Prologue

125K 4K 90
                                    

He's a Kidnapper

by Aly Almario


"Wag kang matakot, 'di ka naman namin gagalawin eh. Kailangan lang namin ng pera," sabi niya sa akin.

Bigla akong napahinto sa pag-iyak at napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Ang mga tingin na 'yun, 'yung boses na 'yun... katulad na katulad ng kay Dash.

Biglang nag-flashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari nung mga nakaraang araw. Lahat ng sinabi niya, biglang nag sink in sa akin.

Kaya ba ayaw niyang papuntahin ako sa birthday ni Charm dahil ayun 'yung araw ng pinlano nilang pag dukot sa akin? Kaya ba siya humihingi ng tawad? Kaya ba niya ako hinalikan? Napailing ako bigla. No. It can't be. Dash is not a kidnapper. He wouldn't do that, specially to me. Alam kong hindi niya magagawa 'yun...hinding hindi niya 'yun magagawa sa akin.

"Oh, Miss Beautiful, ba't parang natulala ka? Nakikilala mo ba 'yang katabi mo?" sabi nung isang kidnapper na nasa likuran ko. "Panigurado, magugulat ka 'pag nalaman mo kung sino 'yan!"

Tiningnan siya ng masama nung kidnapper na katabi ko.

"Ang sama mong makatingin, bata!" ngumisi ang kidnapper na nasa likuran ko at bigla niyang tinanggal ang takip sa mukha nung katabi ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin at hindi ko na talaga mapigilan pa ang luha sa pag labas mula sa mata ko nang makita ko ang mukha nito.

He's a Kidnapper (Book Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon