Chapter 1

24 1 1
                                    

"Ma'am Fiona, nakahain na po ang almusal n'yo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ma'am Fiona, nakahain na po ang almusal n'yo." sabi ng isang lalaki. Hindi pamilyar sakin yung boses n'ya at tila hindi rin n'ya alam ang gagawin n'ya dahil nanginginig ang kamay n'ya habang hawak ang wheelchair ko. Hindi ko naman s'ya masisisi kasi aaminin ko medyo naging masungit ako nung mag nakarang araw. Sige na nga, aaminin ko na talaga, hindi lang pala sa mga nakaraang araw, nitong mga nakaraang taon din pala. Sino ba naman ang hindi magsusungit sa kalagayan ko? Bulag. Oo, alam ko naman na hindi lang ako nag-iisa sa kalagayan ko, pero ang hirap lang kasing tangapin na hindi na maibabalik ang paningin ko. Tatlong taon na rin akong hindi nakakakita, at kahit anong hirap kong tandaan kung ano ang kulay na pula at kung ano ang pinagkaiba nito sa dilaw, ay nakakalimutan ko parin. Ang hirap humarap sa ibang tao, dahil alam kong pagtatawanan lang nila ako. Mas ginugusto ko na nga lang na magtago dito sa bahay kaysa lumabas, hindi lang dahil sa mga maghusgang mga tao na hindi nakakaintindi sa kalagayan ko, kundi dahil na rin delikadong lumabas ng bahay.


Nakarating na kami sa mesa, ewan ko nga lang kung saan banda ako nakaupo. Ang hirap alamin kung nasa kaliwa ba ako o kanan, o kung nasa harapan ko ba ang TV. Pariborito ko kasing pwesto yun, yung nasa harapan ng TV. Namiss ko nang manood at tumawa. Tatlong taon narin na hindi ako updated sa mga nagaganap sa mga artista, wala naman kasing patutunguhan kung patuloy akong mahihilig sa mga dun, hindi ko rin naman sila makikita.


Sinubuan ako ng lalaking nagpalabas sakin sa kwarto para mag-almusal. Siguro hirap na hirap na sina mama at papa sa kakahanap ng taong magbabantay saakin, hindi kasi nakakatagal ang mga hina-hire nina mama at papa sakin kaya every week ay nagpapalit palit ang mga bantay ko. Ang tanging nakatagal lang naman sakin ay si Ate Lorry, yung over-all na katulong namin sa bahay. Mula nung bata pa ako ay kilalang kilala na ako ni Ate Lorry, kaya naman wala akong K na magsungit sa kanya, at hindi ko rin naman kasi kayang gawin sakanya yun no, isa kasi sya sa mga taong nasa tabi ko at tumulong saakin para ipagpatuloy ang buhay ko pagkatapos ng aksidente.


"Eto na ang train, say ah" nabigla ako ng biglang nagsalita ang nagpapakain sakin. Hahahaha ano raw? Train? Ulol ba 'to?


"Hindi na kaya ako bata no!" pangiti kong sinabi sa kanya. May problema yata sa pag-iisip 'tong kinuha nina mama at papa para magbatay sakin eh, ginawa ba naman akong bata.


"Yan ngumiti ka rin, napaka seryoso mo kasi kanina." sagot n'ya sakin. langya, parang part time clown yata ang na-hire nina mama at papa ah, gusto ba naman akong patawanin.


"Tumigil ka nga at pakainin mo na ako." utos ko sakanya. Yun naman talaga ang dapat n'yang gawin eh, ang pakainin ako at hindi patawanin o pangitiin man lang. Ayokong ngumiti, ayoko ko na, palagi kasing may masamang nangyayari sa taong masaya.


"Napakaseryoso mo naman, sayang lang yung ganda mo." nabigla ako sa sinabi nya. Maganda? paano naman mangyayari yun? Hindi nga ako nakakakita, noon alam ko kung ano ang maganda, ngunit ngayon, ewan ko na.

Pieces Of Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon