa kanya sa Daniel. 

Makalipas ang ilang sandal ay ngumiti ito sa kanya. 

“Only if iaabot mo sa kin yung gamot ko.” 

Napangiti rin sa kanya si Kathryn. A genuine smile. 

__________ 

Natatawa si Kathryn habang pinapanood si Daniel na iniinom ang gamot. Ang cute kasi ng itsura nito nang malasahan ang pait ng tabletang ininom. 

“Kamusta na pakiramdam mo?” Tanong nya dito. 

“Masakit lang ulo ko, pero mawawala din ito.” 

Dahil sa namumutla si Daniel ay lalong naguguilty si Kathryn sa ginawa nya. 

*Mukhang magkakasakit sya.* 

Nagdecide sya na magstay muna saglit kasama ni Daniel para siguraduhing okay ito.

Dahan dahan nyang iniabot ang basong hawak ni Daniel matapos itong uminom ng gamot, at aksidenteng nagdikit ang mga balat nila. 

Napakunot ang noo ni Kathryn. 

“You’re hot.” 

“Thanks, Baby.” Sabi ni Daniel sabay kindat.

Tumayo na ito naglakad papunta sa closet nya para magbihis dahil nagsimula na syang makaramdam ng ginaw. 

“Hindi yun ang ibig kong sabihin.” Hinawakan nya ang braso ni Daniel bago pa man ito makalayo at inilagay ang palad nya sa noo nito. “May lagnat ka. No wonder you’re delusional.” 

“Okay lang ako, Kath.” Pilit na inalis ni Daniel ang kamay nya sa noo at nagbihis na sa loob ng walk in closet. 

“No you’re not. Teka kukuha ko ng thermometer. Magpahinga ka lang muna dyan.” 

“Kath… wag na!... Teka huy!” Sinubukan nyang pigilan ito pero mas mabilis pa sa alas kwatro ay nakatakbo na ito palabas ng kwarto nya. 

__________ 

Author’s Note: In line with Chichay and Joaquin’s pagbabati. Here you go! Enjoy! Comments!

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon