BT13 : Nice to be back

Start from the beginning
                                    

" huhu. Hindi ka pa rin nagbabago tita Juvs, bakla ka pa rin." Sabi ko

*boink*



" aray !"


" walang hiya kang bata ka ! Inestress mo ang beauty ko kakahanap sayo. Ilang taon kitang hinanap ha ! Inutusan lang kitang magtapon ng basura dahil sa nakaleave si manang noong pero anong ginawa mo? Tumakas ka ng walang paalam." Sabi niya habang pingot-pingot ako.

" a-aray ko naman tita. Sorry na po kasi at saka may tatakas bang nagpapaalam?." Ako habang nakangiwi at hawak-hawak ang kamay ni tita na pumipingot saakin

It's true na tumakas ako hindi dahil sa pinahihirapan nila ako kundi dahil sa gusto ko lang ehehe. Gusto ko kasing maranasan mamuhay ng mag-isa. Hindi naman ako nahirapan dahil sa tulong ng isang mahalagang tao sa akin.


" aba't sumasagot ka pa ha." At lalo pa niyang hinigpitan ang pingot. Aray naman T_T



" sa susunod ipaalam mo sa akin ang mga ginagawa mo. Malilintikan ako sa mommy mo nito eh. Baka multuhin pa ako nun." Sabi ni Tita Juvs sabay hawi ng buhok. Sa wakas nakalaya din ang tenga ko.


" sorry na po kasi tita. Saka wala namang nangyaring masama sa akin eh." Nakapout na sabi ko sa kanya

" isa pa teacher na ako ngayon." Proud na sabi ko sa kanya na ikinalaki ng mata niyang singkit


" Jinjjaru? Omo chukhahae !" Sigaw niya at niyakap ulit ako.


" ouch !" Daing ko dahil sa masakit pa rin ang balikat ko


" oops sorry. Masaya lang talaga ako para sayo." Nakangiting sabi niya na ikinangiti ko rin




" ahem."

Oops ! Sila Glenn pala





" Sino naman ang anim na lalaking ito Nica?" Tanong ni Tita



" ahh mga estudyante ko sila." Ako




" WHAT !? Reign pakawalan niyo sila. Bakit niyo iginapos ang mga estudyante ni Nica. My gosh, nkaka-stress !" Tita Juvs, naglakad naman sila Reign patungo kila Misaki at isa-isa silang pinakawalan. Nag-unat naman sila pagkatapos makawala sa pagkakatali



" aray. Nangawit ang likod ko." Glenn



" namanhid ang pwet ko." Ivan




*facepalm*




" sensei ayos ka lang ba?" Lexter


" ayos lng ako, huwag kayong mag-alala." Sagot ko

" oo nga pala. Guys, ito ang Tita Juvs ko, siya ang nagpalaki sa akin." Pakilala ko kay tita at nagsiyuko naman sila bilang paggalang


" Glenn Salvador"

"Misaki Yamashita"

"Lexter Alvarez"


"George Lopez "

"Dex Chua"

"Ivan Lee"

Pakilala nila isa't isa at nginitian naman sila ni Tita.

" Ikinagagalak ko kayong makilala." Tita Juvs

" Reign, utusan mo sila manang upang maghanda ng makakain para sa Ating lahat." Utos ni tita na agad namang sinunod ni Reign.


Kaya pala pamilyar sa akin ang lugar na ito. Sa wakas ay nakabalik din ako kung saan ko ipinagpatuloy ang buhay ng hindi kasama sila mommy at daddy.

" sumunod kayo sa akin." Tita juvs, sumunod naman sila Glenn sa kanya papuntang dining hall pero nagpaiwan na muna ako.

Lumabas ako ng kwartong iyon at pumunta sa kwartong may pintong kulay blue at pink. Double door ito, ang kanan ay may kulay na pink at blue naman sa kaliwa. Pagbukas ko ay agad kong nakita ang dalawang kama sa loob, dalawang walk-in closet, dalawang upuan. Halos lahat ng nandito ay tigdadalawa. Pumunta ako sa isang cabinet kung saan nakpatong ang mga picture frame. Kinuha ko ang isa at tinitigan. Isang masayang pamilya ang makikita rito. Makikita ang saya sa mukha nila mommy at daddy habang may isang batang babae ang halos mapunit ang labi s kakangiti dahil sa nakaakbay sa kanya ang isang batang lalaki na kasing tangkad niya lang.


Kamusta na kaya siya? Alam na kaya niyang nakabalik na ako? Babalik din kaya siya ngayong andito na ako? Sana nga




Niyakap ko ang frame at inisip na sila ang kayakap ko sa oras na ito. Miss ko na kayo. Sobra

Dahil sa labis na pangungulila ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.
Sana nandito kayo ngayon s tabi ko. Mom, Dad nakabalik na po ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti. Hindi magiging masaya sila mommy kung nakikita nila akong malungkot. Don't worry mom and dad. Magpapakatatag ako habang nabubuhay ako at alam kong may mga taong nagmamalasakit sa akin. Nandiyan pa si tita, siya, at mga estudyante ko.



Tumakbo ako at patalon na humiga sa pink na kama at nag-unat. Tinignan ko ang kabilang kama na may kulay na asul at ngumiti.








It's nice to be back




------------------

Ayan may update na :) hindi na paasa HAHAHAHA !

Thanks sa mga nakakulitan ko sa Xxx, napaghalataang makulit si koreanang disenyo,mianhe xD






Vote, vote, vote

Bad-ass TeacherWhere stories live. Discover now