Run Around

2.1K 131 17
                                    

Nakahiga na kami ng mga kasama ko sa banig na inilatag namin sa sala ng shelter. Tulog na ang mga kasama ko, pero hindi naman ako dalawin ng antok. Tumatakbo sa isip ko kung anong mga kailangan namin gawin para mapagaan ang kalagayan ng mga bata dito. Naglilista ako sa isip ko ng mga kakailanganin nila na hindi namin dala. Halos kasi mga gamit for hygiene, activity books, laruan at vitamins ang dala namin. Hindi siguro na-anticipate na ganito ang kalagayan ng shelter.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 2AM na. 8AM na sa Spain. Siguradong gising na si aunt Reena kung tatawag ako. Bumangon ako at lumabas ng bahay. I dialled my aunt's number. Ilang ring lang ay sumagot na sya.

"It's only 2AM in your part of the world. Is something wrong?" Agad na tanong sakin ng auntie ko.

"I need your help auntie Reena."

Aunt Sereena is daddy's sister. Mas matanda si auntie kay daddy, at sya rin ang namamahala ng car technology company na itinayo ng lolo ko. Si daddy dapat ang magte-take over nun, but he changed his mind nung na-realize nya that he never stopped loving mommy. So, tinalikuran ni daddy ang company and he settled here. Malaking gulo at away pa nga daw ang nangyari noon because he traded a huge car tech project plan to save mommy's reputation. Aunt Reena hated my mom to the core after that.

But they're all okay now. Ang sabi ni daddy, nagbago daw si aunt Reena nang mainlove kay uncle JM. Natunaw daw kasi ng hotness ni uncle JM ang nagyeyelong puso ni auntie. Naputol naman daw ni auntie ang sungay at buntot ni uncle JM because she alone can be the devil between the two of them. Nakakabilib din naman ang pagmamahal ni uncle sa kanya. Kahit pa may malaking grupo na ng ospital ang pamilya ni uncle, mas pinili nyang mag settle sa Spain kasama si auntie at si Penguin- ang pinsan ko. Hindi naman din kasi biro ang laki ng Varess Medical City. They are one of the best hospitals in Asia. Kaya talagang mapapaisip ka kung paano na give up iyon ni uncle. Or... ganun nga siguro talaga ang pag ibig, kaya isuko ang kahit ano para sa taong minamahal- just like uncle JM and daddy.

"Hmmm... Let me guess. You're on volunteer work again, 'no?" She asked.

"Yes. Sa Surigao po. And I was assigned sa children's shelter."

"What help do you have in mind, my favorite pamangkin?"

"Pediatricians, para ma-checkup yung mga bata. Sponsor din po for bunk beds, matresses, pillows and blankets. Materials din po sana to build them proper bathrooms. Gawa lang po kasi sa pawid yung CR nila."

"E-mail me the details and pictures of the shelter. I'll talk to your uncle JM. How long will you be staying there?"

"I'll be here for a week."

"Okay. I'll make sure everything gets done before you leave."

"Talaga po, auntie?!" Napalakas ang boses ko sa tuwa. Tinakpan ko naman ang bibig ko tsaka sumilip sa pintuan ng bahay. Lumayo pa ako ng kaunti para makaiwas na magising ang mga kasama ko.

"Anything for my favorite pamangkin. And as long as it is for the greater good. Hindi ka naman humihiling na para sayo lang eh."

Nagkumustahan pa kami ng ilang minuto bago ako nagpaalam na matutulog na. Finally. I can sleep soundly knowing that soon enough the children here will be able to sleep comfortably. I looked up at the night sky.

"Wala mang stars ngayon, nagawa ko pa rin naman maging masaya." Bulong ko sa sarili habang nakangiti.

"Eh sino ba nagsabi sayo na walang stars?"

Tumalikod ako para makita kung sino yung biglang bumulong malapit sa tenga ko. Muntik pa akong matumba dahil bumanga ako sa katawan nya. Buti na lang nahawakan nya ako sa bewang.

When We Were YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon