Chapter 5

6 1 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nasa sasakyan na kami ni JP, hindi naman kami nagtagal dun sa beach. Napakatahimik ng paligid, ewan ko nga bakit biglang napatahimik ang taong 'to. Ayoko ko namang magsalita dahil ayokong basagin ang katahimikan, napaka-relaxing kaya nito, pero at the same time parang nakakamiss din yung mga hirit nya.


"Nasan na tayo?" tanong ko. Hindi ko na kasi kinakaya ang sobrang tahimik, parang hindi si JP ang kasama ko.


"Sa may simbahan." sagot naman nya.


"Pwede bang itigil mo muna?" tanong ko, medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakatungtung sa simbahan.


"Okay ba, aking prinsesa." biglang bumalik ang sigla sa boses nya. Napaka-bipolar naman n'ya.


Tinigil nya ang sasakyan at inalalayan nya ako sa pagpasok ng simbahan. Umupo kami sa pinakadulo, tahimik kaming dalawa, syempre ang bastos naman kung mag-iingay kami dito no! Inalalayan ako ni JP na lumuhod upang manalangin.


Salamat po sa araw na ito dahil walang masamang nangyari saakin. Salamat po sa paghatid kay JP sa buhay ko, kung hindi dahil sakanya, siguro ay nandun parin ako sa kwarto ko at nagmumukmok. . .


Pagkatapos kong manalangin, dahil wala namang nakaschedule na mass, syempre gumagabi na kaya, ay lumabas na kami ni JP. Umupo kami sa isang upuan na nasa loob parin ng simbahan.


"Bakit ginusto mong tumigil dito?" tanong nya. Umaandar na naman ang pagiging matanong nya.


"Dito kasi kami nagsumpaan ni Gian" sagot ko. Tapos yun na, nagkwento na naman ako.


Note to self: Next time, try mag-audition sa MMK, baka magkatrabaho at maging side kick ni ate Charo.


****


Anniversary namin ni Gian, isang taon narin matapos na maging kami. Syempre, meron na ring naging tampuhan at awayan, hindi naman kasi nawawala yun, minsan nga iniisip ko what if kaya naging best friend ko lang si Gian at hindi naging kami tapos umaasa parin ako sa kanya tapos sobrang manhid nya talaga, o minsan naiisip na pa'no kaya kung hindi rin ako mahal ni Gian tapos hindi kami tapos na friendzone ako, kaya nga lang kahit anong isip ko sa mga bagay na yun ay hindi ko parin ma-imagine ang mangyayari, I can't see myself living a day without him kasi.


Gumagabi na nun, katatapos lang naming kumain ng pizza. Sa kamay ko ay ang mga rosas na binigay nya sakin kanina, medyo nalalanta na nga yung iba dahil kulang sa tubig, at yung handbag ko naman ay nagkahugis rectangle na dahil sa tsokolateng binigay nya sakin. Buong araw na yun, ay gala lang kami ng gala, pumunta kami sa park, tapos sa isa pang park--amusement park--tapos sa isa pang park--PARKing lot. Okay ang corny nun.

Pieces Of Our StoryWhere stories live. Discover now