Lord, akin nalang 'to.

Hindi ako magpa-paalam kay Jared kasi di naman talaga sakanya si Prim. Kay God. Kaya sakanya ko hihingiin si Prim. 'Di kay Jared. Di ko siya close.

"Sure," Tinanggap niya 'yon. At magkahawak, naglakad kami papunta sa parte kung saan may inihanda ako. Nakita na niya 'to kanina pa pero noong mas malapit na kami, huminto siya. Kaya napahinto rin ako.

Nakatingin siya sa kabuoan ng kalokohan ko pero ako, nakatingin lang sakanya. Kasi sakanya ako naloloko. Kahit na sarili ko mismo niloloko ko na. Tanga-tanga.

Ang hard mo  @ self.

Bumuntong hininga ako. Nakatingin siya't nakangiti parin. Ako naman, ganon din. Ganon parin. Sakanya parin ang tingin. Tangina, kahit puso ko din pwedeng-pwede niyang angkinin.

Napapa-ngiti nalang ako sa reaksyon niya. Ang saya niya. Kita ko 'yon. Masakit lang kasi hindi ko parin mahigitan 'yong saya na nakikita ko pag si Jared ang kasama niya.

Ang sakit nun ah @ self.

Naglakad ako papunta sa harap niya.

Turned my back against the beautiful setting and faced the reason why I ain't regretting. I faced my favorite person in the world.

Kinain ka na ng pagibig @ self.

"Ayos lang ba?" Nahihiya pa 'ko nun ah. Anak ng garapata. Sakanya ko lang 'to ginawa.

"Ayos na kaso tinakpan mo." Nakataas ang kilay at natatawa pa, sinabi niya 'yon. Yan. Ang ganda mo lalo. 'Wag ka ng gumalaw. Ganyan ka nalang forever.

Deh. Gustong-gusto ko talagang ganyan siya. Yung nagta-taray pero natatawa. Ang sarap-sarap niyang panoorin. Ang sarap-sarap niyang mahalin.

"Mukha mo." Sabi ko. Natawa nalang siya pero kalaunan, ngumiti naman na at tumango sakin. "Ganda, sa totoo lang."

"Salamat. Ikaw din."

Ayun, namula. Totoo naman. Mas pa nga siya, e. Walang suprise, preparations ang mas ga-ganda pa sakanya. Kung may maganda pa sa babaeng minamahal ko ilabas niyo para mabaril ko. Sabing siya lang pinaka-maganda eh.

"Weh," Sige sabihin ko nalang na di siya kinikilig kahit halata naman. "Kain na tayo?" Tinapik niya ko sa tiyan at umiwas na. Sus.

Magkahawak ang kamay, naglakad kami papunta sa mesang inihanda ko.

Naisip ko lang, magkahawak rin ba kami sa susunod? Yung kahit na maraming tao. Kahit na husgahan na kami ng marami. Kahit na anong mangyari. Hahawakan niya rin ba ang kamay ko gaya ng pagkakahawak ng kamay ko sakanya? Yung may pag-daloy ng kuryente. Yung pakiramdam ko sa mundong 'to, nagkaroon ako ng silbi.

Pinapahirapan mo lang ang sarili mo @ self.

Magkaharap kaming dalawa.

At naisip ko na naman, siya rin ba maka-kaharap ko sa altar? Pagda-dasal ko na sana. Pero naisip ko pa lang na hindi at iba ang kaharap niya? Parang dinudurog buo ko'ng sistema.

LIKE THOSE MOVIESWhere stories live. Discover now