Chapter 8 || I Can't Make You Love Me If You Won't

7.2K 87 12
                                    

Day 12 

      Nagmulat si Karylle ng mga mata ng tumama ang ilang sinag ng araw na tumagos sa siwang ng kurtina. Bumangon sya at naupo sa kama habang yakap ang mga tuhod. 6am na pero wala pa syang tulog. Naglalaro sa kanyang isip ang harana ni vice kagabi at ang pakikipagkita nya sa secret admirer nya mamaya. Yes, she'd decided to meet him tonight. Kagabi pa nya gustong tawagan at sabihan si vice pero dahil nasa shooting ito ay di na nya ito ginambala. Saka di ko naman alam kung paano ko sasabihin. Sabi nya sa sarili. 

     Kinuha nya ang cell-phone sa bedside table. He needs to know. nakakailang type na sya pero panay bura rin ng message nya para kay Vice. Hindi pa rin nya alam ang sasabihin dito. Argh! Ano ba, Karylle?! She sighed at nagpatuloy sa pag text. 

    Good morning love. How are you? Kamusta ang shoot? Oh, umaga na. Mag breakfast ka. Important meal pa naman yan. Message me when youre free. I Love You! Mwah! 

Message sent. Ibinagsak ni Karylle ang katawan sa kama nya at tinakpan ang mukha ng unan saka impit na sumigaw. 'ang tanga mo karylle!ang tanga mo!

Ramdam ni Vice ang pagvibrate ng fone nya. Hula nya ay si Karylle ang nagtext sa kanya. Kaso lang ay nasa gitna sya ng take kaya bawal muna ang landi. 

Naalimpungatan si karylle sa ringtone ng fone nya. Nakatulog pala sya. Pupungas-pungas na hinanap nya ito sa pagaakalang si vice ang caller. Nadismaya sya ng makita ang pangalan sa caller id. 

"Hello?" malamig nyang sagot. 

ViceRylle || Songs of the HeartWhere stories live. Discover now