Pagbabalik

9 0 0
                                    

Vice POV

It's been 10 years since huli akong umuwi ng Pilipinas. Buti nalang at through the years, may mga social media at lately updated naman ako sa buhay ng mga friends ko. Madalas parin kaming mag-usap nila Anne at Vhong, at minsan nagme-message si Billy. Ang dami kong kailangan pasalubungan, siyempre ang tagal kong nawala. Pero ang totoo, mas kinakabahan ako. Kinakabahan sa mangyayari pag-uwi ko. Yung makita ko uli ang isang taong iniwasan ko ng sampung taon. Nagpakasaya na ako sa ibang bansa, iniisip na maayos na ako sa ganito. Pero nang magkaron ako ng pagkakataon na umuwi sa Pilipinas, parang handa na ako. Parang....

Beep..beep!!

Hay, nag-message nanaman si Anne sa Facebook ko. Excite much lang?!? Nakakatuwa naman na inaabangan nila ang pag-uwi ko. FB Messenger: Gurrrllll! Tawagan mo ako agad ha once na makalabas ka ng immigration para imeet kita sa labas,ok?? I'm so excited to see you!! Mwah!! Ok Anne, eto na nga, ngarag na sa pag-empake. Pati si mommy natataranta na dahil sasabay din siyang umuwi at magbabakasyon din daw siya. 

Beep...beep!!

Naku Anne ha, ang kulit! Grabe ka na...Ano na namang.... biglang napatigil si Vice...

FB Messenger: Hey Vice, kumusta na? Long time no hear! Last communication natin was 5 years ago pa, short email lang tapos hindi na nasundan. Inactive na ata yung email mo kasi laging nagba-bounce back. Anyway, I heard from Anne uuwi ka daw. Hope magkita din tayo. But of course, I'll see you at the wedding naman. LOL! But if you have time after, maybe we can have lunch or something. Ok, ingats! See you soon! ---Karylle

General POV

Napalunok si Vice at sa isip nya, "Omygod, nag-message sya". At ilang beses na pinaulit-ulit basahin ni Vice ang maiksing mensahe na yon, para bang naghahanap ng ibang kahulugan ang message nya. "Sira! May asawa't anak na yon nho! Anong iniilusyon mo jan?!? Uulit ka nanaman? 10 year ginugol mo para mag-move on, tapos eto isang message lang nya aligaga ka na?! Stop it!", sermon ni Vice sa sarili nya. Pero kahit ganun, hindi nya matago ang ngiti na pilit lumalabas sa labi nya. Bumalik na lamang siya sa pag-iimpake at may mga last minute shopping pa siya bukas, then flight na nya to Manila. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman nya. "Bakit siya biglang nag-message eh five years na kaming walang usap-usap. Well, eventually magkikita rin kami, lalo na't friend parin namin sila Vhong at Anne. Bahala na, deadma ka na Vice, nag-move on ka na at matagal na siyang nag-move on. Tulog na!", isip ni Vice sabay sara ng maleta para makapagpahinga na at maaga pa sila ng mommy nya bukas.




                                                                                                  ********


Just another Vicerylle story.... not sure where this will lead me, but I hope you like it....

Naaalala parin kita...Where stories live. Discover now