The First Run

6.4K 138 22
                                    

"I'm telling Yana I love her."

"You're telling me this at 2AM, JP? Hindi ka na ba talaga makapaghintay na sumikat ang araw at magising ako ng 6am para sabihin sakin na magtatapat ka na sa girlfriend ng kuya ko?" I annoyingly asked JP habang pupungas-pungas pa ako. It's freaking 2AM!

"I made up my mind. And this time, totoo na. No balikan. Touch move. Sasabihin ko na talaga." He said desperately.

My chest tightened. Ano pa bang pagpipigil ang pwede kong gawin para madistract sya sa plano nyang pag-amin? Should I tell kuya Robi liit about JP's plan? Pero hindi naman ako dapat makialam eh. It's not my secret to tell.

"Sigurado ka na ba talaga dyan? Magkakagulo tayo pag sinabi mo. Hindi ka ba natatakot na masira yung pagkakaibigan nyong tatlo?" Tanong ko kay JP.

"Sigurado na ko, Gabi. Kailangan ko na sabihin kay Yana dahil sasabog na 'tong dibdib ko. I can no longer take seeing her and Liit together. Masyado ng masakit."

"Don't do it, please." Pakiusap ko sa kanya hindi para sa kuya ko, kundi para sa puso ko.

I've been inlove with my bestfriend, JP, since time immemorial. Mag bestfriend ang mommy ko at daddy nya. They were part of a popular band called Neon. Kasama din sa bandang iyon ang daddy ko. A lot would say na parang sapot ng gagamba ang love story ng mga magulang namin dahil sa dami ng mga nangyari between the four of them. But when things fell into their rightful place, they- along with the other Neon guys, became one big dysfunctional yet happy family. Magkakasama kaming mga anak ng Neon na lumaki.

Sunday habit na ng mga magulang namin na mag lunch or dinner every Sunday after going to church. After we finish off the yummy meals prepared by tita Audrina, tita Jenny and tita Irish, whole day jamming na ang ganap. Playground namin ang Revert Records- ang recording company na pagaari ng Neon. Nagtataguan kami sa mga studio at instrument room ng Revert building. At doon din kami bumuo nila kuya Liit, Yana, ZD at JP, ng mga pangarap namin. We want to take over Revert Records and take it to internatiol grounds. That way, we'll keep Neon's legacy and make our parents proud.

Tangap ko naman na hindi ako kahit kailan makikita ni JP ng higit pa sa bestfriend. Kuntento na ko sa kung anong meron ako- awesome parents, 3 crazy brothers, 1 weird but charming sister, Neon uncles and aunts, choir, weekend habit, and charity work. Masaya na ko doon. I've always liked the feeling of 'contentment'. Yun kasi ang turo sa amin ng parish priest sa community church when we went to Sunday school during my younger years. Hindi daw sukatan ng true happiness yung kung gaano ka kasaya. Nasusukat daw yun kung kaya mong mabuhay na parang walang kulang. Wala kang hinahanap. Life in contentment.

I find contentment in the things I do. Going to church every Sunday. Being part of the church choir. Volunteering for community service or charity work. Gustong-gusto ko talagang nagvo-volunteer sa mga charity work ng parish namin. Ibang-iba ang pakiramdam pag nakakatulong ka sa ibang tao. Maliit lang kung tutuusin ang naitutulong namin, pero malaking bagay iyon para sa mga natutulungan.

Marami na akong napuntahan na liblib na lugar dahil sa pagvo-volunteer. Usually sa mga secluded areas kami pumupunta kung saan hindi naabot ng tulong ng gobyerno at ibang malalaking NGO's. Nung una, ayaw ng daddy na pasamahin ako sa mga ganoong church activity. Buti na lang napilit sya ni mommy na payagan ako. In good intention naman daw kasi ang pag alis ko.

I've already volunteered for medical missions, ecological restoration, community development, and even housing construction for areas devastated by calamities. Of all the types of volunteering I've done, pinakapaborito ko ang pagbisita namin sa mga orphanage. Mahilig kasi akong sa mga bata. Nakikita ko kasi sa kanila yung contentment. Even the littlest thing make them happy. Sa mga orphanage na pinupuntahan namin, nakikita ko kung gaano kasaya yung mga bata pag may bisita. Tuwang-tuwa sila pag may dala kaming mga laruan, libro at pagkain. Pero pinakamasaya sila kapag naglalaro o kaya naman ay kinukwentuhan namin sila.

When We Were YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon