Chapter 4

42K 1.8K 153
                                    

 Chapter 4


Isang kubo sa gitna ng isang liblib na lugar. Doon ako dinala ng mga kumidnap sa akin. Tahimik ang lugar at isolated. Napakaperpektong hide out sa kanila nito dahil kahit magsisisigaw ako, walang makakarinig sa akin. Walang sasaklolo.

Marahas akong hinawakan ng isa sa mga kidnapper ko at hinatak papasok doon sa kubo. Sa loob ay may dalawang lalaki pa ang nag-iintay sa amin.

"Boss, nandito na kami!" sabi nung lalaking nakahawak sa akin. Binitiwan niya ako at itinulak papalapit doon sa lalaki na kung tawagin niya ay boss.

Kahit na may takip ang mukha nung boss nila, kitang kita ko pa rin ang mala-demonyong ngiti na gumuhit sa labi nito.

"Skye Bernardo! Buti naman nandito ka na!" tinanggal niya ang takip sa bibig ko at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Alam mo bang ikaw ang magdadala ng swerte sa buhay namin ngayon? Siguro naman, kayang kaya ng pamilya niyo ang isang milyon?"

Hindi ako nagsalita, instead, tiningnan ko lang siya sa mata. May mga luhang tumutulo sa mata ko pero pilit kong ipinakita ang galit na nararamdaman ko.

"Hindi ko gusto 'yang mga tingin na 'yan!" sigaw niya sa akin at hinawakan niya ako sa mukha. "Gusto mong durugin ko 'yang mukha mo, ha?!"

Hindi pa rin ako nagpatinag. Hindi ko hinayaang ipakita sa kanila ang takot ko. Kung may masama mang mangyari sa akin, ayokong mawala sa mundong ito na puro pag iyak at pag mamakaawa lang ang ginawa sa mga taong ito na halang ang kaluluwa.

"Aba't nakakaubos ka na ng pasensya ha!" sigaw ulit nung lalaking kung tawagin nila ay boss. Inambaan niya ako ng kamay at napapikit na lang ako habang inaantay ang palad niya na dumapo sa mukha ko, pero walang dumating. Instead, narinig kong nagsalita si Dash.

"Nangako ka sa akin. Sabi mo kahit hibla ng buhok niya, hindi mo gagalawin. Sumunod ako sa utos mo, kaya sana matuto kang tumupad sa pangako mo."

Napadilat ako at nakita ko si Dash na nakahawak sa wrist nung boss nila na kasalukuyang naka-amba pa rin sa ere.

"Bakit, Dash? Wag mong sabihing kaibigan mo ang babaeng 'to?"

Iniwas ni Dash ang tingin niya. "Hindi ko siya kaibigan. Sadyang hindi ko lang masikmura ang pinag-gagagawa niyo."

Nabigla ako nang tumawa ng malakas ang pinaka-boss nila habang tinatapik tapik sa braso si Dash. Sa kabilang banda, bakas kay Dash ang pagkainis.

"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga, bata! Ang bobo ng pag-iisip mo! Hindi mo masikmura 'to?! Eh samantalang sa ating lahat, ikaw ang may pinakahigit na pangangailangan para gawin ito." Biglang lumapit sa akin ang boss nila at inakbayan ako. "Itong babaeng 'to, siya ang magsasalba sa inyong mag-ina! Kaya wag kang makikialam sa kung ano ang gagawin ko sa kanya!" Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti atsaka niya hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng mga daliri niya.

"Ano ba?! Lumayo ka sa'kin! Don't touch me with that filthy hand of yours! Just let me go, pig!" Pilit akong nagpupumiglas sa kanya, but with no avail. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ang nakakainis, mukhang tuwang tuwa pa siya.

I blinked the tears that are starting to form in my eyes. Ayoko nang umiyak. Alam ko namang kahit ano'ng pag ngawa ang gawin ko, hindi ako pakakawalan ng mga ito.

Hinatak niya ako paupo sa isang silya at doon ay ginapos niya ako. Nagsilapitan sa akin ang iba pang mga holdaper. Napatingin ako kay Dash. He's raging with anger pero hindi siya kumikilos. I saw how his hand balled into fist at alam kong gustong gusto niya nang manapak.

He's a Kidnapper (Book Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon