Chapter 53

6.4K 125 12
                                    

Simula nung nakita ko yung pictures ni Kiefer na may kasamang babae, hindi ko pa rin siya kinakausap. Nung tumawag ulit siya sinabi ko kay Aereen na sabihin na wala ako at pag tinanong kung anong nangyari sa phone ko sabihin nalaglag sa pool at di pa ko nakakabili ng bago. 

Nagpapasundo siya ngayon, pinasabi niya kay Aereen na pasamahin ako at ang mga bata. Hindi nga kami sumama ano siya sineswerte. Pagkatapos niyang mambabae magpapasundo pa siya sa akin. Si ching na lan ang pinagsundo ko at sinabing pag hinanap ako sabihin masama ang pakiramdam.

Hinihintay ko sila Ly at mga bata dito sa arrival. Halos kalalabas ko lan ng biglang tumawag si Ching.

Hello Ching, Saan na kayo? Nandito na ko sa arrival. sabi ko dito. Bakit hindi si Alyssa ang tumawag sa akin?

Sorry kuya medyo traffic. Papasok na po ako sa arrival. sagot sa akin ni Ching. Nagokay na lang ako at naghintay. Maya maya lang dumating na yung van. Excited na akong makita ang magiina ko, ang tagal din ng 2 weeks. Hindi ko na hinintay, si Ching pagbaba niya ako na nagbukas ng pinto ng Van at nagulat ako na wala siyang kasama.

Saan ang ate mo at mga bata? tanong ko dito.

Nasa bahay po, masama daw pakiramdam ni ate eh. nagkakamot na sagot nito.

Ah ganun ba? Sige tara na. Malungkot kong sagot. May sakit ba si Ly? 3 days ago pa yung huli kong kausap sa kanya. Pag tumatawag ako either tulog o kaya wala sa bahay. 

Pagdating ko sa bahay nasa sala ang mga bata kasama si Aereen, pero wala si Ly.

Hon, pagtawag sa akin ni Kassy. ginagaya niya yung tawag ng mommy niya sa akin. Kinarga ko ito at hinalikan. Naiinggit naman yung dalawang boys dahil naramdaman ko na may nakahawak sa dalawanga legs ko. Umupo na lang ako para mabuhat ko silang tatlo. 

Aereen, asan ang ate mo? tanong ko habang nilalaro ang mga bata.

Nasa kusina po kuya nagluluto ng dinner. sagot nito. Kala ko ba masama pakiramdam? Eh bakit nagluluto yun. 

Babies, kay Yaya Aereen muna kayo huh. Puntahan ko lang si mommy. sabi ko sa mga anak ko.

Ye, Ye, Ye. sabi nung tatlo habang gumagapang papunta kay Aereen. Talagang pinanindigan na niya yung Yeye na tawag sa kanya.

Pinuntahan ko si Ly sa kusina, baka kaya hindi niya ako sinundo isusurprise nya ako ng dinner. 

Hi babe. sabi ko at binackhug siya. 

O dumating ka na pala. sagot sa akin. After nun pinagpatuloy niya yung niluluto niya.

Wala bang welcome kiss? tanong ko.

Mamaya na yan. Nagluluto pa ako. malamig niyang sabi. May ginawa ba ako? It feels like something's wrong. 

You need help?  pangungulit ko. 

Hindi na. magpahinga ka na lang muna. Ipapatawag na lang kita kay Aereen pag tapos na to. sagot niya. Am i missing something? 2 weeks lang ako nawala bakit ganito na si Ly. HIndi ko na siya kinontra baka meron lang. Umakyat muna ko sa kwarto para magpalit ng damit. Di naman ako pagod kaya makikipaglaro na lang ako sa mga bata muna. Pagpasok ko nakita ko yung phone niya. Basag. Kaya siguro di ko siya macontact nung mga nakaraang araw. Pinaglaruan siguro ng mga bata.

Dumating na pala ang magaling kong asawa. May pawelcome welcome kiss pang nalalaman. Kala siguro nun tanga ako. Akala niya hindi na ako magchecheck ng twitter dahil sa busy ako dito sa bahay at sa mga bata. Lasunin ko na kaya? Huwag na lang, hindi naman ako ganun kasama. Sasakyan ko na lang muna ang trip niya. Aamin din naman yan. Pagkatapos kong magluto, tinawag ko na si Aereen. Hindi pala nagpahinga yung gago kong asawa. Aba ang daming energy ah. Siguro masayang masaya siya kasama ng babae niya kaya energized na energized ang loko. 

Kakain na. tawag ko sa kanila. Binuhat ko na si Kassy para ilagay sa high chair niya dinala naman ni Kiefer sila Kellan at Adee. Hindi muna ako magpapahalata na may alam ako. Baka mas marami akong madiscover kung magpapanggap akong walang alam.

Musta kayo dito Babe nung wala ako. Namiss niyo ba ako? tanong ng magaling kong asawa.

Hindi, pabulong kong sagot pero binawi ko rin. Oo naman, musta ka naman dun? tanong ko. Musta yung babae mo?

Okay naman nakakapagod nga lang yung training. Parang wala ng bukas, after training lagi akong bagsak. sagot niya. Bagsak? bagsak sa kama ng babae mo? Nabwibwisit na kong kausapin si Kiefer. Nakakairita yung pagmumukha ng manloloko kong asawa. Pero pinilit kong maging okay. Naaawa pa rin naman ako sa kanya kahit papaano, napagod din siguro sa biyahe to bukas ko na siya aawayin. Saka di ko rin siya pwedeng awayin sa harap ng mga bata.

Basag pala yun phone mo, Hon? Kaya pala di kita macontact. Pinaglaruan ba ng mga bata kaya nabasag?. binasag ko talaga dahil ayokong makita yung mga panggagago mo sa akin.

Oo. tipid kong sagot.

Natapos yung dinner namin. I can feel that something is wrong hindi ko lang talaga malaman kung ano. Mamaya ko na lang itatanong kay Ly. Nakipaglaro lang kami saglit sa mga bata at ng makatulog ang mga ito nagpaalam si Ly na mauuna na siya sa kwarto. Binantayan ko muna yung mga bata dahil kinukuha pa ni Aereen yung mga bote sa baba. Pagbalik niya nagpaalam na rin ako na matutulog na.

Pagpasok ko sa kwarto nakahiga na si Ly sa kama at nakapikit na. Ang bilis naman nitong matulog. Nagcr lang ako saglit at pagbalik ko humiga na rin ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at natulog na ko.

Naramdaman kong niyakap ako ni Kiefer. Hindi ko na lang napigilan umiyak. Ang kapal ng mukha nito, matapos akong lokohin nakukuha pa akong yakapin. Nung naramdaman kong mahimbing na yung tulog niya, tinanggal ko yung kamay niya at tumayo sa kama. Hindi ako makatulog, kaya iinom ako ng wine para makalimutan ko yung panloloko sa akin ni Kiefer. Wine lang nalalasing na ako.

Dito ko uminom sa backyard, sa tabi ng swimming pool kung saan sinurprise ako ni Kiefer 2 months ago nun bday ko. Ang saya pa namin nun. Kaya hanggang nagyon iniisip ko pa rin kung bakit magagawa ni Kiefer na lokohin ako. Dahil ba maiitim ako at maputi yung babae niya. Na mas sexy yun kesa sa akin? Mababaliw lang ako kakaisip kung bakit kami ipagpapalit ni Kief sa babaeng yun. Hindi na niya naisip yung mga anak niya. Lalaki ba yung mga anak ko ng walang tatay?

Hindi ko na napansin na malapit na maubos ko yung iniinom ko. Hindi man lang ako nalasing. Hind na ko bumalik sa kwarto namin. Hindi ko kayang tabihan yung manloloko kong asawa. Dito na lan ako natulog sa guestroom sa baba dinala ko na lang yung bote ng wine na may konti pang laman. Dito ko na sa kwarto inubos dahil inaantok na rin ako. Di ko na napansin na nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako, jetlag siguro. Nagulat ako ng wala si Ly sa tabi ko. Napabalikwas ako ng tayo, pero kinalma ko rin ang sarili ko at hinanap muna siya bago ko magpanic. Nakita ko siya sa may guestroom sa baba. May katabing bote ng wine. Hindi naman umiinom to eh. Anong problema ni Ly? 2 weeks lan akong nawala ganito na siya pagbalik ko. Binuhat ko siya para dalhin sa kwarto namin. 

Kinausap ko siya habang tulog, Babe, what's wrong? may problema ka ba na hindi mo sinasabi sa akin? Hinaplos ko yung mukha niya. Naawa ako sa itsura niya kasi mukha siyang galing sa iyak. Nagaalala na ako sa nangyayari kay Ly. Kukuha sana ako ng bimpo para punasan ang mukha niya ng bigla siyang magsalita.

I hate you Kiefer...

----


Right Here WaitingWhere stories live. Discover now