.

38 4 1
                                        

Unang araw na naman ng pasukan. First year high school na ako. Oo, medyo nakakaexcite. Sabi kasi nila, sa high school mo mararanasan ang lahat.

Bukod sa bagong environment, may mga bago ding makikilalang kaibigan.

Si Lily lang ang kakilala ko sa university na pinasukan ko. Kaklase ko kasi siya noong elementary at naging kaibigan na rin.

Pagkapasok pa lang namin ni Lily sa room, kaunti pa lang ang naroon. Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Maayos naman ang classroom, sa gilid nito ay isang malaking bintana, kung saan tanaw ang nasa labas. Kaya doon kami pumwesto.

Ang ibang kaklase ko ay mga nagkukwentuhan na. Parang magkakaibigan na agad sila dati pa. May kaniya-kaniyang grupo.

Lumabas si Lily saglit para pumunta sa banyo, kaya naiwan akong mag-isa. Tinuloy ko na lang ang pagtanaw sa labas, dahil wala din naman akong kausap.

Hanggang sa napatingin ako sa kanang bahagi, kung saan naman may bulletin board, at doon ko napansin ang isang lalaki.

Tahimik lang siya sa gilid at mukhang naglalaro sa cellphone.

Hindi ko alam pero nawalan ako ng pake sa ibang kaklase namin na patuloy na pumapasok. Hindi ko nga namalayan na nakabalik na si Lily.

"Hoy, ano na! Sino tinitingnan mo?" Nagtatakang tanong ni Lily sa akin, at sinundan kung saan ako nakatingin.

Nang makita niya ito, agad niya akong tinukso.

"Ang bilis ha, lumabas lang ako saglit may nahanap ka agad." Natatawang sabi pa niya. Binatukan ko na lang siya at tinigil na ang pagtingin sa lalaki.

Noong nagpapakilala na sa harapan ng klase, doon ko nalaman na Alexander ang pangalan nung lalaking tinitingnan ko kanina. Tinabig pa nga ni Lily ang braso ko nung nagsimula itong magpakilala. Nanunukso.

Napagtanto ko na bagay sa kanya ang pangalan niya. Medyo matangkad, matangos ang ilong, ang gwapo din ng ayos ng buhok. Samantalang ang ganda naman pagmasdan kapag nangiti siya.

Hindi ko alam pero bakit ganito yung nararamdaman ko. Para akong tangang nakangiti habang nakikinig sakanya.

Nung araw na din na yun, pumunta kami sa auditorium para sa kuhaan ng picture para sa ID. Sa lapag pinaupo ang mga lalaki, dahil kulang ang upuan, at sakto naman iyon sa aming mga babae.

Doon ko naman nakilala si Preilyn, Mariel at Nathalie. Nalaman ko na parehas ang school ni Preilyn at Alexander noon.

Nakakatuwa dahil sa araw na rin na yun marami akong nalaman tungkol sakanya. Sakto naman na tinawag si Nathalie para kuhaan ng picture, at napansin kong nakatingin si Alexander sakanya.

Nagulat ako ng bigla siyang napatingin sa akin. Napaiwas agad ako ng tingin. Hindi ko alam kung ako ba ang tiningnan niya o sadyang assumera lang ako.

Tatlong araw na ang nakakalipas, ganun pa din naman. Hindi pa rin kami nakakapag-usap. Hindi nga ako nakakalapit sakanya, kahit minsan si Lily na ang gumagawa ng paraan para lang makalapit ako sakanya.

"Ang hina mo girl!" Pabulong na sabi ni Lily sa akin.

"Baliw, nakakahiya." Napailing na lang ako at hinila na lang siya palabas ng room.

Kinagabihan, napagdesisyunan kong kuhaain ang number niya kay Preilyn. Nakakatawa dahil sinama ko pa si Mariel sa dahilan ko. Medyo nahirapan pa ako sa pagkuha ng number niya, dahil pinipilit talaga ni Preilyn malaman kung bakit.

Ang dami niyang tanong nakakainis, kung hindi lang talaga 'to para sa crush ko!

Nagtagumpay naman ako sa pagkuha nun. Maya-maya, naglakas ako ng loob na i-text siya. Ang tagal ko pang nakatitig sa message ko, na 'hi' lang naman ang laman.

Alexander (ONE-SHOT)Where stories live. Discover now