Picture 2.2: Intramurals

2.4K 144 15
                                    

Picture 2.2: Intramurals

Parang lantang gulay na napasandal ako sa itinali kong banner kanina. Talo sila Zacharias. Wala na ba kaming ipapanalong laban? Wala rin naman pala akong mababago dito sa nakaraan. Isa pa, nakangiti naman si Zacharias. Hindi naman siya galit.

Tinitigan ko si Zacharias habang umaakyat siya papunta sa pwesto ko. Bakit ba napaka-manly niyang kumilos? Nagpupunas siya ng buhok niya gamit ang isang puting bimpo. Hindi ko maiwasang mapatingin sa gwapo niyang mukha, syempre gwapo siya para sa 'kin.

Agad kong inalis ang tingin ko nang bigla siyang lumingon sa 'kin kaya naman inasikaso ko na lang 'yong banner. Sinimulan ko ng tanggalin ang pagkakatali dito. Ayos kasi sila Reign, iniwan na ako dito mag-isa. Nakigulo na sila sa mga kaklase naming nagsasaya.

Nagulat ako ng biglang tinanggal ni Zacharias ang tali sa kabilang dulo. Seryoso akong napatingin sa kaniya. Ito na naman siya, pinapaasa ako. Parang tinulungan lang akong magtanggal ng tali, paasa na agad?

"What are you looking at?"

"Wala lang. Bakit hindi ka sumama sa mga kaklase natin?"

"I can't leave you alone here."

"Ang sweet naman."

"Sweet your face." Sabi niya at sinimulan ng itupi 'yong banner pagkatapos ay iniabot na niya ito sa 'kin.

"Salamat." Sabi ko habang inilalagay ito sa eco-bag.

I heard him sigh. "Talo na naman tayo. Lagi na lang tayong talo. Last year talo tayo. Last last year talo rin tayo. Last last last year talo pa rin tayo. Kailan kaya tayo mananalo?"

Tinignan ko siya pero saglit lang at ipinagpatuloy na ang ginagawa ko. "Hindi naman mahalaga kung manalo o matalo tayo. Ang mahalaga natuto tayong magsumikap na manalo. Oo, mahirap at nakakapagod, lahat naman nagsisimula sa hirap. Makuntento na lang tayo sa kung anong narating natin. At least, na-enjoy natin ang laro at natuto tayong makipagtulungan sa mga ka-teammate natin. Maybe, this isn't the time for us to win the trophy but I believe, may ibang plano si God."

"Amen."

Natawa na lang ako sa sinagot niya. Isa isa kong pinulot 'yong mga pompoms na ginamit namin kanina. Ayos kasi talaga 'yong dalawa, napakaburara. Nang maayos ko na ang lahat ay binitbit ko na ito. Sandali, 'yong backpack ko pala.

"Zacharias, paki-abot naman ng bag ko." Sa halip na iabot sakin ang bag ko ay kinuha niya sa 'kin ang mga dala ko. Hindi naman na ako umangal at pinulot na 'yong bag ko. Kinuha ko rin 'yong bag niya at binitbit ito.

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa likuran niya ako. Parang de ja vu lang naman lahat ng nangyayari ngayon, eh.

"Saan ba 'to ilalagay?" Tanong niya ng hindi lumilingon sa 'kin.

"Sa room na lang. Baka nando'n din 'yong mga kaklase natin."

Hindi na sya nagsalita ulit kaya nanahimik na rin ako. Pagkadating namin sa building ng room namin ay hinubad na namin ang sapatos namin at inilagay ito sa  lagayan. Isinuot naman namin 'yong sapatos na kulay puti na allowed gamitin sa loob ng building. Yup, ganito kalinis ang school namin. At mga disiplinado rin ang mga estudyante dito.

Pagdating namin ng room ay kuliglig na lang ang kulang. Sobrang tahimik. Wala dito ang mga kaklase namin at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.

"Where will I put this down?"

"D'yan na lang sa may likuran." Sinunod naman niya ako. "Saan kaya sila nagpunta?" Tanong ko.

"Malay ko. Magkasama tayo 'di ba?"

UNDONE (Time Traveler)Where stories live. Discover now