74: Forgiveness

2.5M 59.7K 44.9K
                                    

MARKY


Nagkatitigan lang kaming dalawa. Gustung-gusto ko na siyang suntukin pero hindi ko magawa. Gusto kong iparanas sa kanya lahat ng ginawa nila kina Candice at Jeydon. Sana siya na lang 'yong nasa ospital at nag-aagaw-buhay.

"Akala ko sasaya ako, hindi pala."

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko matutuwa siya sa ibinalita kong comatose si Candice. Alam naman naming lahat na si Jeydon lang ang habol nila at walang kinalaman si Candice. Hindi man siya o sila nagtagumpay sa balak nila kay Jeydon, nagawa naman nilang sirain 'yong buhay ni Candice na alam nilang ikakasira rin ni Jeydon. Hindi ko pa rin maalis 'yong inis at galit kapag naiisip kong nadamay pa sa gulo si Candice. Anong klase sila? Bakit nila kailangang idamay 'yong inosenteng tao? Tapos sasabihin niyang hindi siya masaya? Tangina niya pala, e.

"Nagtagumay ka na, Ginno. Nakaganti ka na kay Jeydon sa ginawa mo kay Candice. Buhay ni Jeydon si Candice kaya sa nangyari ngayon, doble-dobleng sakit na 'yong nararamdaman niya. Isn't that enough?"

Hindi siya makatingin sa 'kin. Nalulungkot ba siya? Anong problema niya? Hindi ba dapat matuwa pa siya? Dahil ba hindi siya nagtagumpay nang tuluyan kasi nasa kulungan sila? Bagay lang naman sa kanilang mapunta roon, e, mga halang na yata 'yong kaluluwa nila. Nakakatawa nga na kahit kailan, hindi ko sila pinaghinalaan. Ang galing nilang umarte at magpanggap. Lahat kami, napaniwala nila.

"Maniwala ka man o hindi, pinagsisisihan ko na 'yong ginawa ko. Kaya kahit kailan, hindi ako magiging masaya."

Natawa ako sa sinabi niya. Huli na para magsisi siya. Kahit anong pagsisisi pa ang gawin niya, hindi na maibabalik pa no'n 'yong nangyari. At kahit anong gawin niya, mabubulok sila sa bilangguan.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi ka na makakaalis dito. Huwag kang magpaawa sa 'min kasi wala kaming balak iatras 'yong kaso laban sa inyo."

Ngumiti siya sa 'kin, hindi ko siya maintindihan.

"Huwag kang mag-alala, aamin naman ako, e. Handa kong pagbayaran lahat ng kasalanan ko. May isa lang sana akong pakiusap."

"May gana ka pang makiusap?"

Yumuko siya, nanahimik lang kami nang ilang minuto tsaka siya nagsalita ulit.

"Si Ginny, 'yong kapatid ko..." Tiningnan niya ako na puno ng kalungkutan 'yong mukha niya. "Alam kong ikaw 'yong nagbayad para sa pagpapagamot niya. Ngayong alam mo nang kapatid ko siya, nakikiusap ako sa 'yo na huwag mo sanang itigil 'yong pagtulong sa kanya."

Akala mo, napakabait niya sa paghingi niya ng pakiusap sa 'kin.

"Hindi ko ititigil 'yon."

Napangiti siya nang sabihin ko 'yon. "Salamat, Marky."

"Hindi ko gagawin 'yon dahil sa 'yo, gagawin ko 'yon dahil kay Ginny. Alam mo? Kung anong kinasama mo, 'yon naman ang kinabait ng kapatid mo."

Yumuko ulit siya tsaka siya umiyak. Lintek naman talaga, o, nagdrama pa si mokong sa harapan ko.

"Hindi ko alam na si Margot pala 'yong dahilan ng paglala ng sakit niya. Tama nga si Jaydee, isa akong malaking tanga. Wala akong kwenta."

Pinagmasdan ko siyang umiyak sa harap ko. Sana nakita siya nina Jeydon, sana nakita nila 'yong pagdurusa nina Ginno. Kulang pa nga 'yon sa ginawa nila, e.

"Buti naman at alam mo 'yan, pagdudusahan n'yong lahat 'yan sa kulungan. Ipagdasal mo lang na gumising si Candice dahil kung hindi, baka kung anong magawa ko sa 'yo." Tumayo na ako, wala na akong dapat pang sabihin sa kanya. Masyadong mahalaga 'yong oras ko para aksayahin ko pa sa kanya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon