Humawak ako dun at sinubukang tumayo pero ang sakit talaga ng pwet ko! Yung parang hindi ka makalakad. Ganun talaga eh!

"Aray masakit nga." Usal ko. "Sorry talaga. Hindi mo ba kayang tumayo at maglakad?" He asked worriedly.


"Kaya ko 'to noh! Ako pa!" I said and tried to stand again. Psh tinitiis ko yung sakit. Inaalalayan niya ako. Sobrang lapit namin sa isa't- isa.

Yung kamay niya parang nakaakbay sa akin tapos dikit na dikit ako sa kanya. Lumabas na kami ng kwarto niya ng ganon pa din ang posisyon.


"Uyy sige okay lang. Tiisin ko na lang." Sabi ko at ngumiti. "Aish, kasalanan ko 'to eh. Sige baka lumala pa yan. Bubuhatin kita." Sabi niya at binuhat akong parang pang bagong kasal.


"Uy okay lang talaga!" Sabi ko at pilit bumababa. "No, I insist. Mahuhulog ka sa hagdan pag ang galaw mo." Sabi niya kaya tumahimik na ako. Wala na naman din akong magagawa ehh.


Nakarating kami sa kusina at wala na dun yung tatlo. Tapos na siguro silang kumain. Kumain lang kaming dalawa ng mabilis at nag toothbrush na.


Pumasok na kami ng school gate at pinagtitinginan. Hala may dumi ba ako sa mukha at ganyan sila? Hindi pa ako nasanay. Nerd pa lang ako ganto na sila sa akin eh.


"Uyy new student si girl? Eh August na kaya."

"Mas gumwapo sila Travis!"

"Sino yang girl?"

"Mas maganda ako sa kanya."


Yan ang sari- saring bulungan ng mga tao. At yung huli, syempre kanino pa ba mangagaling? Syempre kay Eris. Teka hindi siya si Eris, yung twin niya to! Oo may twin sya.


Diretso lang kami papuntang room at umupo. Pagkaupo ko sa upuan ko ay may lumapit sa akin na mga lalaki. Yung iba classmates ko tapos yung iba naman ibang section at level.


"Hi miss. New student ka ba? Ako nga pala si Drenz." Sabi ng classmate ko. "Pwede ba makuha number mo?" Sabi naman nung isa. "Ahh ehh hindi ako baguhan." Sagot ko.

"Ehh ngayon lang kita nakita dito eh." Sabi ni Drenz.


Hala hindi ko na alam kung paano magpapaliwanag. Nakakahilo. "Hep, hep, hep! Anong ginagawa niyo sa kanya?" Maangas na sabi ni Matt.

"W-wala Matt." Sabi nung kasama ni Drenz at umupo na.

"Eh, bakit ano ka ba niya?" Tanong ni Drenz. Hala! No! Baka mag away sila!

"Okay lang Matt sige na. Paalis ka na Drenz diba?" Sabi ko at pinandilatan ng mata si Drenz. "Sige na nga babe." Sabi ni Drenz at nag wink bago umalis.


"Ay aba't! Hoy Drenz! Babe-in mo mukha mo!" Sigaw ni Matt. "Huy!" I said and pouted.

"Eh kasi kala mo naman kung sino sya eh!" Sigaw niya. "Shut up Matt." Cold na sabi ni Travis. Hala! Bakit bigla naman 'tong naging cold? Nevermind.

So pumasok na ang mga teachers at nag discuss. Nakinig akong mabuti at naperfect ko ang mga seatworks at quizzes. Hindi lang ako, pati sina Travis, Jeff, at Zack.

Si Matt hindi. Naka zero siya! Natulog lang kasi siya kanina habang naglelesson kaya sabi daw i-zero para magtanda siya.


Lunch time na kaya lumabas na kami. Grabe nag ggive way pag padaan na kami. Heartthrobs kasama ko eh! Syempre ba naman at ginagalang. Yung table na pinili namin ay yung nasa gitna ng cafeteria. I mean, dun yung usual na place nila dito sa caf.


Ang dami ulit nagpapa picture. Nagtataka nga ako eh. Artista ba sila? Hahahaha. Napapailing na lang ako dahil inis na yung itsura nila kasi gutom na nga sila kanina pa.

"Hayy salamat!" Sabi ni Matt. "Mga bwiset na tao yan eh! Gutom na yung tao seselfie pa!?" Galit na saad ni Travis.

Nagtawanan na lang kami at nagsimula ng kumain. *Ramdam ko yung lamig sa mukha at blouse kong basa na ngayon. "What the." Nasabi ni Zack. "Oww sorry my bad." Sabi ng bwiset na babae. Si Clarisse.

Sadya naman na binuhusan niya ako ng juice eh. "Ano bang problema mo?" I asked. "Sorry na nga diba?!" Pasigaw na sabi niya sa akin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Why are you shouting?" I asked using my cold voice. "Hey stop it." Saway ni Travis. "Inaaway niya ako Travis oh. Tignan mo!" Pagsusumbong niya kay Travis at sabay kapit sa braso nito. Ay haliparot na hipon!

Nag- iinit ng ulo ko dito! "Huh. Go on and make stories btch." I said and about to walk out. Magpapalit na ako bago ako langgamin. Napatigil ako ng hilahin niya ang braso ko.

"What did you call me?!" Galit na sabi niya. Napangisi ako. I've had enough with this girl. I faced her. "Are you deaf? I said btch." Sabi ko at ibinitaw ang pagkakawahak niya sa braso ko.

Umalis na ako dun and leave her dumbfounded. Oo mabait ako, pero sabihin na lang natin na natuto na akong lumaban? Kung mabait ka sakin edi same ang trato ko. Kung masama ka naman sa akin, edi mag ready ka dahil hindi kita uurungan.

The Mysterious Nerd Where stories live. Discover now