Chapter 18

7.8K 167 42
                                    

Dumating na ang magaling kong asawa. Kahit naman galit ako sa kanya di ko pa rin matiis na pabayaan lan siya. Kaya naman bumaba na ako at tinulungan siya. Mukhang di pa matutuloy ay bangayan namin tonight. Ayoko naman kasing makipagusap sa lasing.

Inilagay ko yung kamay nya sa balikat ko. Mabigat siya pero nakakalakad pa naman. Pagdating namin sa kwarto ibinaba ko na siya sa kama. At nahiga naman siya. Kahit naman sinungaling tong asawa ko mahal ko pa rin to. Kaya pupunasan at papalitan ko na lan ng damit. Bukas ko na lang siya kakausapin.

Kumuha na ako ng bimpo at maliit na basin. Pati na rin pamalit na tshirt at boxers ni Kiefer. Hinuhubad ko yung polo niya ng hawakan niya yung kamay ko at magsalita.

Kiefer: Ly, di pa ako ready. Huwag muna ngayon.

Ano bang pinagsasasabi nito. Hinawi ko yung kamay niya at pinagpatuloy yung ginagawa ko. Pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Sinigawan niya ako.

Kiefer: Ly, tangina naman sinabing ayoko eh.

Bumangon siya at napalapit yung mukha namin sa isa't isa. Dun ko napansin na may marka ng lipstick yun leeg nya. Ito na nga ba sinasabi ko nambababae tong si kiefer eh.

Bigla akong nanghina. Napaupo na lang ako sa kama at umiyak. Pero si kiefer nagsasalita pa rin.

Kiefer: o bakit ka umiiyak dyan? Hindi ka lang napagbigyan eh. Bakit hindi ka rin ba pinagbigyan ni Jovee kaya sa akin mo gusto?

Nagulat naman ako sa sinabi ni Kiefer.

Alyssa: ano bang pinagsasasabi mo?

Kiefer: huwag ka ng magmaang maangan Ly. Alam ko na. Hindi ka magaling magtago eh. Nahuli kita tuloy agad.

Litong lito ko sa sinasabi ni Kiefer. As in hindi ko magets.

Alyssa: ano? Hindi kita maintindihan. Bakit napasok si Jovee sa usapan na to (Habang umiiyak)

Kiefer: tigilan mo ko sa kadramahan mo Ly. Alam ko na, na may relasyon kayo ng gago mong ex.

Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Kiefer. Pinapalabas niya na nanlalaki ako and of all people si Jovee pa tlaga. Binabaliktad ata ako nito para mapagtakpan yun pambababae niya.

Alyssa: huwag mong ilipat sa akin yung mga gawain mo. Wala kaming relasyon ni Jovee.

Kiefer: sige lang Ly. Panindigan mo yan kasinungalingan mo.

Hindi na ako nakapagpigil.

Alyssa: at ako pa ang sinungaling. Ikaw ikaw ang sinungaling. Practice Kief? Really? Nasa cainta ako kanina nandun si Papa. Wala kayong practice. (Iyak pa rin siya ng iyak)

Kiefer: ayaw kasi kita makita. Ayokong makita at makasama yung manloloko kong asawa.

Alyssa: hindi kita niloloko. Ikaw ang nanloloko sa akin.

Kiefer: Nakita ko kayo sa medical city. Ly naman ipagpapalit mo na lan ako dun pa? Saka maglalandian na lan kayo sa maraming makakakita pa?

Hindi ko na talaga kinaya yung mga sinasabi sa akin ni Kiefer. All this time worried na worried ako sa kanya. Pinagiisipan niya pala ako ng masama. Tatayo na sana ako para lumabas ng hawakan niya ako sa kamay.

Kiefer: o bat mo ko wawalkoutan? Nabuking na kasi kita noh? Tangina Ly. Mahal na mahal kita pero 3 days lang akong nawala naghanap ka na agad ng iba?

Alyssa: Tama na kief. (Umiiyak pa rin)

Kiefer: Bat ka umiiyak? Ayaw mo ba nun alam ko na? Hindi ka na mahihirapan magtago. Gusto mo na ko hiwalayan? Ano gusto mo na sumama sa kanya? Sobrang mahal kita kaya kung saan ka sasaya. sige sumama ka na sa gagong Jovee na yun. Magpakasaya kayong dalawa. Tanginang buhay naman to oh. Alyssa naman mahal mo pa pala yung gago mong ex bakit ka pa nagpakasal sa akin? Tapos ngayon iiyakan mo ko. Pwede ba tumigil ka na dyan sa kaiiyak mo. Kung umiiyak ka dahil naaawa ka sa akin wag kang magaalala, kakayanin kong wala ka. At kayang kaya ko din palitan ka.

Tumayo siya at pumunta sa banyo at binalibag yun pintuan. Kaya kong tanggapin lahat ng sinabi nya sa akin kasi alam ko naman hindi totoo na meron kaming relasyon ni Jovee. Mali lang yung nakita niya. Pero yun huling sinabi niya dun ako nasaktan. Na kaya niya akong palitan.

Masyado ng mabigat yung pakiramdam ko ngayon. Quota na ko ngayong araw. Lumabas muna ako ng kwarto at lumipat sa kabilang kwarto. Pipilitin ko na lan matulog.

Hindi talaga ako dalawin ng antok. Para kasi akong pinapatay dito sa bahay na to. Lalo na't nandito si Kiefer. I need space away from him. Tumayo ako pumunta sa kwarto namin.

Siguro naman tulog na siya. Dahan dahan kong binuksan yun pinto. At nakita ko siya sa kama na tulog na nga. Kumuha lang ako sa cabinet ng ilang damit. Nakita ko namn yung gift na ibibigay ko sana kay Kiefer kagabi. Kinuha ko yun at nagsulat ng note. Ipinatong ko sa bedside table tapos sa ilalim ng gift yung printout ng ultrasound scan ko. Tinignan ko lang siya saglit at binulong sa sarili kong "i have to do this, for me and my baby". Tumalikod na ako at dumiretso palabas ng bahay.

Nagising ako sa sikat ng araw. Nakalimutan ata ni Aly na isara yung kurtina kagabi. Badtrip sakit sa ulo. Tumayo na ako tumingin sa relo shit past 10 na pala. Linggo ngayon kaya wala kaming practice. Patayo na ako ng may mapansin ako sa bedside table. May gift. Ano to Ly? One big bawi? Nakasulat sa note na open the gift before you read the note, sinunod ko na lan mga pakulo ni Ly. Binuksan ko yung gift. Baby boots? Buntis ba si Ly? Binasa ko na lang yung note.

Kief,

I was supposed to give this to you the day you came back from iloilo. I prepared a surprise dinner for you, but you're too drunk to see it. I thought may problem ka lang. so i let it pass.

Yesterday, i was so excited pag gising ko. I can't wait to tell you the good news but you left early kasi you'd rather spend your day with someone else than with me.

If you were just brave enough to confront me the moment you saw me with Jovee, we could have skipped all this drama. That day could have been the happiest day of our married life. Pro you chose to runaway and last night you chose to break my heart.

Btw in case you dont get it i'm 2 months pregnant.

Ly

Naiyak na lang ako pagkatapos kong basahin at nakita ko rin yung ultrasound scan nya.

Ang tanga tanga mo talaga Kief kahit kailan...
-------

Heavy drama?

Right Here WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon