Hanggang sa tumungtong ako ng sampung taong gulang at lalong lumala ang kaguluhan sa pamilya namin. Nagsimula akong magtanim ng sama ng loob kay papa dahil sa mga kagag*han niya lalo na ng pinatay niya si mama sa harapan ko mismo.

Ang pangalawang beses na nakasaksi ako ng pagpatay.

At doon ko nalaman na kaya pala ganun na lamang ang galit ni papa kay mama at kay Brian dahil anak ni mama si Brian sa ibang lalaki. Sa madaling salita, nanlalalaki si mama ng di namin nalalaman ni papa.

Nakaramdam ako ng galit kay mama ngunit agad ding nawala dahil alam kong napakabuti niya di tulad ni papa. Sana siya na lang ng namatay.

Muli akong napadilat ng maalala ang pagkakita ko sa bangkay nila papa at Brian.

Naiyukom ko ang mga palad ko... lahat ginawa ko para maprotektahan si Brian. Hindi ko siya pinapalabas ng bahay at di ko ipinagsabi kahit kanino na may kapatid ako para hindi siya matunton ng demonyo.

Tumakas ako ng kulungan at pumunta ng bahay upang isama sana si Brian sa pagtakas ngunit ang malalamig na bangkay lamang nila ang naabutan ko. Ayos lang sana kung ang ama ko lang ang pinatay niya dahil matagal ko ng kinalimutan ng pagifing bahagi niya sa buhay ko.

Pinunasan ko ang pisngi ko ng may maramdamang tumulong luha sa mga mata ko. Ngayon na lang ulit ako umiyak. Napakasakit isipin na ang pinaka-iniingatan kong tao ay pinatay na niya... Napaka-sama nilang lahat.


Muli akong pumikit at nagpatuloy sa pagbabalik-alaala.


Matapos mamatay ng mama ko ay doon muling bumalik ang alaala ko kay Cassandra. Dahil sa galit ko kay papa ay nag-imbestiga ako upang magkaroon ng dahilan para maipakulong siya. Hindi niya pinagbayaran ang gjnawa niya kay mama kaya naisip ko na baka ang pagkamatay ni Cassandra ang makakatulong sakin upang mapabagsak si papa.

Ngunit sa pag-eembistaga ko ay may iba akong nalaman. Nakilala ko ang anak ni Cassandra na nagngangalang Brian din at anak niya iyon kay William Cereza, ang ama ni Hara. Lumalim ang mga nalalaman ko hanggang sa napagtanto kong, nakikipaglaro na pala ako kay kamatayan....

"Mukhang kanina ka pa gising ah" muli akong napadilat ng may nagbukas ng pinto at narinig ko ang boses niya.

Isinara niya ang pintuan kaya naghari na naman ang kadiliman sa paligid. Kahit na wala akong makita ay rinig na rinig ko ang mga yabag niyang papalapit sakin hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya sa harapan ko.

"Handa ka na ba?" naramdaman kong nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng bumulong siya sa tenga ko.

"G*go ka Sean" madiin kong pagkakasabi ngunit tinugunan niya lamang ako ng kanyang mala-demonyong tawa.

**

"Tara na Elisha!"

"S-sandali!" sambit ko ngunit kahit na nagpumiglas ako ay nahatak na nila ako paalis sa lugar na ito. Nasa likod kami ng school dahil naisip naming babagay ang itsura ng lugar na ito sa magiging setting ng drama naming gagawin.

10270171127DWhere stories live. Discover now