Picture 6.1: Wedding Proposal

Start from the beginning
                                    

Inilapag ko ang mga dala kong libro, white board marker at eraser sa lamesa ko ng marating ko na ang faculty room. Napatingin ako sa kalendaryo sa ibabaw ng lamesa ko. Tama, ang petsa ngayong araw ay October 25, 2014. Ngayon din magpo-propose si Zacharias kay Janica.

Dinampot ko ang cellphone ko ng mag-ring ito. Si Reign, tumatawag. Sinagot ko ito at itinapat sa tainga ko.

"Hello?"

"Riley! I missed you so much!" Bahagya kong inilayo ang phone ko ng marinig ang matinis na boses ni Reign. "Ba't ba hindi ka nagpaparamdam sa 'min? Nagpapa-miss ka ba? Ha?"

"Hindi naman sa gano'n. Sobrang busy lang kasi ako talaga dito sa school."

"Sige, mapapatawad na kita basta huwag kang tatanggi sa sasabihin ko sa 'yo ngayon."

Nahihimigan ko na ang sasabihin sa 'kin ni Reign. At naaalala ko na kung bakit wala ako sa wedding proposal ni Zacharias dahil tumanggi ako ng tinanong ako ni Reign kung pupunta ba ako sa proposal ni Zacharias.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Is it about Zacharias's proposal?" Tanong ko.

"Yup! Paano mo nalaman ang tungkol d'yan? Sinabi na ba sa 'yo ni Zacharias?"

"Hindi. Naisip ko lang 'yan."

"So, asahan ka namin mamaya ha? Alam kong masakit ito para sa 'yo pero sana pumunta ka bilang kaibigan ni Zacharias. O kaya pumunta ka kahit para sa 'ming tatlo na lang nila Risha. Asahan ka namin Riley."

"Let me see. Bye." Sabi ko at hinihintay na lang na i-end call ni Reign ang tawag.

"Bye." At pinatay na nga niya ito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kung gusto ko silang pigilan siguro dapat lang pumunta ako mamaya. Kaya ko 'to! Fight oh lang!

"Riley, may naghahanap sa 'yo sa may tapat ng gate." Sabi ni ma'am na kakaupo lang sa upuang katabi ng lamesa ko. Siya pa rin ang losyang version ni ma'am Car. I really don't have an idea kung kailan ba siya natutong mag-ayos.

"Sino po?" Tanong ko habang kinukuha ang mga answer sheets. Magche-check ako ngayon ng quizzes ng mga estudyante ko.

"Mahabang taon ko na siyang hindi nakita pero sigurado akong si Agustin iyon." Sabi ni ma'am ng hindi tumitingin sa 'kin.

Napahinto ako sa ginagawa ko. Ano naman kayang kailangan niya sa 'kin?

"Ah. Hayaan niyo lang po siyang mag-hintay. May ginagawa pa po ako." Sabi ko at muling ipinagpatuloy ang pagche-check.

"Ano ka ba? Puntahan mo na siya do'n. Ako ng bahala d'yan sa pag-checheck ng mga 'yan."

"'Wag na po. Nakakahiya sa inyo."

"Basta. Puntahan mo na siya. Mahiya ka do'n sa tao at pinag-intay mo siya. Hala, sige, lumakad ka na."

"Pero—"

"Wala ng pero pero pa. Puntahan mo na siya."

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Ibinigay ko sa kaniya ang key to correction at dinampot ko ang bag ko at umalis na. Paglabas ko ng gate ay nakita ko siyang nakasandal sa may pader. Umarte ako na hindi ko siya napansin at nilagpasan lang siya.

"Riley, sandali!" Habol niya sa 'kin at hinawakan ako sa braso dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod naman na siya sa 'kin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

"Wala lang. Bawal ba ma-miss ang best friend ko?" Sagot niya at inakbayan ako.

Sa halip na kiligin ako ay na-bad trip pa akong lalo. Sinabi na naman niya kasi ang term na 'best friend'.

UNDONE (Time Traveler)Where stories live. Discover now