The Deal

54.2K 792 24
                                    

3

Saturday Morning

"Sis! Gising!"

Ano naman ba? Ang aga-aga. Pwede bang matulog muna? Please?

"Kathy mamaya na. Matutulog pa ako." I groaned.

"Alex, may naghahanap sayo!" Talagang kailangan sumigaw ha.

Fine! Babangon na!

"Sino naman ba ang naghahanap sa'kin?" I said really irritated. At frist time na may naghahanap sa'kin ha, pero wrong timing pa rin. I looked at my watch, it's 8:32. Sinong magbibisita ng ganito kaaga?

"Ewan ko, friend, pero ang gwapo! Hindi ko muna pinagbuksan."

Gwapo? Baka si...Dave?

"Baka si Dave?" I said unconsciously.

"Ay! Sige na! Lumabas ka na!" Hinatak ako ni Kathy pababa sa first floor ng bahay niya. Syempre kagigising ko lang kaya medyo lutang pa ako. Muntik pa akong mahulog sa hagdan. Buwis buhay pa ata ito.

"Hey! Is anybody here?" May narinig akong kumakatok sa pinto. Village kasi itong bahay ni Kathy, hindi uso ang gate. May gate nga naman pero kahoy, tapos pag may kailangan ka, dapat kumatok ka talaga sa pinto.

"Wait!" I groaned and opened the door.

Teka lang. Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

Anong ginagawa niya dito? Oh my god! Nag bra ba ako? Sino nga ito? Oh no!

"My name is Ash. Do you remember me?" He smiled. I think God smiled at me too, pero bakit ganito pa?

Sa sobrang kahihiyan, sinirado ko bigla ang pinto. Tumakbo sa taas at nag-ayos.

"Uy, friend! Papasukin ko na ha." Sigaw ni Kathy sa'kin.

15 minutes later

Nakahilamos at nakapg-toothbrush na ako. Sana naman napag-isipan niya nang umalis dahil sa sobrang tagal ko. Ano ba naman kasing ginagawa niya dito nang ganito kaaga?

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Nakita ko agad si Ash na nakaupo sa sofa, at si Kathy naman game na game sa pagsisilbi sa bisita.

"Oh finally! She's here!" Sinabi ni Kathy kay Ash nung makita niya na ako. Tumingin sa'kin si Ash at ngumiti.

Lumapit si Kathy sa'kin kasi hindi talaga ako gagalaw sa kinatatayuan ko. "Girl, umayos ka. Gwapo yan." Binulong niya pa at umakyat na sa taas.

Binenta niya na ata ako. Nakakita lang nang gwapo nagbago na ang mundo, anong era na ba tayo? Renaissance period?

Pinuntahan ko na si Ash at umupo sa harap na sofa, "S-so, anung ginagwa mo dito?"Awkward. Lupa! Lamunin mo ako!

"Akala ko naman hindi mo na ako naalala eh." He smiled. "I'm here to talk to you about Dave's proposal."

Alam niya ang tungkol doon?

"N-nasabi niya na ang tungkol dun." Ba't ba ako nag-stutter. Porke ba't gwapo! Ha? Ha? Anong karapatan niyang magkaroon ng mukhang ganiyan?

"Yeah, I heard. Bakit hindi ka pumayag?"

"Uhm, because it's none of my business?" Exactly! Tama naman ako. "And wala namang dahilan para tulungan ko siya."

He chuckled, "Do you know na pwede kang ma-rape nung mga lalaki na nakaaway niya dun sa park? Utang na loob mo na rin yun."

Seriously? Ita-target niya talaga ang konsensya ko?

BOOK 1: For The Love of a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon