Run Backwards

2.5K 131 10
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Ngumisi sya sa akin at gumapang din papunta sa ilalim ng mesa. Nakangiti si Kiko sa kanya. Ako naman ay nagtataka pa din. Nang makaayos na sya ng upo, inabot nya ang likuran ng ulo ko at hinatak ang tali ko sa buhok. Lumadlad ang buhok ko na lagpas balikat.

"How are you, Sinigang na Gabi?" Nakangising tanong nya sa akin habang tinatali ang mahaba nyang buhok na lagpas balikat din. Naka-muscle shirt syang puti  at itim na pantalon. Kitang-kita ko ang mga tattoo nya sa braso.

"I'm okay, Rhapsody." Pinilit kong ngumiti.

"Sabi ko na nga ba dito kita makikita eh." Inayos pa ni Rhapsody yung buhok ko na nagulo dahil sa pagkakatangal nya ng tali ko.

Rhapsody is ninong Calen's son. Member ang daddy nya ng bandang The Pastels. Parang kapatid na banda sila ng Neon. Si mommy din ang naging stylist at road manager ng The Pastels noon. At dahil naging malapit si mommy sa banda, kinuha din nila si ninong Calen para maging ninong ko.

Malapit lang noon ang bahay nila Rhapsody sa amin, kaya iisa lang ang church na pinagsisimbahan namin. Member ako ng children's choir, habang sya naman ay sakristan. Magkasabay din kami noon sa Sunday school. Hindi kami close katulad ng closeness namin ni JP, pero nakakapagkwentuhan kami.

Isang taon lang naman ang tanda sa akin ni Rhapsody. Pero sa itsura nya ngayon, parang mature na mature na sya. Siguro dahil sa rockstar aura nya. Sumisikat na rin kasi sya. He works under Steel Note Records. Ilang taon pa lang sa industry yung music label na iyon pero mabilis ang pag akyat nila. Ang alam ko nag offer noon sila tita Rika kila ninong Calen para kuning recording artist ng Revert si Rhapsody. Ninong Calen declined. Gusto kasi nya na makatapos muna si Rhap sa pag aaral bago sumabak sa music. As far as I know he took up BioChem and finished with flying colors. Matalino naman kasi talaga sya noon pa. Lagi syang panalo sa mga Science fair sa school namin nung elementary.

I lost contact with Rhap nung nag highschool na siya. Lumipat na kasi sila noon. Nakita ko na lang sya ulit sa isang mall show niya. Pero syempre hindi naman nya ako nakita dahil nasa crowd ako. He's a really good musician. Parang hardcore version ni ZD. And he seems like he's taking his time climbing up the stardom ladder. Hindi sya sumasabay sa kung ano ang uso. He stuck with the type of music he started with.

"Mahilig ka pa rin talaga tumambay sa ilalim ng mesa. Same old Gabi." Ngumisi sya ulit sa akin.

Was that supposed to be an insult? I shrugged.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him again.

"Volunteering. Taga dito kasi yung bassist ko. Kaya naisipan ko na ilapit sa parish nyo yung volunteer work plan para dito sa Placer. Buti na inaprubahan agad ni father Alan yung proposal ko." Sagot nya.

"You mean, ikaw ang nag organize nito?"

Tumango naman sya habang nakangisi pa rin. Biglang kumunot ang noo nya nung hindi ako umimik.

"Hindi ka ba naniniwala?" Tanong nya na para bang nagpapaawa.

"No. Hindi naman sa ganun. I just figured na you're supposedly busy with your career. Tapos you were able to find time to do this. Ang galing lang." Ngumiti na ako.

"Actually, I am currently on break. 3 months break to be exact. Kakatapos lang ng road tour ko, so back to song writing for my next album. Plus, I need to shape up before I start with my Master's." He moved his eyebrows up and down. Parang hyper yata si Rhap.

"Wow. Rockstar and Biochemist. Ganda siguro tignan ng resumé mo."

"So pag nag apply ako sayo, pasado na ko agad?" Nakangisi na naman sya.

When We Were YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon