Chapter One

5 0 0
                                    

Kate's POV

Beep...beep...beep...

"Hmm"

Beep...beep...beep...

"Ano ba yan?" I hammered the alarm clock and looked at the time on my phone. 4:32 am. "Hays naman oh" bakit ba naman kasi kelangan pa gumising ng mega early araw araw. Ang bata bata ko pa, ano bang kamalayan ko sa mga ginagawa nila dad sa opisina. Dapat nga puro pa ako gala, here and there. Pero hindi. Kesho preparation daw blah blah blah. Ako daw magmamana ng kompanya.

Nagmadali na ako at tumatakbo ang oras baka ienvade na naman nila mommy ang kwarto ko. Tumayo na agad ako at pumunt sa banyo para mag toothbrush. Ilalagay ko palang ang toothpaste nang, "Kate, gising na at bilis bilisan mo." Ayan na, speaking of. Nasa kwarto ko na nga sya lakas pa ng sigaw. Taga bundok ata ancestors namin eh.

"Yes ma gising na, chill ka lang wag kang sigaw ng sigaw dyan at baka sugudin tayo ng security guards, akalain na may away dito." Sabay tawa ng malakas. Pagkatapos kong maligo nagbihis na agad ako. 5:00 am palang. Masyado pang maaga. Teka, makapag facebook muna. Sinearch ko agad, Denver Malone. Ayun. Ang aking napaka gwapong crush. Nakakawala talaga ng stress ang mukha nito. Sarap lang nya titigan.

Anak lang naman sya ng may-ari ng isa sa pinakamayamang kompanya dito sa Canada. Matangkad, matipuno, laging seryoso, parang galit lagi sa mundo. Hindi din sya nageentertain ng mga nagkakagusto sa kanya. Kahit ata sumayaw pa sa harap nya si Kendall Jenner at magkagusto sa kanya, di din ata nya magugustuhan. Arrogant din eh. Popular pa sa school. Hirap mareach. Tapos ako eto lang nakatulala sa picture nya. Hanggang facebook nalang talaga.

Darling? Shet. Sya ba yun? Tinawag ba nya akong darling? Hey, honey. Howmayghad! Adik na ba ako? High ba ako? Bakit nagsasalita ang picture?

"Hoy, Katerina! Kanina ka pa tinatawag ng daddy mo. Ano ba yang ginagawa mo at tumutulo pa ang laway mo?" Sabay alis. Juice colored si daddy lang pala. Panira naman to si mommy eh. Nakakahiya tumutulo na pala laway ko. Kadiri.

"Are you ready?" Dad asked. "Always." I said with a smile. Kunwari enjoy sa idea nila na isama ako sa kompanya. Araw araw. Ganun eh. Ngumingiti kahit di naman masaya. Charot. Pumasok na kami sa kotse at umalis. Mahigit 30 mins. daw ang byahe papunta sa opisina. Di uso traffic dito, malayo lang talaga. Matagal tagal pa kaya tumunganga nalang ako sa bintana.

Shet. Porma palang gwapo na. Kahit nakatalikod ang gwapo. At yun nahuli ko na naman sarili kong nakatitig sa taong di ko na naman kilala, pero mukhang pogi eh. Di pala mukha kasi nakatalikod. Naka denim pants sya, oversized na plain grey shirt, at converse. Simple lang pero mukhang mayaman to. Feeling ko nagslow mo. Feeling ko bumagal lahat. Pero nakita ko ang pagpasok at paglabas nya sa coffee shop at sumakay sya sa kotse na naghihintay sa kanya sa labas ng shop. Tapos biglang nawala ang slow mo. Bumilis na ulit ang takbo ng kotse namin.

Nakatitig padin ako sa kotse nila nang biglang na caught off guard ako dahil kay daddy. "Kate, we will have a meeting with Mr. Malone." Ano!?!?

"We?" Shocking, sana hindi sya kasama sana hindi. "Yes, I'm bringing you. Para naman maintindihan mo ang mga nangyayari sa opisina. Observe carefully sa attitude namin while discussing. And behave yourself."

I just nodded and went out of the car as soon as the car stopped in front of the lobby. As we headed to the elevator just beside the entrance of the lobby, another car stopped in front. Then I saw the car door open, then may shoes na lumabas. GAH! Converse! Sya yung kanina!

*ting* aaaaarrgh isa pa tong panira, makikita ko na sya eh bigla namang nagbukas ang elevator at hinila ako ni daddy dahil nagmamadali sya. Curse you!!!! Galit na galit talaga ako, yun na yung chance eh.

The moment we arrived at the 5th floor, we went immediately to dad's office where two men sat. One middle-aged looking man and the other one looked younger. They stood and turned to face us and...

"Holy----. Lupa lamunin mo na ako now na!" I uttered very silently that only I can hear.

Borrowed MomentsWhere stories live. Discover now