Chapter 21: Half Meant Banters

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi nila maiwasang tingnan ang isa’t isa from time to time. Hindi kasi nila pinagusapan ang mga detalyeng iyon bago sila makipagkita sa mga kaibigan at pareho silang nagugulat na pareho ang mga sagot nila. Siguro ay gumagaling na talaga sila sa pagpapanggap dahil sa kaunting oras na magkasama sila at ang barkada ay maayos naman ang lahat. 

“DJ, kaibigan kita pero pag pinaiyak mo ang best friend ko…” Banta sa kanya ni Julia M. 

“Hindi ko gagawin yun. I love her.” Sabi nya dito at saka inakbayan si Kathryn. 

Kathryn’s heart skipped a beat. Ngayon nya lang narinig ang mga salitang yun galing kay Daniel. Alam nyang fake ang lahat pero the way he looked was so sincere and naffeel na ni Kathryn na ang mga barriers na itinayo nya ay isa isang nabubuwag. 

Daniel broke the eye contact. At inalis na rin nito ang kamay na nakaakbay sa kanya. Inabot na lamang ni Kathryn ang baso nya at uminom. 

Dalawa lamang ang ibig sabihin nun, either Daniel meant what he said o magaling na actor na ito. 

*He’s just an excellent thespian.* Pagkumbinse nya sa sarili. 

Uminom din si Daniel bago ito ngumiti muli sa mga kaibigan. 

“Nung lumapit sya sa kin at sinabing mahal pa rin nya ko after all these years, alam ko na I just couldn’t let her go.” Sabi ni Daniel pagkaraan ng ilang sandal. 

*EXCUSE ME?!* Muntik nang mabulunan si Kathryn sa narinig. 

Naiinis na naman sya dahil pinagmumukha ni Daniel na sya na naman ang humabol dito. 

Naramdaman ni Daniel ang galit na titig ni Kathryn kaya bumaling ito sa kanya at ngumiti. 

“Right, Baby?”    

Pilit na ngiti lamang ang isinukli nya dito. 

“Siguro ang love hindi talaga madaling kalimutan. At pag nahanap mo yun uli, you don’t let it simply pass by you. Dahil pag nangyari yun, it’s too hard to live in the pain again. Nagets  nyo ba ibig kong sabihin?” Litanya naman ni Kathryn. 

“I think gets ko.” Sabi naman ni Julia B. 

Daniel felt his heart twitch. Hindi nya alam kung bakit pero parang tumagos sa kanya ang mga sinabing iyon ni Kathryn. 

__________ 

Late afternoon na ng matapos silang makipagkwentuhan kasama ang mga kaibigan. Tila nga walang may gustong matapos ang kwentuhang iyon, maliban siguro sa isang workaholic na kasama nila. 

Kinailangang magpanggap si Daniel na ayos lang sa kanya na magstay dun at ienjoy ang time na yun kasama ang “girlfriend” nya kahit na sa totoo lang ay gustong gusto nya nang umalis. At para naman kay Kathryn na nagging subject of interrogation ng araw na iyon ay nakakapagod na ang lahat. 

Ipinakita rin ni Julia M ang copy ng isang international fashion magazine na may “Wedding Special” at saktong may isang article dito tungkol sa Glitz.

Gaya ng inaasahan ni Kathryn ay pinagalitan sya ni Julia M na hindi man lang niya ito nabanggit sa kanya. Pero masaya naman ang lahat sa tagumpay na nararanasan ni Kathryn ngayon. At dahil doon ay nakahanap na naman sila ng rason para magcelebrate at naging dahilan para magstay sila ng mas matagal – much to Daniel’s disappointment. 

Finally, makalipas ang 5 oras ay natapos din ang lahat ng celebration. At masaya din si Julia M dahil pumayag si Kathryn na idesign ang wedding gown nya. 

Magka-holding hands na nagpaalam na sina Kathryn at Daniel sa mga kaibigan pero nagbitaw din agad sila ng kamay nang makalayo na sila sa restaurant. 

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon