Chapter 12 || Love Game

7K 79 2
                                    

Time flew fast. Hours turned to days, days turned to weeks. Three weeks na sila ni Karylle. True to his words, ginawa ni Vice ang lahat para maipadama kay Karylle na mahal nga n'ya ito. Everyday, he takes effort to do something special for her. 

"Meme," untag ni Archi kay Vice na prenteng nakahiga sa sofa. "Siguraduhin mo lang na hindi kami damay sa backfire nitong ginagawa natin ha?" 

Nakakalokong ngumiti lang si Vice at inilagay sa likod ng ulo ang mga kamay. 

"Naku! Meme ha?" sabi naman ni Buern. "Pag kami nadamay dito, naku! Talaga sinasabi ko nakunakunaku!" 

"Tumahimik nga kayo r'yan." natatawang sita ni Vice. "Natural, alam kong magrereact si Kurba. Magagalit yun sa'kin. Pag nagalit sa'kin, magagalit din sa inyo. Alangan namang ako lang? Damay damay na 'to." saka tumawa ng tumawa. 

"Nakanampooch!" mura ni Archie sabay bato ng throw pillow kay Vice. "Lika na nga Beks, iwanan na natin 'to." sabay walk out kaladkad si Buern. 

"Kayo naman di na mabiro." sabi ni Vice. "Sige, sayang yung pa-lunch ko mamaya." 

"Yun na nga sabi ko kay Buern, Meme." sabi ni Archie pabalik sa inuupuan. "Ito naman kasi si Buern eh?" sabay baling kay Buern. "Nagbibiro lang kaya si Meme." 

Pinandilatan naman ni Buern si Archie sabay batok dito ng light. "Gaga 'to! Dinamay mo pa 'ko? Dinig mo lang yung palafang eh?" 

Nagkatawanan silang tatlo. 

"Ay paki-text naman sina Budi at Manny na pumunta na rito kung tapos na sila. Mahirap na."

ViceRylle || Songs of the HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora